01.2: tunay na tagapagbantay

8 1 1
                                    

01.2

Nang dumating ang mga Malay sa Minsupala (ngayon na tinatawag na Palawan) noong sinaunang panahon, binaon nila ang kanilang mga balangay sa limang pook bilang parangal para sa kanilang mga diyos at diyosa. Natuwa raw ang mga diyosa sa mga unang Pilipino pagkat may mag-aalaga na sa kanilang ginawa kaya't ang kanilang mabuting loob ay namunga isang buwan matapos silang nagpanatili sa babayin.

Pwede natin masabi ang unang Puno ay nadiskubre isang gabi, ilang linggo lamang ang nakalipas matapos silang makahanao ng magandang pampang. Sa gabing ito, may pagpupulong ang Lakan at mga Datu upang simulan ang mga konstruksyon ng mga bahay at taniman. Nakaatas kay Lakan Dao, ang namumuno sa lahat ng baranggay, ang pagpatrolyo sa dulong bahagi ng lupang tinitirhan nila. Masyadong delikado ang parteng ito pagkat matutulis at kalat ang mga bato at ang Lakan ang may kabisado sa halos lahat ng uri ng batong kailangang iwasan at kung paano iwasan ito.

Nalaman niya sa kaniyang pagpatrolyo na ito ay isang malalim at malapad na kweba, at hindi ito inaabutan ng ilaw ng buwan. Buti't may dala siyang sulong umaapoy.

Dapat kasi sa umaga pa ito, tunggak, sabi niya sa sarili. Naturingang lakan ngunit 'di ginagamit ang isip.

Nagkibit balikat na lamang ang lalake dahil nandito lang rin naman na siya.

Naghahanap siya ng pwedeng bahayan, pagkuhanan ng tubig na pwedeng pag-inuman. May kung-anong kumintab sa gilid ng kaniyang mata, kaya't tumungo siya sa direksyong papunta sa kabilang bahagi ng kweba, at inaasahan niya sana'y ito na ang kaniyang hinahanap.

Bago ka makarating doon, dadaanan mo muna ang malalim at madilim na bahagi nito. Ito nga ang itinahak ni Lakan Dao. Ngunit nang palalim nang palalim ang daan, mayroon pa siyang ibang nakikita.

Hindi siya makatuwid pagkat may malaking kahoy ang humaharang sa maniyang daan. Sinubukan niya sa kaliwa... sa kanan... pero wala siyang nakikitang dulo na pwedeng isingit ang katawan. Kaya't naisipan iyang akyatin na lamang ang balakid.

Nang siyang tumingala, nanatili siya sa ganung porma nang ilang minuto. Pagkat hindi makapaniwala ang mata ni Lakan Dao sa isang higanteng puno. Ito ay kasing puti at kasing kinis ng kanilang balat. Dahan-dahang lumapit siya sa nakakasilaw na puno. Ang mga dahon ay kasing laki ng kaniyang mga kamay. Isa pa't nang itaas niya ang kaniyang sulo, akala niyang nakasunog siya ng dahon ngunit hindi man lang ito namarkahan.

Paano? isip ni Lakan Dao. Paano kong hindi napansin ang ganitong kagandang puno nang bumaba ako mula sa balangay? Siguradong, sa laki nito, lumalabas ito sa kwebang ito. Paanong hindi ko 'to napansin habang nasa labas pa ako?"

Habang iniisip niya 'to, ang apoy sa kaniyang sulo ay nag-iibang kulay at naghuhugis bola. umalis ito sa kaniyang ikinalalagyan at nakita ni Lakan Dao kung paano lumabas ang masaganang tubig sa lalagyan.

Hindi niya alam kung imahinasyon lang, ngunit may mahinang boses na nagsasabi sa kaniya, "Inumin mo." Nang kaniyang ininom, may pagkatamis ang tubig. Dumapo ulit ang bolang apoy sa sulo at muli, nagsalita ang boses, "Kainin mo." Hinawakan niya muna ang bola, hindi siya napaso, at kumagat dito na parang isa itong mansanas.

Sa pagkakataong iyon, bumalik sa dating itsura ang sulo. At para bang uminit ang loob ng kweba. Nang lumabas si Lakan Dao, sinasabihan na siya'y namumula ngunit hindi naman siya nilalagnat. Nu'ng kwinento niya sa mga datu ang nangyari sa kweba, kumaripas sila upang puntahan din ito ngunit ang natagpuan lamang nila ay ang tubig-tabang na umaagnas sa kabilang parte ng kweba.

BalangayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon