*Sound of alarms blaring*
"Sh*t. Bilisan niyo!"
Sinipa ni Jake ang dalawang malalaking pinto at iniluwal nito ang mga kasamahan niyang tumatakas sa bangungot na research facility. Nahinto sila ng biglang naglabasan ang mga guwardya na may bitbit na mga armas. Sa vest ng mga ito makikita ang isang logo ng Agila na trademark ng HillPark Corp. kung saan sila ikinulong ng ilang taon para pag-eksperimentuhan.
Naglinya ang mga ito dahilan para wala ng madaanan para kina Jake at sa mga kasamahan niya saka sila tinutukan ng mga dala nilang armas. Umigting ang panga ni Jake at nagisip ng plano sa utak nito.
"Luke. Kaya mo ba kontrolin kahit isa lang sa kanila?" Tanong nito sa isipan. Siguradong maririnig ito na Luke dahil isa ito sa mga kakayahang meron siya.
"Sorry." Sagot ni Luke na kahit hindi ito lingunin ni Jake ay alam niyang naiinis din sa sitwasyon nila.
Malimit silang pakainin sa facility dahil isa itong paraan para humina ang mga abilidad nila. Dahil kapag nanghihina ang mga ito ay mahina rin ang mga abilities na meron sila at hindi sila makakatakas sa lugar na yon.
Biglang humawi ang mga guwardya at lumabas sa gitna nito si Doctor Magda Fry, ang puno't dulo sa lahat ng hirap na dinadanas nila.
"Resisting is futile. Alam mo yon Jake." Aniya ng nakangiti. "And you too Luke. You know best not to anger me and yet you agreed to this kind of nonsense? I thought you were smarter than that?"
Nakuyom ni Luke ang kamao nito at galit na tinitigan si Dr. Magda. Naalala nito ang pinagggawa nito sa kanya at sa mga kaibigan niya. Ang tanging nasa utak niya sa mga panahong iyon ay saktan ito katulad ng pananakit niya sa kanila.
"Napakasama mo. Nagsinungaling ka sakin...samin, at napakatanga ko para paniwalaan ka noon! Aalis kami sa lugar na to sa ayaw at sa gusto mo!" Sigaw ni Luke.
"Oh dear." Humalakhak si Dr. Magda at napailing. "And what made you think you can?"
"AGHHHH! Mamatay ka na!" Sigaw ng kasama nilang si Harry at biglang tumakbo papunta kay Dr. Magda hawak ang isang kutsilyo.
Lumaki ang mata ni Luke at tumakbo para pigilan ito. "Harry wag!"
Parang naging slow-mo ang lahat habang tumatakbo si Luke at nakitang nakangiti sa kanya si Dr. Magda. Binilisan nito ang takbo at maabot na sana nito ang braso ni Harry ng biglang nagpaputok ang isang guwardya.
"NO!"
Nahinto sa pagtakbo si Luke at tila naestatwa habang nakitang unti-unti nahulog sa sahig ang katawan ni Harry. Napaluhod ito at di alam kung hahawakan ba niya ito o hindi. Lumapit sa kanya si Jake at lumuhod sa tabi niya.
"Ha-Harry?" Tawag nito sa kaibigan at nag-aalangang iniharap ito sa kanya.
Maririnig ng iyakan ng mga kasama nila sa likuran. Nagtatangkang lumabas ang mga luha nito sa mata pero pinigilan ito nina Luke at Jake.
"Kuya si m-mama." Sambit ni Harry bago ito unti-unting nawalan ng hininga.
Nag-angat ng ulo si Jake at nanggalaiting tinitigan si Dr. Magda. "Ang bata pa ni Harry!"
"Hmm. As much as I was sad that he died, siya ang nauna. I was just protecting myself? Why are you so angry?" Sagot ni Dr. Magda at nagkibit balikat.
Di na napigilan ni Jake ang sarili at mabilis na lumapit kay Dr. Magda. Susuntok na sana ito ng mabilis itong nilapitan ng dalawa pang guwardya at hinawakan ang magkabilang braso nito.
"Bitawan niyo ko!" Sigaw ni Jake.
Umiiling na lumapit si Dr. Mgda hanggang sa magkatapat na lamang sila. Hinawakan nito ang buhok ni Jake at marahang sinuklayan gamit ang mga daliri niya. Lumakbay ang daliri nito sa noo niya pababa hanggang sa tumigil sa panga nito at mahigpit na hinigit papalapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Green House
FantasyWhen you've spent most of your life running, you just wished there is some place where it would finally accept you as you are. Luke and his group of friends with their unusual set of abilities are feared and scorned for being different. When opport...