Chapter 1

24 3 0
                                    

A/N; Yung date po nya ay gawa gawa kolang, hindi april ngayon pero ganun ang ginawa ko dahil bakasyon sa story na ito so sana wag kayong malito.

(April 2, Tuesday. 3 pm)

Hmm. Bakit parang may malagkit? Tinignan ko ang wallclocl at syete alas tres na pala! Bumangon ako dahil anong oras na, pero bago pako makatayo, nakaramdam nako ng basa sa may pwetan ko.

Owemji.

Naihi bako sa shorts?

Yaaayyss!!!

Tinignan ko ang short ko. Lintek, akala ko naihi nako, may tagos lang papa. Regla na naman tsh. Pero ayos ng reglahin, kesa naman hindi hahahaha patay ako kila papa.

Tumayo ako at naghanap ng napkin pero kung siniswerte ka nga naman oh, ubos na. Aish!!

Nagbihis muna ako bago bumaba papuntang sala. Naabutan ko don si ate na nagbabasa.

"Ate, may napkin ka pa?" tanong ko.

Tumingin sya saken at umiling, "Wala na, kauubos lang nung isang araw, di pa din ako nakakabili e." sagot nya at binalik ang tingin sa libro.

Bwiset.

"Bili mo naman ako, kahit dyan lang kila boying." pakiusap ko. Patukoy sa tindahan malapit samen, boying ang tawag namen dun sa tindero, ewan ko ba, kinalakihan namin e.

"Eeh katy! Nagbabasa ako oh, ikaw na." apaka baet na ate talaga.

Nagpapadyak ako, "Bilis na kase ate, meron nga ako ngayon tapos lalabas pako? Pag tinagusan?"

Umirap sya saken, "Problema monayan sis."

Naknangtokwangina.

Tinignan ko sya ng masama kahit hindi nya nakikita.

Sabe ko nga ako din ang bibilis. Pisting life. Kumuha ako ng pera tsaka na naglakad palabas papunta kila boying.

Pagkadating don sinabi ko agad ang pakay ko.

Nagbayad agad ako pagkabigay saken ng napkin. Aalis na sana ako ng bigla akong may nakabunggong babae.

"Ay, sorry." pagpasensya ko. Ganyan ako kabait, ako na nasaktan, ako pa humingi ng tawad.

Eh? Hugot, amp.

Ngumiti naman yung babae saken, "Okay lang po." saad nya at dumiretso na kay boying. Sanaol magalang, ako kase maganda lang.

Umuwi ako ng mabilis dahil lagkit na lagkit nako. Pagdating, naligo agad ako tsaka nagsuot ng napkin. Yan, fresh.

Pagkababa ko sa sala, nandon si mama at papa na nanunuod ng tv. Habang si ate naman nasa kitchen. Kaya dumiretso ma den ako sa kitchen para maghanap ng makakain. Duh dipako nakain simula nung gumising ako.

Tahimik kaming kumakain ni ate ng bigla kaming makarinig ng sigaw.

"NASAAN ANG MAGKAPATED TITO, TITA?" sigaw ni kixx, putangna bibig!

"Bibig mo kixx hinaan mo! Andun sila sa kitchen." sagot ni mama.

"Bwiset yung bibig talaga." ani ate.

"Hellooooo pokersssss, uyy pagkaenn penge ng--araaayy naman kaley tita oh si kaley andamot!" sigaw nya ng hampasin ni ate ang kamay nya sa akmang pagkuha ng hotdog.

"Kaleyy!!" saway ni papa mula sa sala.

Pfft, nagpipigil ako ng tawa ng mapasimangot si ate.

"Bwiset ka!" ani ate at hinayaan nalang si kixx na makilamon. Kapal muks amp.

The One That Got Away (TOTGA)Where stories live. Discover now