A/N: Violent scenes and foul words that is not suitable for minors, well, except for me because I'm the author
****
He Was Once A Nerd - Chapter 14
"FEARS AND TEARS"
Your POV
"Bakit, bakit pa kasi siya?" Sinisipa ko yung lupa.
"Nakakainis, buwisit! Bakit pa ba ako pumayag na magpakasal sa kanya? Ang gaga mo (y/n)!" Wala akong pakialam kung mukha akong tanga dito na kinakausap sarili ko.
Sinipa ko ulit yung lupa at nagswing nalang ako.
Tapos tinigil ko yung pagswing at sinipa ulit yung lupa sa sobrang inis.
"Alam mo? Mamaya galit na sayo yung lupa kasi yan yung pinagbubuhusan mo ng galit," Sabi nung isang boses.
Darren....
"Anong ginagawa mo dito?" Inis kong sabi pero di ako lumilingon sa kanya.
Nananatili parin akong nakayuko at nakahawak sa handle nung swing. Yung itsura ko parang yung nasa media. Isipin niyo nalang na nakaupo ako sa swing.
"Magso-sorry." Tipid niyang sabi.
Nanatili akong tahimik. Naramdaman ko naman yung presensya niya sa harap ko, di ko siya nakita kasi diba nakayuko ako?
Lumuhod siya pero yung isang tuhod niya lang yung nakaluhod. Yung parang magpo-propose ba?
He lifted my chin up with his fingers, "Hey, listen. Planado lahat to," Lalo akong nainis sa sinabi niya.
"Planado to?!" Padabog akong tumayo.
"Hindi-- PINLANO NIYO TO? DI NAKAKATUWA!" Sigaw ko. Di ko maiwasan, galit na ako eh.
"Okay, wait patapusin mo muna ako okay?" Tumayo na siya. Shet ang tangkad niya! Hanggang ilong niya lang ako eh.
"DAMN! DI NAKAKATUWA! AKALA MO NATUTUWA AKOO?! PWES HINDI! TANGINA DARREN DI MO ALAM KUNG ANONG NARARAMDAMAN KO EH!" Sigaw ko habang hinahampas ang dibdib niya.
"Pata- EWAN KO SAYO BAHALA KA SA BUHAY MO! ISAMA MO YANG---
*tsup*
"May sasabihin kapa?" Nakangisi niyang sabi. Tangina?! Ninakaw first kiss ko?
"Tss. Ewan ko sayo," tumalikod na ako nang bigla siyang nagsalita.
"Planado lahat ng yun para malaman kung may nararamdaman ka talaga para sakin dahil fiance kita, dahil kung wala, ipapacancel ko yung kasal. Pinalano namin to, para malaman kung may gusto ka rin sa akin." Mahinahon niyang pagpaliwanag. So ganun reason niya, eh bakit kay Francheska pa? Kung sino pa yung kaaway ko.
"Nakipagbati na si Francheska sa amin kahapon, sinabi ko sa kanya na tatanggapin ko yung sorry niya kung tutulungan niya ako na pagselosin ka. And nagselos ka nga," sabi niya.
Nanatili akong nakatayo nung binack hug niyako.
"Therefore, I conclude that you have feelings for me too." Ramdam ko yung hininga niya sa tenga ko. Nakakakiliti.
Nakarinig naman ako ng slow clap galing sa entrance ng secret place.
"Wow ang sweet." Sabi niya. Ano bang kailangan mo ha?
Naramdaman kong kumalas na si Darren sa yakap niya sa akin.
"Ano ba kailangan mo Zack ha?" Darren hissed. Yes, alam niyo na kung sino yung dumukot saken noon.
