Chapter 5

7 0 0
                                    

Tsaka lang ako nakahinga ng maayos ng bumalik na sya sa pagkakaupo. Jusko! Bakit bako nagkakaganto? Ambilis ng tibok ng puso ko habang nagiinit ang pisnge ko. Ah, baka naman sa sobrang hiya.

Inikot na ni batas ang bote, natapatan nun si cess.

"Dare." ani nya.

Moni raised her hands, "Hmm, curly your hair tomorrow!"

Tumawa si cess, ang simple naman kase. "Sure sige ba sige ba!"

Inikot na ni cess ang bote at tumama ulit yon kay ate, haha napuruhan.

"Ano bayan ako na naman! Dare."

At syempre, nagtaas agad ako ng kamay.

"Sampalin mo si cess! Ayan, sya nagikot e hahahahaha!" malakas akong tumawa na sinundan naman nila, maliban kay cess.

"Bwiset talaga kayong magkapatid!" singhal nya na masama ang tingin samen ni ate.

"Game! Aba't willing na willing ako gawin yan gusto mo doble pa?" panggagago ni ate sabay tawa.

"Ulul isa lang!" saad ni cess.

Tumayo na si ate at lumapit kay cess sabay sampal. Hindi yon ganun kalakas dahil tawa paden sya ng tawa.

"Ang hina gago!" angal ni kixx.

"Lol ansaket nga!" depensa ni cess.

"Shit ka cess ang hina na non katatawa ko!" ani naman ni ate.

"Ikot mona kaley!" saad ni hailey na ginawa naman ni ate at hahaha nagtawanan kami ng tumapat iyon kay hailey.

"Ayan excited kadaw e HAHAHA" tumatawang saad ni racki.

"Badtrip. Truth!"

Nagtaas ng kamay si ate, "May chance ba na mag comeback kayo ni Lonie?"

Natahimik kaming lahat sa tanong na yon. Lonie is hailey ex, we all know na mahal pa ni lonie si hailey, hindi kami sure kay hailey pero base sa observation naming lima, mahal pa nya si lonie. Naghiwalay sila last month dahil sa third party na tinatanggi ni lonie. Hailey and the five of us trusted him kaya ganun nalang ang panlulumo namen, lalo na si hailey nang malaman nyang nambababae si lonie. Wala naman syang proweba, sabi sabi lang yon, pero nahuli kasi nyang may kayakapan na babae si lonie na hindi nya maipaliwanag samen kung sino at ano nya ang babaeng yon. So they broke up and we all do our best to make hailey happy again.

Ngumiti sya, "It depends. I guess, i have to listen to his explanation first." seryosong sagot nya.

Nagbuntong hininga kami ng sabay sabay.

"Support." ani racki.

Ngumiti si hailey at inikot ang bote at saktong tumama yon kay racki.

"Yawa. Huhu, truth."

Nagtaas ng kamay si hailey, "Crush mo paden ba si Mayo?"

Nagtawanan kami maliban ulet kay batas at moni. Mamaya, ipapakilala namin sakanya yung apat.

Proud na ngumiti si racki, "Oonaman yes!"

Matagal na kasing may gusto si racki kay mayo na ayaw naman sakanya. Laging kinukulit ni racki si mayo kaya ayon nilalayuan sya ng isa. Minsan ng sumuko si racki sa pangungulit kay mayo pero dahil manhid, tumuloy din agad sya.

"Hahaha lakas talaga!" komento ni kixx.

"Kawa kana teh," pangaasar ni ate.

"Sagutin mona kase si jomar ate." panunulsol ko.

Nag pout sya, "Hindi pa nga nanliligaw e."

Tumawa kami ni kixx at nagtanguan. Kami na bahala dyan.

The One That Got Away (TOTGA)Where stories live. Discover now