Chapter 28

732 21 0
                                    

Caleb's POV
Pinaakyat ko muna sa kwarto si Cyryx kay Yaya Linda at naiwan kami ni Wifey para pakalmahin ang dalawa..

"Zyron calm down understand your wife kailangan niyong ayusin toh para sa anak niyo.." sabi ko sakanya at humawak sa balikat niya ramdam ko ang panginginig nun..

"Tell me gaano katagal mo ng alam na buntis ka?" mahinahong sabi niya pero ramdam mo ang diin don ..

"Last week.." sabi niya at bigla nalang hinila ni Zyron si Camille agad kong dinaluhan si Zyron at pinigilan siya pero masyado siyang malakas shet..

"Zyron ano ba nasasaktan si Camille.." hayss here we go again with his temper..

"Ako ba hindi nasaktan Cal?? f*ck this woman.." galit na sabi nito at doon na ako nainis at sinapak si Zyron..

"Caleb!" sigaw ni Keila.

pero di ko tinantanan si Zyron at pinagsasapak ito..

"Babae yan pare! buntis pa nanay ng anak mo magingat ka naman.." sabi ko sakanya na nagtatagis ang bagang at sinapak ulit siya..

"Wala akong pakeelam baka nga hindi pa akin yung bata! alam mo bang nakita ko yang babaeng yan na may kasamang lalaki nung nakaraan? napakalandi niya!" nagulat ako ng sampalin siya ni Camille at umiiyak na ito g*go toh si Zyron f*ck..

umiiyak na si Camille at pinapakalma siya ni Keila..

"Ako pa yung malandi?! kapatid ko yung kasama ko Zyron!! naging tapat ako sayo kasi mahal kita pero ngayon di na kita kilala.." umiiyak na sabi nito at kaagad namang natauhan si g*go..

"C-camille I'm sorry.." agad itong lumapit kay Camille pero lumayo lang si Camille saknya na iyak lang ng iyak..

"N-no layu–  Ahhhhh!!!" napahawak si Camille sa tiyan niya kaya nataranta si Zyron at dinugo ito..

"Camille!" sigaw ni Kei at agad na binuhat ni Zyron si Camille..

agad din kaming lumabas ni Wifey ng bahay at hinanda ang sasakyan.. Agad na sinakay namin doon si Camille na namimilipit sa sakit..

f*ck ang g*go naman ni Zyron..

Agad kong minaneho ng mabilis ang sasakyan at halos paliparin ko na toh sa sobrang bilis..

"N-no K-kei ang anak ko.." umiiyak na sabi ni Camille na inaalo alo lang ni Keila..

hayss ang gulo naman kasi nilang dalawa eh nadamay pa tuloy yung bata..

mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng sasakyan
at di rin nagtagal nakarating na kami sa ospital..

"Nurse!!! Doc!! Tulungan niyo kami dinudugo ung kasama namin!" sigaw ni Wifey na umiiyak na din hayst agad akong tumabi sakanya at inalalayan siya..

agad din namang may dumating na mga nurse at doctor at isinakay sa stretcher si Camille at dinala sa E.R.

agad din kaming sumunod sakanila at rinig pa din namin ang iyak ni Camille..

sana maging okay lang sila ng anak niya..

"Hubby" umiiyak na si Wifey na yumakap sakin at yinakap ko na lang din siya at hinagod yung likod niya..

"C-caleb K-kei s-sorry.." sabi ni Zyron na pinipigilang maiyak..

"SORRY?! ZYRON!! NANGABGANIB ANG BUHAY NG MAG-INA MO NG DAHIL SAYO TAPOS SORRY LANG?!" sigaw ni Keila na umiiyak pa rin na dinuro duro si Zyron sinuntok niya toh sa dibdib habang umiiyak pa rin..

F*ck lagot talaga sakin tong hinay*p*k na toh..

"Pag may nangyaring masama sakanila patawarin mo ako pero palalayuin ko na ang kaibigan ko sayo.." may diing sabi ng asawa ko kay Zyron at agad na bumalik sakin at yumakap sakin..

"Wife kain ka na muna hindi pa tayo nakain.." aya ko sakanya at tumango lang ito..

inalalayan ko siya ay pumunta kami sa cafeteria ng Ospital at tahimik pa din siya habang naglalakad kami..

hinawakan ko ang kamay niya at pinagsiklop kamay naming dalawa..

sabay kaming naglakad at pinagtitinginan kami ng mga tao sa ospital dahil nga sa magkahawak kamay kami at kilala ako na CEO ng DVE at one of the billionaires in the philippines..

"siya pala yung napangasawa ni Mr. De Vera.." nurse na may kausap na isa pang nurse.

"Ang ganda niya noh sabi nga sa kabilang ward may anak na daw sila ni Mr. De Vera kakapanganak palang niya nung nakaraan.." sabi pa ng isang nurse na nakatingin pa din samin..

"Oo at ang cute daw ng anak nila.." sabi ulit ng isa pang nurse na bagong dating..

napangiti na lang ako maganda talaga ang asawa ko at cute at gwapo pa ang anak ko..

nang makarating kami sa cafeteria ay pinaupo ko muna siya sa private area kung saan kaming magtrotropa nila Dixon ang kumakain dito..

atsaka nagpunta sa bilihan ng pagkain.. Nagorder ako ng tocino, fried rice, at ng gatas..

nagpatulong ako sa isang crew nila para dalhin yun sa table namin ni Wifey..

nang makadating na kami doon nakaupo na ako't lahat lahat naayos ko na yung pagkain namin tulala pa rin siya..

"Wifey.." tawag ko sakanya at hinawakan kamay niya..

"S-sorry hubby iniisip ko lang na kung sakaling di pala ako nahimatay noon at ako lang ang nakaalam na buntis ako siguro gagawin ko din yung ginawa ni Camille dahil di rin ako sigurado noon kung may feelings ka ba sakin kaya thank you dahil sinabi mo saking mahal mo ako at mahal na mahal din kita.." bigla itong tumabi sakin at niyakap ako ng mahigpit kaya napangiti naman ako at niyakap din siya at hinalikan sa noo..

"Hindi ko na rin kayang itago noon sayo ang nararamdaman ko at ayaw kong mawala ka sakin kayo ng anak natin.." hinalikan ko ang noo niya at yinakap din siya..

kumuha na ako ng kanin at ulam atsaka sinubuan siya.. agad naman siyang ngumanga at kinain yun napangiti na lang ako di ko akalain na aabot kami sa ganto..

kahit anong mangyare sakin lang ang magina ko hinding hindi ako mapapagod na alagaan at protektahan silang dalawa..

mahal na mahal ko ang pamilya ko at hinding hindi ko hahayaang saktan sila ng kahit sino..

hindi ko hahayaang mangyare sakanila ang nangyare sa mga magulang ko makakamit ko din ang hustisya sa pagkamatay nila..

Someone's POV
F*ck buhay pa si  tita?! pero paano nangyare yun.. Hindi ko mapagtagpi tagpi ang nangyayari.. paanong buhay pa sila eh isang malalang aksidente..

Buhay nga si Kim at posible ding sinadya ang lahat at palabasing patay na si tita..

Kailangan ko ng kumilos at alamin ang katotohanan nagplaplano na ang kalaban sa buhay ng magina ni Caleb at sa kapatid ni Keila..

If only I could tell them the truth..

hayss nabalitaan kong naospital ang kapatid ni Keila at hindi niya alam na kapatid niya ito..

kailangan kong ipadala ang mga tauhan ko para bantayan sila doon..

"Tan utusan mo sila Deilan na bantayan si Camille Castridge kahit anong mangyare dapat niyo siyang protektahan kahit ibuwis niyo pa ang buhay niyo para sakaniya.." utos ko sakanya at agad na tumango si Tan at lumabas na ng opisina ko this is stressing me out malapit na nila maisakatuparan ang plano hindi ko na kakayaning magisa para pigilan ang mangyayare..

I just need to save them from this danger.. Nangako ako noon na proprotektahan ko siya bilang kapalit ng pagpapaaral niya sakin..

Caleb I hope the best for you bud don't worry I'll sacrifice anything for the safety of your family...

My Husband Is My Boss (Under Major Revisions)Where stories live. Discover now