"Kinakabahan ako."Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kaizer mula sa driver seat. Bumaling ako sa kanya at binigyan siya ng masamang tingin. Kanina pa siya ah. Kung hindi ko lang talaga siya jowa...
"That's the fifth time you said that today," he gave me a quick glance bago nakangising itunuon uli ang tingin sa daan.
I sighed. Hindi ako nakaangal d'on dahil tama siya. Kagabi pa lang ay wala na akong inisip kung hindi ang pupuntahan namin sa gabing ito. Halos hindi rin ako masyadong nakatulog dahil nga kinakabahan ako. Muntik pa akong ma-late kanina kung hindi lang tumawag si Kaizer para istorbohin ang tulog ko.
And right now, papunta na kami sa venue kung saan gaganapin ang debut party ng kapatid niya. I never met her in person except sa mga pictures na nakita ko noong minsang pumunta ako sa bahay nila. I'm glad she invited me kahit na hindi pa niya ako nakikita.
Bumaling uli ako kay Kaizer at hindi uli napigilan ang sarili na mapatitig. Mukha siyang ibang tao ngayon dahil sa ayos niya. He looked expensive wearing that branded black dress shirt na nakatupi pa hanggang sa siko niya. Then he partnered it with black slacks and a silver watch. Ang buhok din niya ay nakaayos ngayon at nakasuklay patalikod, not his usual messy korean hair. Hindi na talaga nakapagtataka kung bakit marami pa rin ang may gusto sa kanya kahit pa na taken na siya. Pogi eh.
Dahil sa pagtitig ko sa kanya, naalala ko ulit ang pag-irap niya kanina dahil sa pang-aasar ko sa outfit namin. I'm wearing an above the knee pastel pink off shoulder lace dress and partnered it with a white wedge sandals and a silver necklace. I tied my hair in a half up lace braid para hindi masyadong sabog tignan ang buhok ko. And when I saw Kaizer earlier, natawa agad ako dahil literal na blackpink ang outfit namin.
Natawa ako at muling napailing. Kumunot ang noo niya sa biglaang reaksyon ko at sandali akong binalingan.
"What?" he asked.
Umiling ako, nangingiti pa rin, "Wala," sagot ko na lang.
He just arched his brow at hindi na 'ko pinatulan. Sandaling katahimikan ang namayani sa amin bago uli ako nagsalita.
"First time mo ba 'to?" I suddenly asked him. Sinulyapan ko ulit siya at nakita ang pagkunot ng noo niya dahil sa biglaang tanong ko.
"What do you mean?"
"Ito. Magpakilala ng girlfriend sa magulang mo," sagot ko.
Napataas din siya ng kilay at sandali akong sinulyapan, "Why do you ask?"
"Wala lang. Gusto ko lang malaman," sagot ko naman. Bigla lang pumasok sa isip ko na wala pala akong ideya sa mga naging past relationships niya. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko tinatanong sa kanya kung sino ang mga naging ex niya pero siguro dahil wala naman akong pakielam?
He sighed, "Yes."
Namilog ang mga mata ko sa naging sagot niya. Hindi 'yon ang inasahan ko!
"Huh?" iyan lang ang lumabas sa bibig ko.
He arched a brow, still looking at the road, "May nakakagulat ba r'on?"
Hindi yata matanggap ng utak ko ang sinabi niya. I expected him to say no. Kung gan'on ay wala pa siyang nagiging girlfriend bago ako? Ang akala ko pa naman, marami na siyang naging ex!
"Seryoso ba 'yan?" paninigurado ko pa.
"Mukha ba akong nagbibiro?" he shot back.
I paused a bit, "Kung gan'on, ako ang first girlfriend mo?"
"Yes," he answered casually.
Sandaling nagtagal ang tingin ko sa kanya. Hindi ako makapaniwalang ang isang katulad niya ay isa pa lang ang naging jowa! Pakiramdam ko, kung may makakarinig man sa usapan namin ngayon, hindi rin sila maniniwala na walang pang naging girlfriend 'to. At kung pagmamasdan mo pa siya ngayon, parang wala lang sa kanya. Napaisip tuloy ako kung anong nagawa ko para mabingwit siya! Fresh fish pala ang kuya niyo! Hindi halata!
YOU ARE READING
Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)
RomanceFrancesca likes Kaizer. But her affection towards him will lead them to face some challenging situations.