02
Ang kapansin-pansin sa tiket na hawak ni Sam ay ang tapang ng amoy nito. Sariwa at matamis, halos kasing-amoy ng mga rosaryong sampaguitang nasa kaniyang kaliwang kamay.
Kahit nasa gitna siya ng usok at mga pawis, hindi niya na kailangan pang amuyin ng sabay ang dalawang bagay na ito upang malaman ang diperensiya. Halos buong buhay ni Sam— iyon ay labing-apat na taon na may malay—ang pagbebenta ng sampaguita at iba pang mga bulaklak sa kalakihan ng Maynila.
"Kung hindi lang ito red," isip ni Sam, "baka akalain ko pang pinitpit lang na sampaguita ito."
Ang sabi kasi ni Manong Botbot sa kaniya, upang malaman kung totoong pera ang binayad, kailangan may makita siyang isang manipis na strip kapag tinapat sa araw. Siyempre alam ni Sam na hindi ito isang peso bill. Pero baka pera 'to ng ibang bansa. Upang makasigurado, tinapat niya ang misteryosong papel sa araw ngunit halos walang nag-iba sa kulay nito. Nanatili itong makapal na pula.
Kasing kapal ng dugo.
"Ano ba pwedeng gawin dito? Sayang, mukhang pangmayaman kaya 'di na ako nagreklamo," sambit ni Sam. Napakamot na lamang siya sa ulo, nanlulumo dahil nasayangan siya ng halos kwarenta pesos.
Araw-araw siyang namamasahe mula Quezon City papuntang Quiapo church. Sinasabay siya ng kambal ni , si Ate Lea at Kuya JaiJai (homonym for Jeje)
Mukha itong pangmayaman pagkat ang papel ay hindi tela ngunit may mga naka-embroider na imahe rito.
Nakakakuhang-pansin ang kumikislap na guhit ng punong-kahoy. Ang puno ay walang bunga ngunit sa mata ni Sam, mukha itong buhay at nagniningning. Pinapalibutan ang puno ng mga letrang alpabeto at letrang baybayin. Ngunit kahit kabisado ni Sam ang dalawang uri ng letra, walang salita ang nabubuo.
BINABASA MO ANG
Balangay
PertualanganAlam mo ba na merong limang puno na nagpapabuhay sa Pilipinas? disclaimer: this is a draft so any error made will be edited after this is finished.