Kabanata 6

7 2 0
                                    

Ilang weeks na ang lumipas simula nung eksenang iyon at kahit hindi maganda ang pakiramdam ko pumasok pa rin ako sa opisina niya "I thought you're running away again Ms. Cuevas" nanunuyang sabi ni Caden

"I'm not running away again Caden. I'm going to stay here" sabi ko

"Adress me Sir or Mr. Montemayor you are nothing to me and just my employee now" Pain crossed my eyes. Yeah I'm just nothing to him just his employee

"Sorry Sir hindi na po mauulit. Excuse me po Sir lalabas na po ako" pagkasabi ko noon umalis na ko. Pagkatapos noon hindi na ako pumasok sa opisina niya may secretary naman siya and I'm just sub President here dahil 'yon ang nasa kontrata. Nakausap ko din si Papa about doon sa contract and I understand him kung bakit kay Caden niya pinahawak iyong company naming dahil gusto niyang matuto muna ako

Kinabukasan maaga akong umalis ng bahay kasi may meeting akong aatend-han hindi kasi makakarating si Caden kaya ako ang makikimeeting para sa company namin "Ma'am ayos lang po ba kayo?" tanong nung secretary ni Papa na sinagot ko naman "Opo. Pasensya na po medyo kulang lang po sa tulog" sabi ko habang nag-aayos ng mga gagamitin para mamaya.

Napagkasunduan kasi namin ni Caden na siya ang magiging President habang ako magiging sub- President ng company namin(not vice President)

Napalingon ako ng bumukas sarado ang pintuan

"Sir, we have business trip to Palawan para mapromote iyong product ng kompanya" sabi ko sa kanya ng umupo siya sa President chair niya na hindi ako sinagot pero nakatitig sa akin na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko

Wag mo akong tignan ng ganyan please baka hindi ako makamove-on sa'yo

"Lalabas na ako" sabi ko dahil medyo naiilang ako sa kanya pero palabas pa lamang ako ng magsalita siya na mas ikinabilis ng tibok ng puso ko "Easy ka lang heart" pakiusap ko sa sarili ko

"I'm sorry Angel" napahinto ako sa endearment na tinawag niya sa akin after how many years narinig ko ulit iyong endearment na iyon sa kanya

"For what?" Tanong ko sa kanya ng makabawi ako sa pagkagulat

"For what I said" he said without looking at me

"Okay lang. Alam ko naman kung saan ka nanggagaling. It's my fault" mahina kong sabi

"But still I want to say my sorry" he should be mad at me hindi iyong humihingi siya ng sorry

"Okay lang. Alam ko naman na mas grabe pa sa salita mo ang nagawa ko sa'yo noon" "Ako dapat ang humingi ng sorry hindi ikaw" sabi ko sa kanya

Alam ko na tutulo nanaman ang luha ko dahil sa topic naming

"Okay na sa akin yun masaya na ako ngayon sa piling ni Mavy" nakangiting sagot niya sa akin na siyang ikinalungkot ko

He used to smile to me. Yung ngiti niya na alam mong mahal na mahal ka niya pero ngayon hindi na ako ang dahilan ng kanyang mga ngiti dahil iba na ang nag mamay-ari

"Congrats nga pala sa inyo" I smiled to him kahit na gusto ko ng umiyak sa harap niya at sabihing ako na lang "Sige magkita na lang tayo sa Palawan" I said as I bid my goodbye to him

Pagdating ko ng Palawan pumunta na ako sa hotel kung saan nakabook kami.

Hindi na ako sumabay sa kanila dahil mas gusto kong mapag-isa Pagdating ko sa hotel na tutuluyan ko nagshower muna ako at itinulog ko

Nagising naman ako ng may kumatok sa pinto ng hotel room ko pagbukas ko si Rose, isa sa mga staff ng company naming

"Ma'am pinapatawag na po kayo may salo-salo po sa dining hall"

Book of an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon