Episode 3

9 1 0
                                    

From: mister

Meet me here in the coffee shop. 6 PM.

The adventure has now started! Madami dami kaming pinag-agree sa companion relationship namin. Para bang magkasama kami lagi sa free time namin at pwede kaming isang one call away na friend. Ayun. Friends. That's the right term. Sabi ko nga sakanya kagabi na ang arte ng companion because friends naman talaga ang meaning din noon pero ang sabi ng swabeng mister na ito...

"Medyo i angat naman natin since doon din naman pupunta ito."

I mean bakit hindi diba? Natawa na lang ako.

Kaso isa lang talaga ang bawal naming gawin. Ang magsearch ng patungkol sa isa't-isa. In his wise words he said...

"Ang tawagan natin Miss and Mister diba. Let's keep that MISTERious..." sabi niya sabay wink pa. I never thought na ganito pala siya akala ko parang fboi vibes pero ang cool niya lang. Ang sarap kasama.

Mahahalata mo naman kapag may nalaman ang isang tao sa iyo na hindi mo sinabi. The moment na makita niya iyon or ako man ang makapansin na mayroon ng 'stalking' na naganap, titigil na namin ito.

Ganoon lang kasimple.

Pareho din kami ng principles sa dating. Kaya din naming napag-agree na dapat walang magtatry magstalk sa isa't-isa. Pareho naming gusting-gusto na making sa buhay ng iba. Kilalanin ang isang tao by asking real questions and not because nagsariling sikap ka tingnan sa social media ang mga gusto niya. Common na kasi ngayon iyon parang nawala yung essence ng 'getting to know' stage.

Well, para sa amin iyon.

While fixing my hair. Napa second thought ako na para bang ang weird ng ganito at ang easy. But then I shrugged the idea. Wala pa man inuunahan ko na ang isa sa mga adventures ko na ako mismo gumawa.

I left the dorm 15 minutes before the allotted time na mag meet kami. Actually, hindi ko din alam kung anong gagawin namin. Bahala na nga! He said this is a mysterious one so let the thrill be there!

Saktong oras ako nakarating sa coffee shop. As usual nandito nanaman ang mga ates and kuyas from post-grad pero now may mga families since it's a Saturday.

I sat sa table na malapit sa window and waited for him. Natuon ang attention ko sa pamilya sa aking harapan.

Namimiss kaya ako ng mommy ko?

It's been months na hindi ako umuwi because of our major fight. That fight made me think of my relationship with her. I still remember every detail of it...

~~~

"Sumasagot ka na ngayon, Sophie? Ganyan ka ba namin pinalaki?!"

"Namin? Don't you ever involve yourself in raising me because daddy was the only person I remember na nagpalaki sa akin!"

She was speechless. Totoo naman wala siya noong lumaki ako. I mean I get it sa work niya as an accountant lagi siyang nag oovertime.

"I appreciate every bit of your sacrifice, mommy but seeing you and daddy fight ALL THE TIME makes me sick!"

"Hindi ka naman dapat nakikisawsaw sa away matatanda."

I am so pissed. Lagi na lang niyang sinasabi iyan kapag ganito. I just care for their relationship! For heaven's sake! Anak nila ako!

Nararamdaman kong nangingilid na ang luha ko. I tried my best not to cry in front of her. Lalo na't ayoko makita ni daddy ito.

"Wala ka na bang excuse para barahin ako, mommy?"

She looked at me straight in the eyes.

"Bastos ka magsalita, Sophie. Ganito mo ba ito pinalaki Greg?"

I don't want to look at daddy medyo matanda na rin siya at hindi na nakakapag trabaho. He is an artist at to be honest, commissions are like miracles. Minsan lang siya magkaroon ng projects na malaki ang bayad kaya naman si mommy talaga ang provider.

I heard them fight kanina over dad's incapability to earn better money than mommy.

Is that even an issue in love?

"Kung ang pinuputok lang pala ng butchi mo mommy is that you married an aging artist, kasalanan mo na iyon."

Hindi nagtagal ay nakita ko na lang ang sarili kong nakahawak sa aking mukha.

This is the first time my mom ever laid her hands on me.

Hindi sa pagyakap o paghalik.

Kung hindi sa pagsampal.

~~~

"May nag-aaway!"

Para bang may tumulak sa akin at bumalik ako sa realidad. Nandito pa rin ako sa coffee shop at ang mga tao dito ay malapit sa table ko.

Huh?

Lahat sila nakafocus sa bintana kaya naman pati ako napatingin. Ano ba naman iyan ang chismoso't chismosa ng mga tao talaga dito. That includes me!

Oh my goodness. May mga lalaking nag-aaway sa gitna ng daan! Dalawa sila at iyong isa ay naka pindown na sa kalsada habang iyong nasa itaas na lalaki ay buong lakas niyang sinusuntok ang lalaking nakahiga. May isa ring lalaking nakahiga na at walang malay. Teka lang, wala bang authorities dito?!

"Kanina lang nakita ko nag-uusap iyong dalawa tapos biglang nagsuntukan na lang!" Ang sabi ng matandang babaeng nasa gilid ko.

"Mga kabataan talaga ngayon..." she added.

Nakarinig kami ng wangwang mula sa isang patrol car na papalapit sa away. Bigla namang napatayo ang lalaki at halatang nagmamadali na itong umalis. Mabilis siya kumilos but then he looked around first to see if he really caught everyone's attention.

Isang malaking glass window ang namamagitan sa aming nakatingin sa kanya.

My heart jumped when his eyes locked at mine. Ang mukhang iyon...

Kitang-kita ko ang mabilis niya pag-iwas sa akin at ang kisapmata niyang pag-alis sa eksena.

This can't be...

Mister...

The Coffee Brothers #1: Do Not Tell Me Your NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon