**2nd year college (2nd sem)**
"Okay children, listen!" Ani ng professor namin sa P.E class. Yes children ang tawag niya sa amin, kung bakit, di ko alam sa baklitang ito.
Kami ay kasalukuyang nasa open field ng school at nakaupo sa sahig habang ang professor namin ay nagpapaliwanag ng mechanics para sa magiging activity namin today. Wala ako sa mood dahil napuyat ako kagabi kakapanood ng kdrama kaya habang nagle-lesson, ako naman ay tulala at parang tulog ang diwa.
"Children, stand up na and look for your partner.." aniya.
Kaya tumayo na ako at ppwesto na sana kasama si Yuri ng biglang may narinig akong tawag mula sa likuran ko.
"Manzano." mahinang tinig ng isang lalaki na may napakagandang ngiti sabay abot ng panyo.. KO!
"Ay salamat!" Biglang pagsambit ko sabay ngiti ng kaunti.
Pagkaabot niya ng panyo ay tumalikod na rin naman agad siya at pumwesto na kami ng kanya- kanya. Ang activity namin ngayon ay "Arnis".
Habang kami ay nagppraktis ng arnis ni Yuri, hindi ko maalis sa isip ko ang napakagandang ngiti na aking nasilayan kanina habang sinasambit ang apleyido ko. Tila ba ako'y nasa series na pinapanuod ko kung saan tatawagin ng bidang lalaki ang pangalan ng bidang babae sa isang nakakakilig na tinig. Ganoon ang aking naramdaman ng marinig kong tawagin niya ako.
Siya nga pala si Kramm Dominic Cardoma. Isa sa mga classmate kong lalaki. Sa totoo lang, may lihim na talaga akong pagtingin sa kanya simula pa nung unang semester. Hindi ito alam ng mga kaibigan ko kasi panigurado akong hindi sila titigil kakaasar at baka malaman pa niya. Hindi ganun kalakas ang loob ko para ipaaalam pa sa kanila ang nararamdaman ko.
Simple lang si Kramm pero para sa akin, napaka- gwapo niya lalo pag ngumingiti. Napaka- sincere ng itsura. Sakto lang ang kanyang height at medyo payat ng kaunti pero bagay lang naman.
Hindi ko lubos maisip na sasambitin niya ang apelyido ko dahil akala ko ay hindi niya ko kilala. Hindi kasi ako ganun ka-active sa class at isa ako sa mga tahimik na estudyante. May pagka- mahiyain kasi ako.
"Oy Katelin, ano tulala ka ah! sambit ni Yuri na sinabayan ng mahinang paghampas ng arnis sa balikt ko na siya namang ikinabigla ko.
"Oh bakit?" Sabay hikab para kunwari inaantok ako.
"Eh tulala ka jan eh kanina pako nagsasalita, di ka umiimik" sagot ni Yuri.
"Ah wala inaantok kasi ako at puyat ako kagabi"
"Weh, naku baka dahil sa paguusap niyo ni Kramm"
"Hah? Pano mo naman nasabi na nagusap kami?" Tanong ko sa kaibigan kong si Yuri. Sa totoo lang, nabigla ako sa tanong niya kasi naman hindi ko lubos maisip na nakita niya pala kami. Kinakabahan ako dahil kilala ko itong babaeng to, magaling kumilatis eh.
"Wow pa-inosente ka pa jan, haler nakita ko na pinulot ni Kramm yung panyo mo.. remember nasa likod mo lang kaya ako, actually nakita ko nga na nalaglag sa bulsa mo iyong panyo kaso nagdadalawang isip ako if pupulutin ko ba or hindi, tapos nakita ko si Kramm na ang pumulot then inabot niya sayo. Tinawag ka pa nga niya diba, tapos nakita ko yung mukha mo teh halata masyado sabay sabi "ay shelemet". Kwento ni Yuri na may halong acting pa. Medyo nahiya ako kasi alam ko yung reaksyon talaga ng mukha ko kanina habang inaabot niya ang panyo. Sinasabi ko na nga ba at sa puntong iyon, wala na kong lusot sa kaibigan kong ito.
"Oha ano tatanggi ka pa? Ha ha" dugtong pa niya.
"Huy, hinaan mo nga yang boses mo ata baka marinig ka ng mga classmates natin" sambit ko. Mabuti na lang at nasa labas kami kaya kahit medyo malakas ang boses ni Yuri ay hindi basta basta maririnig ng ibang tao.
"Ok, so aminin mo, crush mo si Mr. K no? Hahaha"
"Mr. K?" tanong ko
"K as in Killer smile :).. ang galing ko diba hahha"
Bigla akong kinilig sa sinabi ni Yuri. Naalala ko na naman kasi yung ngiti niya..
"Oy kayong dalawa, chismisan kayo ng chismisan jan, ready na ba kayo?" tanong ng professor namin na hindi ko namalayang nasa tabi na namin.
"Ay kami na po pala, yes po Sir!" Sagot ni Yuri.
Natapos ang P.E. class namin ng hindi tumitigil si Yuri sa pangungulit kung crush ko daw ba si Kramm. Hindi ko kasi inaamin at mahirap na. Medyo may kakapalan kasi ng mukha si Yuri dahil para sa kanya, pag may gusto kang tao, dapat gumawa ka ng paraan para mapansin ka niya which is sobrang opposite ko naman.
Lunch time na at dumiretso na kami sa canteen kasama ang tatlo pa naming kaibigan na sina Desha, Ladie and Mitzi na parehong mga classmates din namin. Actually, nabuo ang aming friendship nung 1st yr college kami. Nasa evening class kami non kasama sina Karry, Delcin at ang pinsan kong si Zari. Kaming lima ay naisipang magshift sa afternoon class nang kami ay mag-enroll ng 2nd yr. Kahit ganuon, solid pa rin naman ang samahan namin kasi madalas nagkikita pa rin kami.
"Uy alam niyo ba etong si Katelin, naku mukhang magkakakulay na ang buhay, hahah" paunang kwento ni Yuri sa tatlo kong kaibigan.
Sinasabi ko na nga ba, haayyy...
Tuluyan na ngang naikwento ni Yuri ang nangyari kanina sa P.E. class namin at wala na rin akong nagawa kundi aminin sa kanila ang tunay kong nararamdaman. Sa totoo lang, masaya ang pakiramdam ko kasi sa tinagal tagal din ng itonago kong lihim, sa wakas ay nailabas ko na rin sa kanila. Masaya at suportado naman ang mga kaibigan mo. Syempre, tipikal na teenager kami kaya excited din sila.
BINABASA MO ANG
You Smile, will I fall.. AGAIN?
RomansaThis story is for those people especially the ladies out there na PINAASA, UMASA at hanggang ngayon ay UMAASA na may kahahantungan din ang lahat. -Miss Mimay Bello