Chapter 3: The Warning

48 2 0
                                    

Sheena's P.O.V

Nagising ako dahil sa sigaw nila Kuya sa labas ng kuwarto ko.

Kahit tamad pa kong bumangon eh wala akong nagawa. Baka barilin pa nila yung pinto ko.

Kinuha ko yung kutsilyo saka lumabas.

"What?!" sigaw ko sa kanila

"Chill Queen. Ang aga aga papatay ka na." sabi ni Kuya Skyler

"Oo nga sis ibaba mo nga yan." sabi naman ni Kuya Shen

"Put it down Princess hindi nakakatuwa." nakasimangot na sabi ni Kuya Shawn

"Ang aga pa kase kuya nang gigising na kayo." sabi ko sabay pout

"Inaantay ka ni Rave sa baba. Pupunta na daw kayo sa bago niyong bahay." malungkot na sabi ni Kuya Shawn

Tiningnan ko sila at pare-parehas sila ng itsura. Panay sila malungkot.

"Kuya naman. Wag ganyan. Bibisita naman ako dito eh. Saka pupunta naman kayo don diba?" sabi ko

"Oo naman sis." nakangiting sabi ni Kuya Shen

"Hindi lang kami sanay na wala ka dito sa bahay Queen. Kaya medyo nakakapanibago pag wala kana dito sa bahay." saad naman ni Kuya Skyler

"Edi kung gusto niyo Kuya doon muna kayo sa bahay ng isang linggo." masayang sabi ko sa kanila at isa isa silang pumasok sa mga kuwarto nila at paglabas nila may dala na silang bag.

"Ready kayo ah?" natatawag sabi ko

"Oo naman. Yan lang ang inaantay namin Princess. Tara na." sabi ni Kuya Shawn at bumaba na kami.

"Good morning my Empress." nakangiting bati ni Rave sakin.

Rave's P.O.V

Nandito ko sa bahay nila Sheena para sunduin siya. Lilipat na kase kami don sa bagong bahay.

"Good morning my Empress." nakangiting sabi ko sa kanya

"Good morning din. Kumain kana ba?" tanong niya sakin

"Oo kanina bago ako pumunta dito sa inyo. Yung mga gamit mo pala nasa kotse na." sabi ko

"Sinong nag gayak?" tanong nito sakin.

Tumingin ako sa mga Kuya niya na panay umiwas ang tingin.

"Seryoso?" tanong ulit nito kaya tumango ako.

"KUYA!!!!!" sigaw niya

"Chill HAHA ayos lang yon." natatawang sabi ko

"Pano? Saan? Kailan? Eh naka lock yung pinto ng kuwarto ko!"
angal niya sakin

"Kase sis binili ka namin ng bagong damit nung isang araw tinago lang namin sayo." nag aalangang sabi ni Kuya Shen

"Eh bat niyo pa ko binili Kuya eh andami ko pang damit sa kuwarto. Gumastos pa tuloy kayo." malungkot na sabi niya

"Ayos lang yon. Para sayo naman Queen eh." nakangiting sabi ni Kuya Skyler

"Umm, andito pa ko." saad ko sa kanila at saka sila tumingin sakin

"Ay sorry haha tara na Rave." natatawang sabi ni Sheena sakin at saka kami lumabas.

Mukhang magiging masaya ang paglipat namin na to! Excited na kong makasama at maka bonding siya!

Sana magandahan siya don sa bagong bahay na lilipatan namin.

Someone's P.O.V

"It's time to start my game. Eveybody's in. I'll kill them and you better start finding me." nakangiting sabi ko at saka lumabas ng opisina.

I'm His Property (COMPLETED) Where stories live. Discover now