Chapter1: Ako si Vhince Anne Aldere
Vhince's POV
"Late na ako, late na ako.." paulit-ulit na sabi ko.. unli. eh.
takbo dito, takbo doon, paano naman kasi Miyerkoles ngayon, eh basta MWF eh major subjects..
Oo nga pala ako nga pala si Vhince Anne B. Aldere, a 2nd year AB Psychology student of Divine Grace College dito samin sa Abra (n/a: lahat po ng nanditong lugar at pangalan ay fictitious or non-existing po. Salamat)
"Ayan kasi hanggang alas-2am ang pagtetext mo dun sa crush mo.." sermon ni pisan Edselyn..
Yan ang pinsan Edselyn ko. Inampon siya ni Mama mula sa kapatid niya, noon kasing baby pa si insan Edselyn si mama na nag-aalaga sa kanya at siya na ang itinuring nitong Mama. Kapag daw sinasabi nilang hindi talaga si Mama ang tunay niyang nanay umiiyak daw ito at nagwawala. Kaya naman nagpasya nalang sina Mama at Papa na iuwi na siya sa bahay at gawing anak.
Sa totoo lang hindi naman ako nagseselos sa kanya, kasi itinuring na niya akong totoong kapatid. Alam naman niya na ako talaga ang tunay na anak nina Mama. Umuuwi din naman siya dun sa bahay ng true parents niya pero talagang sa bahay lang siya nag-i-stay.
Tapos na siya sa pag-aaral kaya tambay lang siya sa bahay ngayon. Fine arts kasi ang kinuha niya. Kaya madalas ditto lang siya sa bahay, tigaluto, tigalaba, tigalinis basta siya lahat ang gumagawa ng household chores.
Pero my source of income naman yan, madalang nga lang, wala namang laging nagpapapinta o nagpapaguhit sa kanya, pero kapag meron man dinadayo nalang siya sa bahay tutal meron naman siyang sariling room na pinagtatrabahuhan niya.
"Couz, it's not crush! it's love! (^___^)" sagot ko.
"Che!! manahimik ka nga! Nagpapakahirap ang Papa mo para makapag-aral ka, yang crush mo pa ang inaatupag mo.. blah.. blahh.. blaaaahh!.." sermon niya.
Ako? Wala! wala akong naririnig. Hindi ko na kasi siya pinakinggan at inupakan na lang yung tinapay at gatas na breakfast ko.
After 0123443215678998765 miliseconds.. natapos na ako sa pagkain ko at nagpaalam na.
lumapit ako kay insan Edselyn na naghuhugas ng pinagkainan sa lababo para ibigay yung pinagkainan ko.
".... blah.. blahhh.. blaaahh......" sabi parin ni pinsan, kanina pa yang nagpapalabas ng mga bala eh.. namamaril ng sermon..
"Couz, kahit naman crush ko yung tao at itext ko siya ng magdamagan.. hindi ko naman kinakalimutan ang priorities ko no... at tsaka nasa dean's list pa rin naman ako.. at No. 1 pa.. running for suma cum laude.. diba? (^____^)" singit ko sa blahblhablahh!! ni insan.. Oha, ang talino at ang bait kong bata este dalaga pala. diba? diba?
tumingin siya sakin (!!!,")---------(^___^)ehe
siya--------ako
"kaya wag ka ng magalit couz ha. tignan mo oh, nagkakawrinkles ka na.." ako, habang hinahawakan yung chicks niya..
Napahawak din ito sa pisngi..
"See???? yuck!!!"ako
"ikaw kasi eh" sisi niya sakin.
"Oo na po, kasalanan ko na.. sige, Sorry na ha.." ako at humalik sa pisngi niya.. ummmwaaa! ('3')
"Babye na couz, pasok na ko ha.. ingat ka dito." paalam ko at hinug ko siya. See bait-bait ko talaga.
Bago ako lumabas "Nga pala couz, di ako uuwi mamaya may date ako.(^____^)" pahabol ko, pero siyempre joke lang yun, kung hindi ako uuwi, eh san ako matutulog, diba?