01.1: puno

8 1 1
                                    

01.1

Naniniwala ang mga marino ng Luzon na may limang puno sa Pilipinas na nagkukuntrol sa kapayapaan ng bansa. Kung makakatangay ka ng isang mapang dagat (babalaan na kita: hindi ito madali, pwedeng mong ikamatay), hindi lamang nila pinapakita ang mga daluyan ng mga porte at look, kundi pinapakita rin nito ang mga sikreto ng dagat.

Tama ang nabasa mo. Triple ang sikreto ng dagat kaysa sa mga lupa, kahit gaano man ito ka-urbano o ka-rural. May nakapagsabi sa akin na may alaala raw ang dagat at dagat ay maraming sikreto. Mula pa lang sa baybayin pababasa kadiliman ng karagatan kung saan hindi na umaabot ang sinag ng araw, mabilis na dumadaloy ang impormasyon sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. May hugis man o wala, nakikita man o hindi, kasing bigat man ito ng barko o ng balahibo ng langgam, iniikot ito ng tubig.

Nagiging posible ito dahil sa mga Punong nabanggit. Kung magiging totoo ako, sobrang kakaunti lamang ang may accessible sa mga islang tinaniman ng mga punong ito. Sapagkat ang mga punong ito ay hindi natural, bagkus nakatago sa mata ng mga tao. Ganumpaman, may ilan-ilan pa rin na ang misyon sa buhay ay mahanap ang mga ito, o mahanap ang antidote sa pagbubukas ng lahat ng kanilang ikatmata o ang kakayahang makakita sa pagitan ng mundo kung saan nabibilang ang puno at mundo ng mga tao. Hindi lamang ako

Nasabi ko na ba ang limang punong ito ay may kapangyarihan sa pagpapanatili ng Pinas? Limang pundasyon ng bansa na kapag naugatan ay magkakaroon ng apokalips. Ang apokalips ay termino rito na nangangahulugang "matinding kaguluhan na para bang wala na talagang makikitang bukas". Kaya't mas minamabuti na hindi ito galawin, galitin, at gahamanan, na pinapalagay sa magalang na kamay at hindi natitibag ang puso.

BalangayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon