entry:1

9 1 0
                                    

hello mga maal,,ito na ang chapter 1 baka di na din ito masundan😂😂😂 bobo yung author ehh kaya baka wala ng maiisip😂😂😂


______________________________

gusto kita trenta😍
by:ItsMeFrancey



missss? yung order ko kanina pa yun ahh - sigaw ni kuyang customer

saglit lang sir naito na,,wag lang sigaw ng sigaw diyan di ka mauubusan,sagot ko kay kuya

kanina kapa sagot ng sagot na naito na naito hanggang ngayon wala pa din,sagot niya ulit

shempre di ako papatalo mana ako sa author ma attitude din kaya sinagot ko ulit,ikaw mag serve masyado kang atat di marunong mag hintay ha?ikaw lang customer ha ikaw lang?kung maka reklamo ka isang mami lang naman ang order mo tig 30 lang yun kala mo naman yung special ang order.

tiningnan ako ni kuya ng masama,,bigla itong tumayo at nag tungo sa may ari ng karinderya susumbong nanaman ako niyan kay aling petra,,yung may ari nitong karinderya "a few minutes laterrrr"

MARIAAAAA.....sigaw yan ni aleng petra sesermunan nanaman ako sinumbong ako ni kuya ehh MARIAAA..sigaw ulit ni maring petra🤣

labo-labo akong lumabas ng kusina at nag tungo sa lugar kung nasaan si maring petra😂😂

after 100,000 minutes narating ko na din sa wakas,,,yes ma'am? mabilis kung sagot kahit hingal na hingal pa ako layo kasi ng tinakbo ko mula states hanggang dito sa QC😂😂😂charott

nanlilisik na mata ni mareng petra ang sumalubong sakin...MARIAAAA INAWAY MO NANAMAN ANG CUSTOMER TULOY LUGI NANAMAN,,ALAM MO BANG LIBRE NA LANG DAW YUNG MAMI NIYA DAHIL INAWAY MO DAW SIYA ILANG BESIS KO BANG SASABIHIN SA IYO NA WAG KANG MANG AAWAY NG CUSTOMER NALULUGI ANG NEGOSYO KO SA IYO.

aleng petra chilllll,,,trenta lang yun,,di pa malulugi yang karenderya niyo ilang beses naba nangyari ito di pa ba kayo nasanay,,saka kung maka reklamo ka kala mo naman masarap ang mami niyo ehh ang tipid tipid niyo naman sa rekados unti pa ng miki di niyo pa ikakalulugi yun

nanlaki mata ni aleng petra na shock pa siya e sa tuwing pinagagalitan niya ako sa issue na ganto yun naman lagi ang sagot ko sa kanya,,totoo naman kuripot yan si aleng petra kakaunti lang yan mag lagay ng rekado sa mami niya ewan ko ba kung bakit may kumakain pa dito...ehh tuwing nag seserve ako binubulungan ko yung mga customer na tipid sa rekado ang mami namin,,,di rin masarap at sa iba nalang kumain aba dito pa din kumakain mga abnormal

sininyasan ako ni aleng petra na umalis na habang hawak hawak ang kanyang dibdib as if naman na may sakit siya sa puso nag uuyok lang yun kala niya maniniwala ako sa mga ganyan ganyan niya alam kung prank niya lang yun😂😂😂😂

lumabas na ako at pinag patuloy ang trabaho ko ako lang naman ang masipag na impleyado ni mareng petra,,charot lang ako lang naman talaga ang impleyado niya dito walang nag tya-tyaga kay aleng petra pangit kasi ugali pati mukha actually,,ako lang tumagal dito sanay na kasi akong pag uumaga pangit na agad ang makikita di ko sinasabing parang yung landlord ng tinutuluyan ko pero parang ganun nadin😅

miss?isa nga ng special mami niyo-sigaw ng kadarating lang na customer

comming up ma'am sagot ko dito

after 500 years na serve ko na

nagpatuloy na ganun ang nangyari hanggang sa alas singko ng hapon out ko na kasi may iba pa akong trabaho pepol masipag kasi ang bida niyo😂😂

waitress sa karinderya ng umaga hanggang alas singko uuwe pa ako sa apartment ko tapos 6:30 dun naman ako sa isa kung trabaho sa club dancer ako dun,,bayaran,,pok pok...grabe kasi ang pangangailangan ko,,,charot lang sa ospital ang isa ko pang trabaho janetress ako dun 7 pm-12mn ng pasok ko dun

aleng petra,,,gura na ako ha may date pa ako- paalam ko kay mareng petra

ASA anong date wala kang boypren- balik sagot ni aleng petra

pasmado bunganga mo aleng petra dyan ka na nga-sigaw kong muli bago tuluyan ng umalis

______________________________

hello ulit mga maal,,,i hope na ma enjoy niyo itong story na ito😊lab ko kayong lahat

pa support plz😇

gusto kita trentaWhere stories live. Discover now