Jelly Bean

221 6 3
                                    

He Was Once A Nerd- Chapter 13

"JELLY BEANS"

~ Your Side ~

"Hi (y/n)! Kamusta kayo ni Darren? Going strong?" Tanong ni Twittle.

"Medyo. Oh pala! Diba wala na kayo ni Zack?" Sabi ko.

"Hayaan mo yun. Di siya kawalan and There was never an us! Halata naman na di niya talaga ako gusto eh. Matagal ko nang hinihingi kahit konting pagtingin lang galing sa kanya pero ayaw niya talaga. Kaya sabi ko, di siya karapat-dapat sakin kasi lagi akong pinapaiyak," Walang pakialam niyang sagot.

"Oh wait sa quake na nasa Kuwait? Is that Darren with Francheska or guni-guni ko lang yun?" Tinuro niya si Darren na kasama si Francheska, grabe ang saya nila! Tawa ng tawa. Sa sobrang tawa parang gusto ko nang mamatay sila sa kakatawa.

"(Y/N)? Okay ka lang? Barag na yang chuckie mong hawak oh! Sayang laman."

"Ay-- Uhm, eh. Yeah, okay lang ako. B-bakit naman ako di m-magiging okay?"Sabi ko. Naiinis ako sa dalawang yun, edi magsama na silang dalawa.

"Yun oh nauutal! Nagiging jellybean kana (y/n) ah?" Singit ni Sab.

"Eh kasi--- wait? Anong jellybean? Tao ako gaga!" Inis kong sabi kay Sab. Eh talaga naman eh? Tao ako at hindi jellybean.

"Boba! Jellybean mean nagseselos ka!" Sabi naman ni Alexa na may hawak ng stick na may kwek kwek.

"Akin na nga yan!" Sabay hablot sa kwek-kwek niya.

"Hoy akin yan!" Sinubukan niyang kunin pero nakagatan ko na.

"Atchaka? Bakit ako magseselos? Duh!" Maarte kong sabi. Eh bwisit sila! Magsama kayo. Masasaksak ko kayo netong stick eh.

"Nagseselos ka nga! Tignan mo, kain ka ng kain, sabi nila pag nagseselos ang tao, dinadaan sa pagkain. Kaya foods?" Sabi ni Sab.

"Check!" Sagot ni Alexa. Aish, diba dapat tutulungan nila ako?

"Kanina yung chuckie mo, nasira mo ng di mo alam nung nakita mong nagsasaya sila." Asar ni Twittle. Kaibigan ko kayo diba?

"O tignan mo!" Sabat ni Sabrianna.

"Aish ano ba pwedeng tantanan niyo ako?" Inis na inis kong tanong sa kanila.

Nakita ko namang lumalapit samin sina Darren.

"Oh (y/n), Ang saya pala kasama ni Francheska no? Dapat magbati na kayo!" Ngiting ngiti na sabi ni Darren. Punitin ko yang bunganga mo eh.

"Edi kayo na magsama!" Sabi ko sabay walk out.

~ Darren's side ~

"(Y/N)!" Sigaw ko.

"Nice job Darren! Nagseselos nga siya," Sabi ni Sab. Yes, planado talaga lahat ng ito. Para malaman kung mahal niya talaga ako o hindi.

Nagbati na kami nina Francheska kahapon. Si (y/n) nalang hindi, saka napag usapan namin na pagseselosin namin si (y/n) para malaman ang feeling niya para sakin.

FLASHBACK

"Hey Darren!" Tawag sakin ni Francheska.

"What?" Medyo inis kong sagot, di ba niya maintindihan na may fiance ako?

"Whoa, whoa! Calm your nerves." Pa -cool niyang sabi.

"What do you want?" I hissed. Inirapan niya lang ako.

"Okay fine! I just wanted to say sorry for the things I have done," Sabi niya. Nagulat naman ako dun.

"Okay na ba kayo nina Sab?" Sabi ko.

"Oh yeah, Rianna. Yeah, we're fine na. Magsorry nalang daw ako sayo," Sabi niya.

"Okay, but in one condition...." Tinuloy ko yung pagkain ng sandwich ko.

"What?"

"Pagselosin natin si (y/n)," Nakangisi kong sagot.

END OF FLASHBACK

Kaya yun. Nagselos si (y/n) kay Francheska.

"Habulin mo na, naiinis na siya." May panguso -nguso pang nalalaman si Alexa eh.

Tinignan ko sila at tumakbo papuntang school garden. Naalala ko tuloy yung nalaglag ako sa fishpond.

Umiling-iling ako nung naalala ko yun. Siyet nakakahiya.

"(Y/N)?" Mahina kong sabi.

"Psst? (Y/n)? Asan kana?" Alam niyo yung parang vine vine na nagtatakip sa mga secret places? Yung sa cartoons? Yung parang sa tangled? Yung nagtatago sa lugar kung nasan yung tower kung san nakatago si rapunzel? Basta ganun. Tinamad nanaman si Hannah magdescribe eh.

(A/N: ako nanaman? Diba POV mo to? Sino nagsasalita? Diba ikaw?)

Ikaw naman nagta-type. Tss.

(A/N: Ewan ko sayo.)

Basta ganun. Teka? Hinahanap ko si (y/n) diba?

At yun nga, nakita ko na siya. Sinisipa-sipa niya yung ground habang kinakausap ang sarili.

~*~

Hannah's note: Short UD. 1st commentor gets the dedication.

Comment, vote and maging pamaypay! ♥

He Was Once A Nerd (Fanfic- EDITING/HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon