Time flies so fast. Ilang buwan na rin ang nag daan ng mag simula ang school year.
Umabot narin ng ilang buwan ang pagkakaibigan namin ni Nica. Sa tagal ng pinagsamahan na namin mas lalo ko siyang nakilala ng lubusan. Anak pala siya ng supervisor sa school namin kaya pala sinabe niya sakin noon na Papakick-out niya sa daddy niya pag may umapi sakin.Nandito kami ngayon sa tambayan namin kung saan kami unang nagkakilala.
''Oh my G! Stress na stress na talaga ako sa seatmate ko! Alam mo yun?! Di nagsasalita everytime na may itatanong ako sa kanya wala akong makuhang sagot kahit isang sulyap lang di magawa as in total ignore ang beauty ko! Gosh! Pasalamat siya gwapo siya!''
Kanina pa ito sa kakangawa tungkol sa seatmate niya.
Ang tinutukoy niya ay si Brendon.''Lumipat ka nalang kaya ng upoan?''
suggest ko sa kanya para naman tumigil na siya sa kakatalak tungkol kay Brendon.''Kung pwedi lang talaga sis. Gosh! Feeling ko talaga pader yung katabi ko eh walang kibo.'' sabay roll eyes niya.
Hahaha! Brat talaga.
''Ewan ko sayo. Mag aral ka nalang kaya instead na magtatalak ka jan mag review ka nalang malapit na ang examination day natin '' sabi ko.
''Haaays. Isa pa tong exam na to. Waaah! Maglalakwatsa talaga ako pagkatapos nang exam nato!''
Pagkatapos kasi nang exam namin ay semestral break na.
''So san mo planong magbakasyon sis?'' tanong niya sakin.
''Ewan di ko alam baka sa bahay lang magbabasa lang ng books ko.''
Di naman kasi ako mahilig magliwaliw. Pag walang pasok palagi lang naman akong nakatambay sa kwarto ko lang nagbabasa nang libro.
''Ang boring nang life mo sis. Try mo rin kayang mag freshen up.''
''Wag na. San naman ako pupunta. Tsaka nakakatamad rin.'' sagot ko.
''Sama ka samin! May iilang kaibigan na ako sa room namin. Pupunta kami ng samal beach. Sama ka na sis please...''
''Kayo nalang. Katamad talaga yung mga ganyan. Di ako mahilig diyan.''
''Ayan ka nanaman sa pagiging KJ mo Leah ah!'' sabat hampas sa braso ko.
''Eh maa-out of place din naman ako sa inyo dun ano. Tsaka alam mo namang walang may gustong maging kaibigan ako ikaw lang kaya ang nag lakas loob na lumapit sakin dito.''
''Akong bahala sayo. Sige na sama kana samin sis! Wag kang KJ!'' pagpipilit parin niya.
Why not try self? Minsan lang naman to. Sobra na ata ang pagiging introvert ko.
''Fine. Sasama ako. Magpapaalam muna ako kay mommy baka di ako payagan.'' pagsuko ko sa kanya.
Anong di papayagan ang pinagsasabi mo self? Baka nga magpaparty pa yung nanay mo.
''yeeeey! Inform nalang kita sis kung anong araw tayo aalis. Sunduin ka nalang din namin.'' di halatang excited ghorl?
--
Alas-singko na ng hapon, oras na ng uwian pero andito parin ako sa room namin naiwang mag isa. Ngayon kasi ang sched ko sa pagiging cleaners. Bawat araw kasi may nakaassign na groupo para mag linis umaga saka uwian tuwing hapon. Pero heto ako ngayon mag isang naglilinis kasi masyadong maarte ang mga kagroupmates ko kaya solo ko ang paglilinis dito.
Pagkatapos kong maglinis nag room ay agad kong nilock ang room saka pumuntang gate dahil nagtxt sa sakin ang driver namin.
Pag uwi ko sa bahay ay naabutan ko doon si mommy Belle na nanunuod nang TV kasama si Daddy El.
BINABASA MO ANG
Shattered Pieces ✔️ (UNEDITED VERSION)
Teen Fiction"While some endings are painful, there are some endings that's worth it."