Sa isang linggong bakasyon namin ay medyo na enjoy ko rin naman. Medyo nakikisali na ako sa ibang kaklase ni Nica. Mababait din naman ito yun nga lang may pagka maarte. Well what do you expect for a rich kids na kagaya nilang iba ang nakasanayang pamumuhay.
Sa isang linggong din yun ay di na nagpakita sakin si Mia at Brendon. Iba ang lakad nang dalawa. Pag pupunta kami sa souvenir shop ay pupunta naman silang dalawa sa ibang lugar halatang umiiwas si Mia kay Nica, at si Brendon naman bilang boyfriend ay sunod sunoran ito. Mabuti na nga't ganun para iwas gulo at makaiwas na rin ako kay Brendon.
Sabado ng hapon na kami umuwi, pagod na pagod ako pagdating sa bahay kaya dumiretso na ako sa kwarto ko para makapag ayos nang sarili at matulog na.
Kinaumagahan paggising ko ay nanatili lamang ako sa kwarto ko para mag basa nang libro. Ganito ako palagi tuwing walang pasok. Lalabas lang kung kailangan. Minsan nga ay nagpapahatid nalang ako nang pagkain.
--
Masyadong mabilis ang mga nagdaang araw at ito ngayon ay balik skwela nanaman kami.
Medyo magaan na rin sa akin ang ilang araw na pagpasok ko uli sa school lalo na nang kumalat ang issue na mas mayaman daw ako kesa kay Mia, and that made me realize that life status matters. Kung mahirap ka masyadong mababa ang tingin nila sayo. Pero pag may pera ka tinitingala ka. Nakakashit isipin right?Kung ako ang papapiliin mas gugustohin kong mamuhay bilang simpleng tao lamang. Money can't buy permanent happiness. May kaibigan ka nga puro lang naman kaplastikan.
Habang naglalakad ako patungong canteen ay nakaramdam ako nang pagka-ihi kaya pumunta ako sa malapit na girl's CR. Tinext ko muna si Nica baka magtaka siya na bakit ang tagal ko. Every recess time kasi kami nagkikita sa paboritong tambayan namin which is sa canteen kung saan kami unang nagkakilala.
Pagpasok ko sa Girls CR ay agad akong pumasok sa isang cubicle nito.
Pagkatapos ko ay naghugas muna ako nangkamay kumuha ako nang tissue sa may sink tsaka nag lagay nang alcohol.Lalabas na sana ako nang may biglang pumasok. Nagulat ako nang bumungad sa akin si Mia na sobrang galit.
"Oh? Dito lang pala kita makikita pinahirapan mo pa ko ugly shit."
Sabi nito nang nakatingin sakin nang masama."Ano bang kailangan mo?" Sagot ko sa kanya.
"Aba. Marunong ka na ring sumagot sagot sakin? Lalaban ka na? Di porket sumikat ka na dahil mas mayaman ka gumaganyan ka na. Ang panget mo parin."
"Di naman sa ganun Mia. Tinatanong ko lang naman sayo kung anong kailangan mo ba't mo ako hinahanap." Sagot ko sa kanya.
Ayaw ko nang gulo kaya gusto ko nang matapos to kung ano man ang kailangan niya sakin.
"Oh speaking about that. Akala mo di ko malalaman ang kalandian mong ginagagawa behind my back?" Tanong nito na nagpaggulat sakin.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Playing inosente ka na ngayon? Akala ko pa naman marangal na babae may tinatago palang kalandian! Akala mo di ko malalaman na nilalandi mo ang boyfriend ko?!" Sigaw nito.
Mad lalo akong nagulat sa sinabe nito. Pano niya nalaman? Tsaka di ko nilalandi si Brendon!
"Ano ba yang pinagsasabi mo Mia? Nagkakamali ka. Di ko nilalandi si Brendon." Sagot ko na di pinapahalatang kinakabahan ako kung san patungo ang usapan naming dalawa.
Sino naman kaya ang hipokritang gumagawa nang kwentong 'to? Eh sa katunayan nga ay si Brendon pa ang panay ang lapit sakin! Ba't ako ang lumalabas na lumalapiy sa kanya?!
"Huh. Talaga lang ha. Subukan mo lang talagang landiin ang boyfriend ko Leah. Im telling you. Pagsisisihan mo." Saka ito tumalikod at lumabas nang Girls CR.
BINABASA MO ANG
Shattered Pieces ✔️ (UNEDITED VERSION)
Fiksi Remaja"While some endings are painful, there are some endings that's worth it."