Chapter 2: The Secret

40 0 0
                                    

Renz's P.O.V

Pauwi na kami galing sa event. Buti nalang nakatiis ako kahit medyo bored.

Akalain mo yon napag tiyaga nila ko don. Kundi lang para kay Rave hindi ako pupunta.

Nang makarating kami sa bahay...

"What are you thinking about?" tanong ni Red

"Wala." sagot ko

"Spill it out. Alam kong meron." sabi niya sakin

"Hindi pa din mawala sa isip ko yung nangyare 2 years ago." sambit ko sa kanya

"Pero wala tayong magagawa Renz. Matagal na siyang wala. Kalimutan mo na yon" sabi ni Red saka umalis

"Hays kung alam mo lang Red. Kung alam mo lang na sila ang gumawa non. Baka matagal mo na siyang kinamuhian." mahinang sabi ko sa sarili ko.

Ako ang nakakaalam ng totoong nangyare nung araw na yon.

Hindi ko sila mapapatawad sa pag patay kay Kyle. Maaaring naloko niyo sila, pero ako hindi.

Habang nasa terrace ako, biglang dumating si Rave.

"Oh kamusta?" tanong ko

"Ayos naman Kuya kaso ewan ko ba parang sa tuwing may tinatanong ako lagi siyang may naaalala" sagot niya sakin

"Well it takes time to heal a broken heart" saad ko

"What to you mean?" tanong niya sakin

"You'll know soon, but not right now" sagot ko at umalis na

Dumiretso ako sa kuwarto ko para magpahinga. Masyadong madami na ang nangyare ngayong gabi.

Someone's P.O.V

"Itchi ikakasal na daw si Sheena kay Rave ah." sabi ni Dos sakin

"Alam ko bago mo pa malaman." sagot ko

"So ano ngang plano?" tanong ni Tres

"We'll find a way to stop it." sabi ko saka ngumiti

It's time for you to pay Villareal. The damage was over.

Ipaghihiganti ko ang pagkamatay niya. Ang pagkamatay ng kapatid ko.

I'm His Property (COMPLETED) Where stories live. Discover now