meet Inigo Garcia

31 6 1
                                    

Xyrelle's Pov

Sa ngayon, nasa kotse ako. Ay hindi basta basta kotse lang. Na kay John Bermundo ako. Pauwi na kami ni Paolo. Hahatid nya muna ako. Nagshopping kami ni Pao. May couple shirt pa nga kami eh. Bestfriend shirt pala.

"Let's go" bumaba na si Paolo at pinagbuksan naman ako. Inalalayan pa ako pababa. Ano ako lola?

"Xyrelle?" Lumingon ako sa tumawag sakin. Isang lalaking nagdidilig ng halaman. Si ano nga pangalan neto?

"Inigo! Omaygash! I missed you" sabi ko sabay yakap sa kanya. Wala ng pake kung mabasa eh no?

"Xyrelle. Ikaw nga! Namiss din kita. Dito ka na ba? Dito na ako titira. Sabi ni mama" mama nya si manang Linda. Sya si John Inigo Garcia. Kababata ko. Dati kasi nag-abroad din si mama. Dito ako pinatira. Noon pa man ay dito na talaga nagta-trabaho si manang Linda. Wala ng tatay si Inigo. Kaya minsan dito pinapatulog ng nanay nya. Maliit lang kasi yung bahay nila.

"Dito ka na titira? Forever? Hahaha pareho tayo"

"Ehem" kumalas na kami sa yakap. Umehem kasi si Paolo.

"Ahh.. Paolo, si Inigo. Bestfriend ko simula pagkabata. Inigo, si Paolo. Kaibi--"

"Boyfriend nya tol. Dean Paolo Alvarez. Tandaan mo ah" sabay akbay sakin

"Ayy.. may boyfriend ka na pala hahaha.. "

"Sige pasok na tayo"

"Hindi ka manlang ba maggu-goodbye sakin?" Napahinto ako sa paglalakad. Lumapit ako sa kanya at kiniss ang cheeks nya.

"Goodbye, babe"

"And?"

"Yeah.. yeah.. i love you, Nampyeon" sabay kiss sa lips nya. Smack lang no. Hindi ako marunong nung pasukan ng dila.

"Goodbye, Anae. I love you more" pumasok na kami sa loob ni Inigo. Nakita naman namin si Rose na nakatingin sakin ng masama.

"Hindi na nakuntento, may Jonas na, may Paolo pa. Dinagdag pa si Inigo. Nasayo na ang lahat" hindi ko na lang sya pinansin at umakyat kami sa kwarto ko. Kung iisipin nyo na masamang magpapasok ng lalaki sa kwarto ng babae. Wala naman kaming gagawin at may tiwala naman ako dito.

"Kamusta ka na?" Tanong nya

"Very fine. Buti nakita pa kita. Kala ko hindi na kita makikita"

"OA mo parin. Walang pinagbago"

"Hahaha.. pareho na tayo. Walang tatay" malungkot kong saad. Umupo sya sa kama. Sa tabi ko.

"Condolence.."

"Sige. Hahaha. Change topic po. May girlfriend ka na no?"

"Hoy wala no. Wala akong girlfriend. Kase yung gusto kong babae, may gusto ng iba"

"Aw.. nakaka-touch naman nyan. Don't worry. Baka magustuhan ka din naman nung babaeng gusto mo. Alam mo dapat, diskarte ang kailangan. Pormahan mo tapos magpapansin ka. Ganon kasi gusto ko hahaha"

"Ah talaga? I mean. Sige. Baka nga magustuhan ako ng babaeng mahal ko"

"Ahh sige. Kwento ka pa dali.. gusto ko sa madaldal hahah--"

"Inigo! Tulungan mo si Rose sa pagdidilig ng halaman" sigaw ni manang Linda.

"Sige. Mamaya na lang. Didiligan ko lang si Rose este tutulungan ko si Rose magdilig ng halaman"

"Hahaha.." lumabas na sya ng kwarto. Hay naku. Inigo. Bakit bumalik ka pa? Gusto kita Inigo. Gusto kita noon. Pero sorry, wala na po eh. Kasi sa tingin ko. Na kay Paolo na. Hindi love yon. Like lang.

Her JobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon