Liam's Party

37 6 0
                                    

Xyrelle's Pov

"Rose, kain na tayo?"

"Ayoko. Busog ako"

"Sama ka sa party?"

"Party nino?"

"Liam's party"

"Sige. Hintayin mo na lang ako sa labas" lumabas na ako. Ambait ko kay Rose pero sya, mataray parin.

*Kriiiing Kriiing (Melody)

"Hello best?"

"Best! Pupunta ka ba sa party? Pumunta kami sa bahay nyo, iba na ang nakatira. Where are you?"

"Sa bahay ni tita Laura. Dito na kami nakatira ni kuya"

"At kelan ka pa dyan? Hindi mo manlang sinasabi"

"4 weeks ago"

"Bruha ka. Sino si Paolo? In a relationship pa kayo sa facebook. Like DUH! Mas gwapo naman BF ko don"

"Tss.. sige na nga bye" binaba ko na, bago pa sya makasagot. Kilala pala ni Paolo si Liam. Kasama ko sya sa party mamaya. Im just so excited kasi first time kong pupunta sa pool party. Kasi mga pinupuntahan ko lang party party walang pool. 1 week na akong di pumapasok. Tamad lang -__-

"Tok tok.. mahal ko" pumasok naman bigla si kuya Xian. Minsan ko na lang to nakakasama kasi lagi sa trabaho. Tumigil nga sya sa pag-aaral eh.

"Kuya!" Sabay yakap sa kanya.

"Pupunta kayo sa party?"

"Opo"

"Hoy. Wag kang gagaya sa mga pole dancers ha"

"Hahaha.. syempre"

"Sige na. Baka mahuli pa ako sa trabaho. Ingat ka baby ha" sabay kiss sa cheeks ko.

"Opo opo"

>February 27< Liam's Birthday.

@ Liam's Party

"Hahaha"

"Yeah.."

"Huy.. tulala ka?" Tanong ni Paolo sakin. Nasa kotse pa kame rinig ko na ang sigawan sa party. Kasama namin sila Melody, Julie tsaka si Rose dito kay John Bermundo. Si Rose naka-dress na tube na malapit ng makita yung katawan nya. Si Melody naman dress din na floral. Mahaba yung dress ni Melody hahaha ayaw mapansin ng mga lalaki, baka magalit ang boyfriend. Tapos si Julie din dress hahaha.. light pink dress. ako, pinili ni Paolo to eh. White dress na may light blue belt. Yung mga make up namin, maninipis lang except kay Rose na sobrang kapal ng make up. Ito na hinihintay nyo. Anong suot ni Paolo? American suit. Tapos nakataas yung buhok. Ang gwapo nya. Bumaba na sila Melody, Julie at Rose. Bumaba na din si Paolo at pinagbuksan ulit ako. Ganon naman talaga kami palagi eh hahaha.

"Kinakabahan ka?" Tanong sakin ni Pao

"Sis.. iwan ka muna namin. Maghahanap lang ako ng boy. Bye bye" sabi ni Julie sabay hatak kay Melody.

"Tara na?" Iginawad nya yung braso nya sa pag-aya sakin. Hinawakan ko ang braso nya bilang sagot. Hahaha lahat ng kasama kong babae naka-heels, ako lang naka-doll shoes. Di ako sanay eh.

"Welcome my friend" bungad samin ni Liam. Nag-apir lang sila ni Paolo. May kasunod din si Liam na tatlong lalaki. Si Red lang kilala ko. Yung dalawa hindi.

"Hi bro, girlfriend mo?" Tanong nung isang lalaki sabay tingin sakin.

"Ahh oo. Meet Xyrelle Servick Emanuel"

"Nice to meet you" sabi nung isang lalaki.

"Hi Rock princess ko" sabay yakap sakin ni Red

"Ooh" sabi nung dalawang lalaki.

Her JobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon