Kakatapos lang namin sa training ni Avy at nakita kong nakaupo si Carlo sa upuan nya ngayon. Ang nakakatuksong tingin ng mga kaibigan ko ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa loob ng classroom. Napairap nalang ako sakanila at hinagisan ng tag isa-isang lollipop kaya ngumiti sila at tumigil sa pang-aasar sa akin.
Dumiretso ako sa upuan ko at umupo si Skye sa tabi ko. Binigyan nya ako ng tubig kaya nginitian ko sya. He really knows me so well. Hihiga na sana ako sa braso ko nang bigla nya akong pinahiga sa balikat nya. Hindi na ako nagreklamo dahil normal lang 'to para sa amin at pagod na pagod ako dahil sa training. Ni hindi nga kami makatulog ng walong oras sa gabi dahil sa training namin. We don't have any choice. Apat na araw nalang at competition na namin.
Hindi ko namalayan na naka tulog pala ako sa balikat nya. I immediately woke up when I heard my classmates screaming. I groanoed. Ang iingay nila. Anong nangyayari? Bakit parang ang saya nila?
"What's happening?" I asked him out of frustration. Bigla nya akong nginitian 'tsaka nagsalita.
"Oh, gising kana pala,"
"Anong nangyayari?" pag-uulit ko
"The Principal announced that our Acquaintance Party will take place at a grand hotel at overnight pa," nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya.
"Really? Kailan?" tanong ko at bahagya siyang ngumiti.
"Next Friday na," napatayo kaagad ako dahil sa saya. I cant believe it! Next week na ang Acquaintance Party namin and it is going to be fun!
Inikot ko ang tingin ko para hanapin sana si Kara nang mahagip ng mga mata ko si Carlo na matalim na nakatitig sa akin,hindi, sa amin. Hindi ko alam kung bakit ganon ang tingin nya kaya binalewala ko nalang 'yon.
Pumunta ako kina Kara at naguusap sila tungkol sa kung ano ang susuotin nila. May theme ba? Bakit parang abalang-abala sila?
"Hey, Ce! Ano ang susuotin mo sa party?" Claire asked me.
"Hindi ko pa alam, eh. Baka long gown nalang," sabi ko dahilan para tumawa sila. Bakit? May nakakatawa ba?
"You're kidding, right?" tumatawang aniya kaya umiling ako. Bigla nila akong tinignan ng seryoso kaya kumunot ang noo ko.
"Hindi pasok sa theme yung suot mo, girl," sabi ni Erika kaya mas lalong kumunot ang noo ko. What theme?
"Anong theme?" I asked.
"Vintage, sis," umawang ang labi ko dahil sa sinabi nya. Vintage? Nice!
"Seryoso ka?" tanong ko at tumango naman sila.
"Hindi mo alam?" umiling ako sa tanong nila. Hindi ko naman kasi alam eh. I was asleep when they announced it!
"Saan ka ba galing nung nag announce ang principal?" kunot noong tanong ni Kara sa akin.
"Natulog," walang ganang sagot ko. Hindi na sila nag tanong pa dahil alam na nila ang sagot. "Speaking of, nasaan na si Avy?"
"Doon," tinuro ni Jea ang sofa kaya napatingin kami doon. "Tulog,"
Totoong tulog si Avy at ang nakakataka lang dahil bakit sila magkatabi ni Theo. Nakahiga ang ulo ni Avy sa balikat ni Theo habang si Theo ay naglalaro ng kanyang cellphone.
BINABASA MO ANG
Warmth of Sunset
Teen Fiction[COMPLETED] Valorous Lass Series #1 She is in love with her bestfriend. Nahulog sya sa taong dapat kaibigan nya lang. Parati silang magkasama at parati nyang pinaparamdan na hindi si Lea nag-iisa. Parati nyang sinusuportahan si Lea sa mga disesyon n...