Chapter 4

11 1 0
                                    

Lathan’s POV

“Oh yes Laureen. May boyfriend na si Elisha.”

… Si, si Elisha may boyfriend na? May iba na sya? May mahal na sya? Hindi na ako? Bakit? Paano? Hindi ko na naintindihan ung ibang sinabi nila. Hindi ako interesadong malaman ang tungkol sa boyfriend ni Elisha.

“Hijo, baka naman hindi babae ang gusto mo? Baka kauri natin? Haha.” biro ng Daddy ni Elisha.

Bigla akong nagulat sa tanong ni tito. Paanong hindi babae ang gusto ko at ang kauri namin? E hanggang ngayon nga mahal ko pa rin si Elisha. Kaya sinabi ko na lang na hindi pa ako nakakakita ulit at meron ng iba ung taong gusto ko sabay tingin kay Elisha. Alam kong nailing sya dahil umiwas sya ng tingin.

“Dad naman! Tingin ko naman lalaking lalaki si Lathan e. Dba Lathan?”

“Oo naman, kaya nga hanggang ngayon….” Nahinto ang sasabihin ko dahil biglang sumigaw si Johann. Mabuti na rin yun at hindi ko nasabi sakanilang lahat ang dapat kong sasabihin.

Nanonood muna saglit si Johann hanggang sa nagpaalam na sila mommy’t daddy kila tita.

“Madison, Fred, uuwi muna kami. 4 o’clock na din naman. Magpapaluto na muna ako kila manang ng kakainin natin para sa dinner. Don’t forget, 7 pm later, ok?

“Yes! We’ll be there at exactly 7 pm.”

At nagpaalam na nga muna kami sa pamilya ni Elisha.

Pagkapasok namin ng bahay ay tuloy agad ako sa kwarto ko. Nilock ko ang pinto at humiga. Wala akong ginawa kundi tumitig sa ceiling ng kwarto ko.

May boyfriend na si Elisha. May boyfriend na si Elisha. May boyfriend na si Elisha. May boyfriend na si Elisha.

“AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH! Fuck! Bakit ba hindi mawala-wala sa isip ko un?!”

*toktoktoktoktok*

“Lathan?! What’s happening?! I heard you shouting! Open the door son.”

“It’s nothing mom. I’m fine. Nothing happened. Ahmmmmmmm, ano po, nakakita lang po ako ng cockroach dito sa kwarto ko.”

“What? A cockroach? Inside our house? Open the door. Let me in.”

Binuksan ko ang pinto at pinapasok si mommy.

“Ah-eh, no mommy. Sa labas po, sa my bintana ko. Nakasilip po kasi ako ng biglang lumipad bigla. Hindi ko nga po alam kung saan galing e. Pero wala na po ngaun. There’s nothing to be worried about.” But seriously, takot talaga ako sa ipis.

“Are you sure son?”

“Yes po.”

“Ok. Better wash-up your self and get ready for the dinner.”

“Yes mom.” I smiled.

Lumabas na nga si mommy at sisimulan ko na rin mag-ayos para naman sa dinner. Pero magpapalit pa ba ako ng damit at mag-aayos? Wala na rin namang dahilan e. Hindi na rin naman naaapreciate ni Elisha. May boyfriend na sya. Naka-moved on na sya. Hindi na nya ako mahal. May mahal na syang iba. Hindi ko naman sya pedeng pagilin magmahal ng iba after all ng nagawa ko. Pero anong gagawin ko? Aagawin ko sya? Sisiraan ko ang boyfriend nya? Sasabihin ko kila Mom and Dad na ipakasal kaming dalawa o ung sinasabi nilang fixed marriage? Kakausapin ko sya at hihingi ng tawad at makiusap na kami na lang ulit? O hahayaan ko na lang na ganito kami? Friends. Pero friends nga ba kami? Hayyy! Ewan ko. Hindi ko na alam. Hahayaan ko na lang na ang tadhana ang gumabay sakin, I will just go with the flow.

Naglakad na lang ako papasok ng CR ko para maligo at mawala sa isip ko ang narinig ko kanina. Binuksan ko ang shower at hinayaan na umagos sa katawan ko ang tubig. Hindi ko alam pero bumabalik lahat ang mga nangyari sa nakaraan. We were very happy back then. Everything was fine. Masaya kami kahit na patago lang sa magulang namin noon ang relasyon namin. Hindi maiiwasan mag-away pero sandali lang dahil naaayos din naman agad. Madami kaming pangarap at isa na dun ay maging magkasama kami habang buhay. Nangako kami sa isa’t isa na sabay naming tutuparin ang mga pangarap namin. Sabay naming haharapin ang mga problema at challenges sa buhay naming dalawa. “Sabay natin aabutin ang mga pangarap natin ah? Sabay tayong babagsak at babangon sa buhay. Promise ko sayo Lathan na ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay. Sana ganun ka rin.” Hanggang ngayon ay tandang tanda ko pa rin ang sinabi nya saakin noon. Everything was perfect. Our relationship was perfect. Akala ko forever na kami. Pero sinira ko ang lahat! Nawala ang lahat ng pangako namin sa isa’t isa, nawala ang forever, nawala ang perfect, nawala ang makakasama ko habang buhay, nawala ang babaeng pinakamamahal ko, nawala sya, nawala si Elisha!

You & Me... So Happy Together... AGAIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon