entry:II

8 1 0
                                    

gusto kita trenta
by:itsmefrancey

5:40 na ng makarating ako sa apartment ko may kalayuan din kasi ito sa karinderya tatlong bundok ang aakyatin ko at dalawang sapa naman ang tatawidin ko para makarating dun,,hehe joke lang 28 mimutes andito na ako sa apartment pwera na lang kung traffic inaabot ako ng siyam-siyam bago makarating sa karendirya ni aleng petra
andito ang apartment ko sa bagong silang caloocan,metro manila ang karinderya naman ni aleng petra ehh nasa batasan hills parehas nasa district 2 lapit lang 28 minutes byahe 15.5 km ohh diba talino ko na kompyut ko pa yun sabi ko sa inyo ehh best in math ako noong high school ako

labo-labo akong pumasok ng bahay at nag pahinga ng kaunti mga 5 seconds

1..2..3..4..5

tapos na ang pahinga palit na ako ng bago kung damit nilagay ko na din ang facetowel ko sa aking mahiwagang bag kailangan ko ito sa trabaho..

matapos kung maayos ang mga gamit ko na dadalhin sa trabaho agad akong lumabas ng apartment mag aabang na ako ng jeep sasakay na ako baka ma late ako ehh malayo yung hospital,,papalipat ko nga yun bukas para malapit na papalagay ko yun sa tapat ng apartment ko para malapit hindi na hassle layo kasi san jose del monte bulakan pa 33 minutes ang byahe mga 20.9 km naman ang layo,,mabuti na lang pag na lelate ako pinagbibigyan ako nung head janetress namin na uunawaan daw niya ang sitwasyon ko..bait diba? kaya minsan hinihiling ko kay lord na kunin na yun ehh ang bait kasi...joke lang😂

matapos ang mahaba-habang byahe ehh naka rating na ako sa hospital.

good evening chief-bati ko kay kuya rommel yung gwardiya dito sa hospital alam ko pareho kami ng shift pang gabi bukod kasi sa pag ga-gwardiya niya ehh tricycle driver siya sa umaga 5 ang anak na buhayin, yung aasawa naman niya ayun lumpo,,lumpo ng katamaran di man lang tumulong sa paghahanap buhay puro si kuya rommel na lang minsan kasing naki pag chismisan ako kay kuya rommel kaya alam ko yang lahat

ngumiti sakin si kuya rommel saka bumati pabalik,magandang gabi din maria mukhang late ka ahh traffic ba?

hindi traffic kuya rommel bet ko lang mag pa late mukhang masaya ehh,pag bibiro ko kay kuya rommel.

palabiro ka talaga,sige na pumasok kana para maka umpisa kana,natatawang ani ni kuya rommel

kumaway ako kay kuya rommel bago tuluyang pumasok sa loob nakita ko si nurse faye sa lobby,hi ma'am faye bati ko rito.

uii,,ikaw pala maria kamusta?mukhang late ka ahh,,pag sasalita nito

ok naman po,,traffic po kasi,,sige ma'am faye una na ako para makapag simula na

ahh..sige sige see you around maria,,ani ni nurse faye

umalis na ako sa harap ni nurse faye bago pa mandilim ang paningin ko sa kanya na iinsecure ako sa kagandahan nung nurse na yun palibhasa kumikita ng malaki daming abobot sa face

dumiretso ako sa staff room kumuha ako ng mga kailangan ko sa paglilinis nag suot din ako ng PPE ko shempre

matapos kung mag ayus ng sarili lumabas na ako at nag simula ng mag map ng sahig

matapos ang dalawang oras tumigil muna ako sa pag lilinis,,nagugutom na ako kakain muna ako sa canteen,,

habang naglalakad ako,,nakasalubong ko si nurse faye

ma'am faye,muli kung bati
ohh,,hi again maria break ka?tanong nito.

ayy hindi po ma'am tao po ako hindi po ako break-pabalang kung sagot

naku ikaw talaga maria masyado kang palabiro,,padaplis niya pa akong hinampas sa braso bago ako akbayan,,,tara kain tayo,,buti na lang walang masyadong pasyente hindi, hassle ang buhay,,dagdag pa niya

mabilis kaming nakarating sa canteen ng ospital at tagal kung namili ng kakainin ko kinalaunan 2 egg sandwitch at mineral water na lang ang binili ko swak sa budget,,madami kasing gastusin wala pang sweldo,,si nurse faye egg sandwich din ang binili tapos kape

mabilis naming naubus ni nurse faye ang pagkain kaya't muli kaming bumalik sa kanya kanyang tuka,,mabilis matapos ang oras at alas 12 na uwean na.

ma'am veron una na po ako ha,,pag papaalam ko sa head namin rica,julius,jestoni una na ako ha may pasok pa ako sa karinderya mamaya, pag papaalam ko rin sa mga kasamahan kung janitor at janetress tinanguan lamang nila ako.

nag madali akong nag tungo sa exit binati at nag paalam ako kay kuya rommel bago tuluyang umalis

may mga sasakyan panaman ng ganitong oras pero madalang na kaya kailangan ko pang mag hintay para makauwe,,pag walang dumaan lalakadin ko talaga to...pero maya-maya pa mayroon na akong nakitang sasakyan,,pag sinuswerte ka nga naman,,pinara ko ito upang makasakay ako at makauwe agad

.

.

.

.

______________________________

hi mga maal,,nakakapagod mag isip ng e u-update alam niyo yung dry,,ganun na kasi yung utak ko kakaisip hahaha,, anyway masaya naman kahit maikli lang sana mag enjoy parin kayo 😊😊😊







gusto kita trentaWhere stories live. Discover now