Chapter 1

4K 51 0
                                    

Caleb's POV
Shete naman oh di ko na tuloy natapos paperworks ko sa opisina kung di lang hinimatay ang misis ko di ako uuwi ng maaga..

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ay sumalubong na agad ang mga bodyguards sa labas at binukas ang gate para maipasok ko ang sasakyan ko..

Nang maipark ko ang sasakyan ko lumabas ako at tsaka umikot pakabila papunta sa kinaroroonan ni Heaven binuhat ko siya Bridal Style papasok sa loob ng Mansion..

"Siiirrrr Caleeeb Your Ho- WAAAHH SIR SINO YANG MAGANDANG BINIBINI NA YAN?!?!" Manghang sambit ni Dyesa kay Heaven pfft ang ingay talaga ni Dyesa..

"Asawa ko siya Dyesa siya ang Maam Keila mo simula bukas dito na siya titira.." Sabi ko sa kanya at nangisay na sa kilig si Dyesa.

"Waah sir bagay na bagay kayo ni Maam Keila.." Seriously?? Bagay pala kami ng Misis ko lelz.

"Sge na Dyesa ihanda mo na muna ang master's bedroom dun na kami magkukuwarto simula bukas sa ngayon doon muna si Keila sa kuwarto ko..." Nakangiting sabi ko sa kanya di naman kasi ako yung lalaking masungit palangiti akong tao

"Ayyiiiee kinikilig ako senyu sir kyaaah sge sir una na ako baka di na ako makaalis dito sa kinatatayuan ko.." Kinikilig na sabi niya tsaka nagmadaling umakyat sa masters bedroom..

Umakyat na din ako at nagtungo sa kuwarto ko inihiga ko siya doon at tinanggalan ng sapatos..

Pagkahiga ko sakanya ay kinuha ko ang remote ng AC at in-on ito para di mapawisan si Heaven..

Lumabas na ako para kamustahin si Yaya Miela sa kuwarto niya ang Lola ni Dyesa..

Bago pa ako makababa nakita ko siyang tinutulungan ang iba pang katulong pati si Dyesa...

"Nang Miela tama na po yan diba sabi ko sainyo magpahinga na lang kayo kapag ganto kabigat na gawain ang gagawin.." Malambing na sabi ko kay nanang at kinuha sakanya ng dahan dahan ang hawak niyang mga frame..

"Naku ikaw talaga Caleb hayaan mo na ang nanang baka sabihin ng iba na pasarap na lang ako dito.." Sabi ni Nanang sakin Si nanang talaga ang kulit..

"Nang naman hayaan mo sila pamilya tayo dito oh ni minsan ba naramdaman niyong iba kayo saakin..??" Tanong ko sakanilang lahat kaya napatingin sila sa isa't isa at ngumiti..

"Hindi po sir pinaramdam niyo nga po saamin paano magkaroon ng pamilya eh.." Sabi ni Joycel na ngingiti ngiti at sumunod namang sumang ayon si Shiela..

"Oo nga po sir ako na ulila sa pamilya di ko naramdaman yun simula ng magtrabaho ako sainyo.." Tuwang tuwa na sabi ni Shiela sa alaala niya..

"Kaya nanang Miela ika'y magpahinga na.." Sabi ko kay Nanang..

"Oo nga nang miela tama si sir kaya makinig ka na po.." Sabi ni Mina na inalalayan si Nanang..

"Lika Lola samahan ka na namin ni Mina pabalik.." Sabi ni Dyesa at bumaba na sila..

"Ngayon kayong dalawa ayusin niyo maigi ah ayoko ng may alikabok dito baka mamaya may Hika pala ang misis ko.." Sabi ko sa kanila at ngumisi naman ang tatlo..

"Ayiieee si sir ang sweet sweet kay Maam.." Pangaasar ni Joycel saakin..

"Oo nga ikaw sir ah lumalablayp ka na haha.." Ginatungan naman ni Shiela..

Haha naku lumalablayp nga ba ako?? Ang alam ko kase ginagawa ko lang toh dahil sa Last Will ni Daddy..

"Haha sge na tapusin niyo na yan pupuntahan ko lang ang misis ko ha.." Sabi ko sa kanila at nagtilian naman sila pfft mga babae nga naman..

My Husband Is My Boss (Under Major Revisions)Where stories live. Discover now