Chapter 33

30 1 9
                                    

Huminga ako nang malalim at muling inayos ang buhok na bahagyang nililipad pa ng hangin at tinakpan ito sa leeg ko. I heard Kaizer laughed behind me nang mapansin siguro ang ginawa ko. Pairap ko siyang hinarap at sinamaan ng tingin. Ang kapal ng mukha niyang tumawa eh siya itong may gawa ng mga 'to!

"Ang saya mo, ha?" I said sarcastically. He playfully arched a brow and gaze at me innocently. Kung gaano ako kaproblemado ngayon, ganoon naman siya kasaya sa kapalaran ko.

"What?" at may lakas pa talaga siya ng loob na itanong 'yon! Inirapan ko siya at nagpatiuna sa paglalakad. It actually hurts down there pero hindi ko na ibibigay sa kanya ang satisfaction na 'yon! Rinig ko uli ang pagtawa niya pero hindi ko na siya nilingon. Bahala siya r'on.

That brute just left freakin' hickeys on my neck! Halos mapasigaw ako kanina nang mapansin ko 'yon habang nagsasalamin at inaayos ang sarili bago kami bumalik. Naalala ko ngang halos pagpiyestahan niya ang leeg ko kanina pero nawala sa isip kong pwede niya akong bigyan ng ganito!

Halos ihampas ko sa kanya lahat ng unan kanina sa sobrang inis. Medyo mababa pa naman ang neckline nitong dress ko at kung hindi 'yon tatakpan ay kitang-kita lalo na't maputi ang balat ko!

At hindi lang isa ang binigay niya! Tatlo! Tatlo lang naman! Paano ko tatakpan lahat 'yon?!

But all he did was laughed. Mukha pa ngang proud pa siya sa ginawa niya. Kung alam ko lang na ganoon ang ginagawa niya sa leeg ko kanina, e'di sana pala ay binigyan ko rin siya! Nakakainis. Makita man niya sa susunod!

"Hey, wait!" ramdam ko na ang presensya niya na sumusunod sa likod ko. Ilang sandali lang nang maramdaman kong humawak siya sa braso ko at maharan akong iniharap sa kanya. Nakasimangot pa rin ako samantalang may mga ngiti pa rin sa labi niya.

"I'm sorry, okay?" hinging tawad niya pero nakangiti naman. "Hindi ko rin naman sinasadya. I was too excited earlier. Hindi ko na namalayan." he tried to explain.

Unti-unti naman akong kumalma. Simpleng paghawak na niya nga ngayon ay malaking epekto na sa akin. I sighed again, still giving him a soft glare.

"Just don't laugh," iyon na lang ang pinakiusap ko.

He obediently nodded and smiled, "Hindi na."

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming naglakad pabalik. Nang matanaw ko na ang rest house na tinutuluyan ay agad akong bumitaw sa pagkakahawak niya at inutusan siyang mauna nang pumasok. He stared at me intently, halatang ayaw sumunod sa sinabi ko pero napag-usapan na namin ito kanina at pumayag na siya.

"We'll see each other later in the party," paalala niya.

I nodded and gave him a small smile.

He sighed and took a step closer before giving me a quick kiss on the forehead. Sandali akong napapikit sa ginawa niyang 'yon.

"I'll see you later," he pinched my nose before walking away from me. Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay. Bitbit ang camera na hindi ko naman nagamit ay dumiretso ako sa isang bench na malapit at doon nagpalipas ng kaunting oras.

Habang naghihintay ay wala sa sariling napahawak ako sa aking leeg. Unti-unti akong dinadalaw ng kaba dahil siguradong mapapansin agad iyon ni Faith pagbalik ko sa kuwarto. Hindi naman siya ipinanganak kahapon para hindi maisip kung saan galing itong mga nasa leeg ko. Kung bakit naman kasi!

Alam ko namang hindi siya magagalit. Pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Para akong anak niya na lumayas ng ilang oras at gumawa ng kababalaghan tapos pagkauwi ay may lakas pa ng loob na magdala ng ebidensya.

Tapos isali mo pa 'yung natirang apat! Malakas ang kutob kong maghihisterikal sila kapag nakita nila itong mga markang 'to.

But I plan to tell them everything naman before we leave Bohol. They are my friends. Dapat lang na ibahagi ko rin kahit papaano sa kanila itong mga nangyari sa akin nitong nakaraang linggo. I've been keeping secrets again. But not this time now, I guess.

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now