Chapter 25

3.3K 81 3
                                    

FIARRA’S POV

Napaka tahimik ng paligid. Lahat ay halos manghang naka tingin sa amin, o mas madaling sabihing sa akin.


Maraming nagulat at nagtataka sa biglaan naming pagdating.


Sino ba naman ang hindi mapapatigil at mapapatingin sa mga babaeng naka suot ng maskara, kahit hindi naman masquerade ang tema ng party? Sino ba naman ang hindi manlalaki ang mga mata kung makikita kaming naglalakad sa kulay pulang carpet, at papunta sa napakaganda, at puno ng dekorasyong main stage?


Kasunod ko sila Risia at Jiya, na nakasuot ng parehong kulay violent tube long gown, at tulad ko ay nakamaska. Na sa tabi ko si Khryte na buhat-buhat si Demho. Tulad ng iba ay mukhang naguguluhan at nagtataka na rin siya sa nangyayari. Alam kong may ideya ng namumuo sa kanyang isipan, pero mas pinili niyang manahimik.


Unting hakbang na lamang ay malapit na kami sa main stage, pero biglang humarang sa dinaraanan ko ang isang naka pormang bakla. If I'm not mistaken, siya ang binayaran para maging Master of Ceremony ( MC ).


Huminto ako, dahilan para huminto din ang mga naka sunod sa akin.


Tumingin sa akin ang bakla. “Madam, may I know who you are?” magalang na tanong nito, habang sinusulyapan ang ibang mga nakasunod sa akin.


Bahagya akong yumuko, para pumantay sa kanya. Bahagya pa siyang napa atras ng kaunti, dahil mukhang nabigla sa ginawa ko.


Itinapat ko ang bibig ko sa kaliwang tainga niya, bago bumulong. “I'm the one who really owned this party.”


Nanlaki ang mga mata niya. “Y-you mean y-you are---


“Yes, I am.” Putol ko sa sasabihin niya, bago muling humakbang palapit at paakyat sa main stage.


Nang makarating sa itaas ng main stage, kaagad tumalima ang isang guard para ipang hila ako ng upuan.




Lumapit sa akin si Khryte, na buhat-buhat pa rin si Demho. “What is the meaning of this?” seryosong tanong nito.


Natawa ako. “Don't be stupid, Khryte,” saad ko.


Pinanlakihan niya ako ng mata. “Mag uusap tayo mamaya,” ani Khryte, bago umupo sa bakanteng upuan malapit sa akin.


“G-good evening ladies and gentlemen!” masiglang wika ng baklang MC sa mikropono, dahilan para bumalik sa katinuan ang mga tao, “I know hindi lang ako ang nag tataka, nagulat at maraming tanong sa isipan, kung sino ang mga misteryosong babae na nakasuot ng maskara at nakaupo sa main stage ngayon. Later, makikilala at makikita po natin ang kabuan ng kanilang mga mukha. Sa ngayon, please continue kung ano man po ang ginagawa ninyo a while ago. Thirty minutes from now, mag uumpisa na po ang final ceremony ng party na ito. That's all for now, enjoy everyone! Thank you,” saad pa nito.



Nakita kong pumasok sa main entrance sila mommy at daddy, na parang normal na bisita lang kung umakto.



Magkahawak kamay silang lumapit sa iba pang mga bisita, parang wala silang paki alam sa amin na kasalukuyang prenteng naka upo sa harap ng maraming tao.



Pasimpleng lumapit sila mommy at daddy sa mesa nila Artheni at Senator Velli Beriame. Mula sa kinauupuan ko ay kitang kita ng dalawang mata ko, ang pasimpleng pag irap ni Artheni nang makipag beso sa kanya si mommy. Kahit kailan talaga, napaka plastic na nilalang.



Inilibot ko ang paningin ko sa buong sulok ng party, hanggang sa mahagip ng mata ko ang isa sa mga taong naging dahilan kung bakit  nagkada peste-peste ang buhay ko. Wala pa rin siyang pinagbago. Tulad noon ay kaakit-akit pa rin ang buong pagkatao at hitsura niya, na kayang akitin ang sino mang babae.



Matiim siyang nakatitig sa akin, gayundin ang mga kasama niyang mga kaibigan at tatlong naggagandahang mga babae. Girlfriend kaya niya ang isa sa tatlong babae? Himala yatang hindi niya kasama ang childhood girl best friend niyang si Artheni.



Hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya. Hindi ko alam kung nakikilala niya ba ako kahit na suot ko pa rin ang kulay itin na maskara.



Hindi ko mabasa ang ibang mga emosyong na sa mukha niya, pero alam kong isa doon ay galit at pagkamuhi.



Naputol ang pagtititigan namin nang tumikhim ang baklang MC, para kunin ang atensiyon naming lahat.



“Once again, good evening ladies and gentlemen. Alam kong kanina pa kayo naghihintay na makita at makilala ang mga babaeng nakasuot ng maskara.” Itinuro niya kami, “Alam kong kanina pa may namumuong ideya riyan sa mga isipan ninyo, but before they remove their mask, I just want to explain this one.” Itinaas niya ang hawak na jar na may laman na mga puti at nakatuping kapirasong papel, “Kanina before tayo tuluyang pumasok, ay may four guards pong humarang sa atin, tama po ba?



I know tapos na nilang naipaliwanag ang ‘yong about sa tattoo na itinatak sa right hand natin. Now, this jar I'm holding right now ay naglalaman ng mga names nating lahat. That mysterious lady in black,” Itinuro niya ako. “ay bubunot ng isang masuwerteng pangalan na nakasulat sa nakatuping piece of paper, na kung saan ang taong nagmamay ari ng pangalang ito, babae man o lalaki ay kakanta ng isang song na tutugtugin ng banda. Iyong song po na kakantahin is depende sa taong nabunot kung ano ang kantang gusto niyang kantahin sweet, rock or ano pa man. Malinaw po ba?”



“Yesss!!!” pasigaw na sagot ng mga bisita.



Tumingin sa amin ang baklang MC. “Now ladies, kindly romove your masks please.”

We Meet Again, My Runaway Bride [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon