Chapter 20

3.2K 74 2
                                    

DEMHON’S POV

“Ang ganda talaga dito sa Zambales, grabe!” Masayang saad ni Jakell pagkababa namin ng sasakyan.

Dala-dala naming apat ang aming sari-sariling mga bag. Pare-parehong importanteng gamit lamang ang mga dinala namin dahil hindi naman kami magtatagal dito sa Zambales.

Naglakad kaming apat papasok ng Villaremo Hotel kung saan kami pansamantalang tutuloy.

“Maabig a apon!” bati sa amin ng isang babaeng front desk receptionist o mas kilalang Guest Services Employee (GSE).

Translation: “Good afternoon!”

“Maabig a apon namaot, is there still available rooms for us?” tanong ni Jakell sa babae habang itinuturo kami.

Translation: “Good afternoon too.”

Tumango ito “Ilan po ba ang need ninyong room mga sir?”

“Ahmm... We need four rooms." sagot ni Jakell na nagpalaki ng mga mata ko.

“Mayroon naman po sir. Five thousand pesos po each room sa isang gabi.”

Seriously?! Four rooms? Ako ang magbabayad? Hindi ba kasya sa isang room ang dalawang katao? Saglit lang naman kami dito pero bakit kailangan pa ng tig iisang kwarto? Bading ba itong mga kaibigan ko? Five thousand pesos ang overnight sa isang kwarto, apat kami so nagkakahalaga ng twenty thousand pesos?! What the hell?! Dalawang gabi kaming mananatili dito, that means forty thousand pesos ang babayaran ko?! Putangina!

Binalingan ako ng kurimaw na si Jakell “Okay na sayo yun bro?” nakangising tanong nito.

Pwede ba akong maglaho na lang? Maghihirap ako sa tatlong bisukol na ito! Diyos ko isang libong piso grabe kung tipirin ko, tapos ganito?! Dalawang gabi lang gagasta na ako ng forty thousand pesos hindi pa kasama ang pagkain?! Oo mayaman ako pero anak ng tokwa hindi sa lahat ng oras, araw, linggo, buwan at taon ay mananatili ang yaman ko!

Tumikhim ako “hindi ba pwedeng dalawang rooms na lang?” Nakangiwing pakiusap ko kay Jakell.

Tumawa siya “maliit lang ang bed every rooms dude, hindi kakasya ang dalawang katao.” paliwanag niya.

Napatango na lang ako. As if may choice ako? Kahit kailan hindi ko nakita ang mga tukmol na kaibigan kong natulog sa sofa o sahig.

“Cash po ba or credit?” muling tanong ng babaeng receptionist habang nagtitipa sa harap ng computer.

“Credit.” sagot ko sabay abot ng green credit card ko sa kanya.

“Room five, six, seven and eight po ang mga rooms na available for to days. Sino po ang mag aakupa ng room five, six, seven and eight? Kindly write your full names here nalang po.” saad ng babae sabay abot ng malaki at mala libro sa kapal na notebook kasama ang isang 0.5 black parker pen.

Unang naglista at pumirma ng pangalan si Khlyde na siyang aakupa sa room number five. Sumunod ang kambal na sina Jakell at Jake na aakupa sa room number six and seven. Nahuli ako na siyang tagapag bayad at mag aakupa sa room number eight.

Isa-isang binigay sa amin ng babae ang bawat susi ng  inakupa naming mga kwarto.

“Enjoy your stay mga sir!” huling saad ng babae bago namin siya iniwan para pumunta sa mga inakupa naming mga kwarto.

Inakbayan ako ni Jake “Salamat sa libre bro!” saad nito.

Tinggal ko ang braso niyang naka akbay sa akin. “Bayaran niyo ako.” seryosong saad ko dahilan para tumigil siya sa paglalakad.

“Seryoso ka diyan?” Nakangiwing tanong niya.

Tumango ako at ngumisi sa kanya bago tuluyang naglakad. Tingin nila ililibre ko talaga sila? Utot! Hindi ako papayag na hindi sila gumastos!

Gamit ang susi na ibinigay kanina ng babae sa amin, binuksan ko ang pintuan ng room number eight nang makarating ako sa tapay nito. Humakbang ako papasok at binuksan ang ilaw para makita ko ang daraanan ko. It's nice. Mula dito sa kinaroroonan ko ay tanaw ang napakagandang view ng kabundukan. It's like tagaytay, ang kaibahan lang ay hindi masyadong malamig dito sa Zambales.

Ibinaba ko dala kong bag kung saan nakalagay ang mga importanteng gamit ko.

Totoo ang sinabi ni Jake kanina. Hindi masyadong malaki ang kama, sakto lamang sa isang tulad ko.

Tinanggal ko ang sapatos, damit at pantalon ko, tanging boxer shorts lang ang iniwan ko bago lumundag padapa sa kama. Kanina pa ako antok na antok sa byahe. Bukas puyat at pagod na naman. I need to rest and sleep for a while. Mamaya ko na lang pupuntahan at yayayaing kumain ang tatlo because for sure tulad ko ay pagod at inaantok din sila.

“Pre! Demhon wake up!”

Nagising ako ng marinig ko ang sunod-sunod na tawag sa akin ni Khlyde at katok sa pintuan ng kwartong inakupa ko.

“Pre! Gising na!” muling sigaw ni Khlyde sa labas.

Pinilit kong bumangod kahit antok na antok pa ako. Naglakad ako palapit sa pintuan at binuksan ito.

“Good evening pre!” Nakangiting bungad sa akin ni Khlyde.

“Anong kailangan mo?” tanong ko habang kinukusot ang aking kaliwang  mata.

Nagulat ako ng bigla niya akong batukan “Kakain na ulol!” saad niya bago ako hinila palabas na tanging boxer shorts lang ang suot! Diyos ko po!

We Meet Again, My Runaway Bride [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon