FIVE

131 61 35
                                    

Hila hila parin ako ni Brendon papuntang parking lot. Huminto kami sa harap nang isang mamahaling sasakyan na sa tingin ko ay sa kanya.
Binuksan niya ang pinto ng passenger seat.

"Get in" sabi nito na di tumitingin sakin.

"Madudumihan ang upoan ng sasakyan mo Bren." Sagot ko sa kanya dahil nanglalagkit pa ako sa isang basong ketchup na pinaligo sakin ni Mia.

"Just get the fucking in." Mariin na sabi nito halatang nauubusan na nang pasensya kaya agad akong pumasok pero bago pa man ako umupo ay nilagay ko muna sa upoan nang sasakyan ang polong ipinangtakip sakin ni Brendon kanina bilang sapin sa uupoan ko para di madumihan.

Nang makaupo na ako ay agad naman isinara ni Brendon ang pinto sa may passenger seat saka ito umikot papuntang driver seat.

"San ba tayo pupunta? May klase pa ako." Sabi ko sa kanya. Di man lang ako tinignan nito, patuloy lamang ito sa pagkabit nang seat belt niya before he turned on the cars engine.

"Ano ba Brendon! Tinatanong kita!" Sigaw ko sa kanya. Di ko mapigilang sigawan siya dahil sa inis.

Nanatili lamang itong walang imik pero mapapansin mong sobrang higpit nang pagkakahawak niya sa steering wheel nang sasakyan. Siya oa ang may ganang magalit ngayon eh siya nga itong bigla-biglang manghihila para dalhin ako sa kung saan! At siya rin ang dahilan kung bakit nangyari sakin 'to ngayon! Kung di ba naman makapal ang mukha ng lalaking 'to ano?
Nagsimula na itong umandar ang sasakyan niya paalis nang parking lot. Pagdating nito sa gate at pinara ito nang guard.

"May klase pa po kayo sir Brendon bawal pa pong lumabas." Sabi ni manong guard kay Brendon.

"May kailangan lang po kaming puntahan. Leah needs to change her clothes. " Sabay turo nito sakin kaya napatingin naman si manong guard sa pwesto ko. Nagulat naman ito sa nakitang ayos ko.

"Hala ano pong nangyari sayo ma'am?" Tanong nito sakin.

"Ah may nakabanggaan lang mo ako kanina sa canteen manong guard kaya ito natapunan po ako nang sauce." Sagot ko sa kanya. Pasensya na sa pagsisinungaling manong guard. Ayoko nang madagdagan pa yung gulo't baka umabot pa ito sa office at ipatawag kaming dalawa ni Mia. Mas lalo lang akong pag iinitan nong babaeng yun.

"Ah sige po. Pwedi na po kayong lumabas. Uwi po kayo nang deritso sir. Mag ingat po kayo sa pagmamaneho mahirap na baka may mangyaring masama ako po ang malalagot." Bilin nito samin bago binuksan ang malaking kulay blue na gate nang Academy.

"Sige po manong una na po kami salamat." Sabi ko bago kami tuluyang umalis.

Tahimik lamang kaming dalawa. Walang gustong magsalita samin. Masyadong awkward ang moment na to.

Di nag tagal ay huminto si Brendon sa tapat nang isang malaking building na sa tingin ko ay isang building nang mga mamahaling condo units.
Pinark nito ang sasakyang niya sa parking lot nang building bago lumabas nang sasakyan. Umikot naman ito sa may pinto nang passenger seat para pagbuksan ako. Pagbaba ko ay agad namang hinawakan no Brendon ang kamay ko saka hinila papuntang elavator.

Tahimik lamang kami hanggang sa makarating kami sa ika walong floor nang building. Nahuhulaan ko na kung saan kami ngayon papunta. Sa unit ni Brendon. Pero ano ang gagawin namin dito? Magbibihis ako? Eh wala naman akong damit dito!

Huminto kami sa paglalakad nang makarating na kami sa tapat ng pinto nang unit niya. May kinahu itong card key sa bulsa niya saka ito nag swipe para mag bukas ang pinto.

Pagpasok namin sa loob ay namangha ako sa ayos nang unit niya.
Parang hindi lalaki ang nakatira. Masyadong malinis at maayos ang mga gamit sa paligid. Kulay puti at chocolate brown ang theme nang condo unit niya. Malaki ang unit na to. Parang pang executive suite.

Shattered Pieces ✔️ (UNEDITED VERSION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon