Chapter 41 || My First and My Last

1.4K 34 7
                                    

Vhong's POV

Halos paharurutin ko ang sinasakyan naming motorsiklo. Thanks to manong police. Atleast medyo mapapabilis ang pag punta namin sa simbahan.

"Kuyz....hinay hinay lang. Parang Byaheng langit ang takbo natin eh." sigaw ni Billy habang mahigpit na nakakapit sa balikat ko.

"Kuyz magdadalawang oras na akong late sa kasal ko pag di ko pa binilisan baka wala na kong datnan dun." sigaw ko din sa kanya. Saka muling ipinaharurut ang motor....

Billy :  T_T

Sa sobrang bilis namin halos lumipad kami sa kalsada..at kung paano kami nakarating ng buhay sa simbahan well...

Laking pasasalamat ko na yun kay Papa God.

Pero hindi ang inaasahan kong eksena ang nadatnan ko sa simbahan. Akala ko pagdating ko doon naroon ang napakaraming bisita namin at naghihintay at.syempre ang napakaganda kong bride.

Pero mali ako. . .

Inalis ko ang helmet...saka mabilis na isinuot ang nalukot kong suit. Di ko alam kung maayos pa ba yung buhok ko pero mabilis kong tinakbo ang simbahan. Pero sa labas palang napaka tahimik na. Wala ng bakas ng tao.

Bigla akong kinabahan. Parang sasabog ang puso ko sa kaba...paano kung wala na si Anne. Paano kung di na niya ako nahintay..Huminga ako ng malalim bago itulak ang pinto.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng simbahan. Rinig na rinig ko ang langitngit ng pintuan habang binubuksan ko ito. Bigla akong napapikit ng mariin habang itinutulak ko ang pinto at idinadasal ko na sa SANA may Anne pa na sasalubong sa akin..

Anne's POV

Halos mamaga na ang mga mata ko sa kakaiyak. Hindi ko alam kung hanggang kailan matatapos yung sakit na nararamdaman ko. Paano kung hindi na nga talaga siya dumating. Umalis na ang halos lahat ng mga bisitang imbitado sa kasal namin. Pero mas pinili ko paring magpaiwan sa simbahan. kahit anong mangyari hihintayin ko sI Vhong. Kahit walang kasiguraduhan. Dahil alam kong hindi niya magagawang hindi sumipot sa kasal namin. Alam ko may dahilan kung bakit natagalan siya.

Nasa harap ako ng altar at nagdarasal. Halos dasalan ko na ang lahat ng santo at dasalin ang lahat ng dasal..

Malalapit na kaibigan at pamilya na lamang namin ang natira sa loob ng simbahan. Nasa kalagitnaan ako ng pagdadasal ng makarinig ako ng langitngit ng pinto.

At sabay sabay kaming napalingon ng marinig namin ang pag bukas ng pinto. . .

Naramdaman ko nalang ang mabilis na pag tulo ng luha sa aking mga mata ng makita ko ang pamilyar na pigura sa harap ng pintuan ng simbahan. Pinunasan ko ang sariling mga luha Hanggang sa tuluyan ko ng maaninag ang mukha ni Vhong.

Halos titigan ko siya mula ulo hanggang paa. Gusot gusot ang damit nito, pawis na pawis at halos di ko na maintindihan ang direksyon ng buhok nito. He looked so tired...na parang galing sa napakahabang pag takbo..Halos hinihingal pa nga ito. Pareho kaming nagtitigan. Saka ito ngumiti habang hinihingal. Tumayo na rin ang mga kaibigan at magulang namin. Saka pumalakpak. Nabuhayan ang mga mata nila ng makita ako.

Hindi ko alam pero parang napako ang mga paa ko kinatatayuan ko...Nakita kong may ibinulong si Vhong kay Billy..Then sa sobrang pagkalutang ng isip ko hindi ko na alam ang mga nangyari sa paligid. Naghahalo yung kaba at saya sa puso ko.

Hanggang sa marinig ko nalang ang pag tunog ng piano at ang tinig ni....

Yeng????

Napatingin ako sa gilid kung saan nagmumula ang tunog. Nakita ko si K hawak ang kanyang iphone na nakatapat sa mike habang tumutugtug ang kantang Ikaw ni yeng...

Muli akong napalingon sa aking groom. Na relax nang nakatayo sa harap ng pintuan. Inayos niya ang kanyang neck tie saka kumapit sa braso ni Billy.

Natawa ako...

I just realize na ako pala ang nasa harap ng altar naghihintay while si Vice naman ay nakatayo sa tabI ko. Parang best man. At si Vhong naman ang maglalakad sa aisle habang nakahawak sa braso ni Billy na parang Bride. Nakita ko rin na nasa harap nila si Zac na hawak na ang aming mga singsing...

When I heard the chorus of the song saka marahang naglakad si Zac palapit sa akin...humalik muna siya bago pumunta sa pwesto niya.

Saka ako napatingin sa aking groom na ngingiti ngiti habang naglalakad sa aisle...Our eyes locked. Kitang kita sa mata nito ang sobrang saya. Well the feeling is mutual naman eh. Dahil walang mapaglagyan ng saya sa puso ko.

Namalayan ko nalang na nasa harap ko na siya. Marahan niyang hinawakan ang aking pisngi...

"Salamat..." nakita ko nalang ang marahan na pagtulo ng kanyang luha sa kanyang pisngi. Kahit ako di ko mapugilan ang pag patak ng luha sa aking mga mata. Sa dami ng mga pinagdaanan naming dalawa. Sa dami ng sakit na naranasan naming dalawa. Sa dami ng panahon na nasayang namin sa wakas heto na kami sa harap ng diyos at manunumpa na magsasama at magmamahalan habang buhay...

Marahan ko ring hinawakan ang pisngi niya saka pinahid ang kanyang luha. "Salamat kasi hinintay mo ko." sabi ni vhong saka ako hinalikan sa mga kamay...

"Kahit anong mangayari...hihintayin kita." nangingiti na naiiyak na sabi ko sa kanya. . .marahan niya ribg hinawakan ang aking pisngi at pinahid ang aking mga luha.

Saka kami Hawak kamay na humarap sa altar. At sa pagkakataong iyon alam ko na ito na ang simula ng buhay na kasama ko ang taong bumuo ng buong pagkatao ko.





Vhong:

Simple lang naman ang pangarap ko noon...na sana dumating ang panahon na mapansin mo at mahalin mo. Hanggang sa maging matalik tayong kaibigan. Araw araw dinadasal ko na sana ako nalang ang lalaking nasa tabi mo, na sana ako nalang yung mahal mo. Hanggang sa dininig ni Papa God ang hiling ko.

Anne...ipinapangako ko sa harap ng diyos at sa harap ng mga mahal natin sa buhay na ikaw lang ang una at huling babaeng mamahalin ko habang buhay. . . Kahit anong mangyarI nqndito lng ako para mahalin ka at alagaan ka. .  .

Anne:

"Akala ko nung una kaibigan lang kita. Takbuhan ko pag may problema at laging karamay sa saya at lungkot ng buhay ko. . . Hanggang sa dumating sa point na hindi ko na kayang wala ka sa tabi ko. Akala ko kailangan kita kasi kaibigan kita..Mali pala. Dahil kailangan kita kasi ikaw pala ang bubuo sa nasaktan kong puso. Vhong nangangako ako sa harap ng diyos at sa harap ng mga taong nagmamahal sa atin na ikaw lang ang lalaking mamahalin ko ng ganito at ang tanging lalaking gusto kong makasama habang buhay...

Anne POV

After our vows..Binasbasan kami ng pare..

We both said i do...ofcourse..

Then..

"You may kissed your Bride..." deklara ng pari..parang iyon lang ata ang nagsink in sa utak ko. dahil parang lutang na lutang sa sobrang saya ang puso ko.

Naramdaman ko nalang ang mga labI ni Vhong sa aking mga labi...

"Now your mine.." sabi ni Vhpng matapos ang mahaba ang matamis na halik. Hindi matapos tapos ang palakpakan. Nakita kong mugto na ang mata ni Vice sa kakaiyak pati na rin si Billy....


"I love you Mahal ko.."sabi ko kay Vhong...

"I love you too Mrs. Anne Curtis Smith Navarro." saka muling halik sa aking mga labi.

*****

A/N

This story is not yet done...may ladugtong pa po ito..

Sorry naman sa mahabang pag aantay...

Merry Christmas and Happy New Year guys...


Almost a Love Story || VhongAnneFanFicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon