Knowing the true HIM

507 21 1
                                        

A/N: magkaka-rules tayo, kapag 7+ na ung votes sa chapter saka na ako mag-Uupdate. Deal?

**

He Was Once A Nerd

Chapter 10

[ Y O U ]

O.O

Laman ng box ay isang kutsilyo tapos pugot na ulo ng barbie.

May letter na nakalagay:

Mahal kong (y/n),

How are your my dear? I heard na masayang masaya ka na sa buhay mo. Don't worry, saglit lang yan. Kukunin din kita diyan, babawiin kita. Andito lang ako, nagmamasid at binabantayan ka. Yang mga tawa mo ay magiging luha na paunti-unti. Habang andito ako, hinding hindi kayo magiging masaya hangga't sa mabawi kita. Mahal na mahal kita! Sana makita na kita--- Ow, sana makita mo na AKO.

Your worst nightmare,

CkazT.

Shit! Kilala ko na kung sino to. Unti-unti na niya akong nilalayo kay Darren. Please po, sana ako nalang, wag mo lang galawin sina Darren kahit ako nalang.

"(Y/N)....." Sabi ni Darren.

"A-Ah. W-Wala to, wala. " Tanggi ko, kahit alam kong akin talaga 'to.

[ D A R R E N ]

Nagsisimula na si *****. Kailangan kong protektahan si (y/n), nagbabanta na nga si *****, malamang gagawin nya yun.

Paano ko nalaman? Nung araw na pumunta kami sa yate nila (y/n), nakita kong parang may dumukot sa kanya. Sinundan ko siya at narinig ko ang usapan nila, nakita ko pa ang dumukot sa kanya. Kaya dapat protektahan ko silang lahat, lalong lalo na si (y/n), papakasalan ko pa yan!

"Hala JK! Paano to? Natatakot na ako," Naiiyak na sabi ni Sab. Hinahagod naman ni JK ang likod niya.

"Malay mo, prank lang yun. Wala namang kaaway si (y/n) --- Si Francheska?" Pinutol ni Kris ang sinasabi ni Alexa.

"Maliban kay Francheska, masyadong tanga naman yun. Laging palpak. Tsk," umiling-iling pa siya.

Lumingon ako at parang may anino akong nakita sa may puno. Nevermind.

"Kristoffer, patulong kaya tayo kay Tito Keian? Magaling na investigator yun diba? Diba (y/n)?" Sabi ni JK. Oo nga ano, isang high paid investigator ang tatay ni Kris.

"Ah-Eh, baka busy si tito?" Sabi ni (y/n). Tinatago niya lang pero alam kong gusto niya siya lang ang lulutas nito.

"Sige I'll ask him if he could help us. " Sagot ni Kris.

"(Y/N), okay ka lang?" Tanong ko,namumutla kasi siya. Tumango naman siya.

"Sigurado ka?" Tanong ko ulit. Tumango siya pero mas lalong namutla, natatakot na siya.

*Toot toot*

Uy! May nag-text.

From: Tita/Mother in Law

Uwi ka na. Pag-uusapan na natin ang marriage niyo. Susunduin na kayo ng driver.

Nireplayan ko ulit.

To: Tita/ Mother in Law

Ok po tita. We're on our way na po.

"(Y/N), uwi ka na daw, hatid na kita." Inalalayan ko siya papunta sa kotse ng driver niya.

He Was Once A Nerd (Fanfic- EDITING/HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon