Chapter 19

3K 80 0
                                    

FIARRA’S POV

“Mom pwede ko po bang iwan saglit sa inyo si Demho?” Paki usap ko kila mommy na kasalukuyang sinusubuan at pinapakain si Demho.

Natutuwa akong tingnan silang inaalagaan at nililibang ang anak kong si Demho. Mabuti na lamang at mabilis umintindi ang anak ko kaya madali kong naipakilala sa kanya ang mga lolo at lola niya. Ang problema nga lang ay lagi ang tanong nito sa akin at sa mga lolo at lola niya kung nasaan daw ang daddy niya at kung kailan daw sila magkikita.

“Wala namang problems, saan ka ba pupunta?” tanong sa akin ni mommy habang pinupunasan ang gilid ng bibig ni Demho.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot, “Kukunin ko po ‘yong gown ko sa company.” sagot ko bago muling sumubo ng pagkain.

“For sure nandito siya bukas. What are you going to do?” biglang tanong ni daddy na siyang may kandong kay Demho.

I shrugged “I don't know, we'll see.”

Sinulyapan ko si Risia at Jiya na parehong walang pakialam at busy sa pagkain. Pare-parehong filipino dishes kasi ang ipinahanda nila mommy kaya grabe kung lantakan nitong dalawa.

“Risia.” tawag ko sa secretary ko dahilan para mag angat ito ng tingin sa akin.

“Si señora?” sagot nito na may subo pang kangkong.

Translation: “Yes ma'am?”

“Necesito que rengas conmigo.” wika ko.

Translation: “I need you to come with me.”

Nilunok niya ang kangkong na subo-subo “A dónde vamos?” nagtatakang tanong niya.

Translation: “Where are we going?”

Tumayo ako at inilagay sa lababo ang aking pinagkainan bago humarap sa kanya “Obtrentemos la bata que ilevaré mañana de la compañía de vestimenta FCS.”

Translation: “We will get the gown i will be wearing tomorrow from the FCS company. ”

“Na eottaeyo?” singit ni Jiya kaya napatingin kami sa kanya.

Translation: “What about me?”

Pinanlakihan ko siya ng mata “Dangsin-eun uliwa hamkkehaji ahn-eul geos-ibnida.” Seryosong saad ko kaya sumimangot siya.

Translation: “You will not going to come with us.”

“Wae?” nakangusong tanong pa nito.

Translation: “Why?”

“Manh-eun salamdeul-i dangsin-eul algo issseubnida.” tanging sagot ko.

Translation: “Many know you.”

Tumango siya sa akin bago ngumiti “ihae haess-eoyo.”

Translation: “I understand.”

Muli kong binalingan si Risia “Cámbiate de ropa, nos vamos.” utos ko.

Translation: “Change you clothes, we're leaving.”

Kaagad tumakbo paakyat si Risia para magbihis ng damit. Saglit lang ang itinagal niya doon ay kaagad siyang bumalik suot ang isang simpleng damit.

“Vamono?” tanong ko sa kanya.

Translation: “let’s go?”

Ngumiti si Risia sa akin “Vamos, señora.” excited na sagot nito.

Translation: “let’s go ma'am.”

Madali ang naging byahe namin ni Risia papunta sa FCS company na pag aari ko rin.

“Good morning mga madam!” Masayang bati sa amin ng isang guard habang naglalakad papasok ng kompanya.

Pareho kaming naka face mask at shades ni Risia kaya hindi niya kami nakilala.

Saktong bubuka ang bibig ko para batiin siya nang may biglang bumungo at natapon sa akin.

“Oh my God!” Hiyaw ko nang maramdaman ko sa aking balat ang napaka init na kape na pagmamay ari ng taong bumunggo sa akin.

Kaagad tumalima si Risia para punasan ako gamit ang panyo.

“Mga basura nga naman!” Rinig kong saad ng babaeng bumunggo sa akin. Napantig ang tainga ko sa sinabi niya kaya nag angat ako ng tingin sa kanya.

“Artheni.” Pabulong na banggit ko sa pangalan niya.

Tinaasan niya ako ng kilay “Yes that's me, trash!” mayabang na saad nito habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Mukhang hindi rin niya ako nakilala.

Nagsisimula ng dumilim ang paningin ko. Bwisit na babaeng ito! Ang lakas ng loob manlait! Eh kung sapakin ko ang mukha niyang puro retoke?! Relax self! Hindi pa oras ng paniningil!

Yumukod ako “I'm so sorry ma'am.” Hingi ko ng dispensa. Sinanya ko pang ibahin ang boses ko para mas lalo niya akong hindi makilala.

“Sa susunod huwag kang tatanga-tanga. Huwag kang sa daanan kung ayaw mong mas magmukhang basura. By the way, yes my name is Artheni,” itinuro niya ang company “The owner of this FCS dressing Company. I'm short I'm a millionaire!” dugtong pa niya bago maarteng naglakad paalis.

Nagkatinginan kami ni Risia at sabay tumawa.

May iba na pa lang owner ang FCS dressing company? Bakit hindi ko nabalitaan? Bakit walang nagsabi sa akin? HAHAHAHA! Nice joke Artheni!

We Meet Again, My Runaway Bride [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon