Chapter 4

39 3 2
                                    


Pagkauwi ko sa bahay I hurriedly went upstairs. I took a shower first tapos pumunta ako sa kitchen.

"How's the exam?" Tanong ni mommy.

"Okay lang." Iyan lang ang nasabi ko. Kumain na ako at pumasok sa kwarto. Medyo na wo-worry ako baka ma disappoint sila sa akin pag hindi ako na passed sa exam. We own a factory. Naipundar ito ni mommy noong nabubuhay pa si daddy. They are not married that's why hindi namin dala ni Tina ang surname n'ya. All our workers are making slippers and shoes. Ang mga buyers namin ay rebranding nalang ang gagawin. Medyo maganda ang kita kaya nakapundar ng bahay si mommy at daddy na ganito. Hindi naman sya mansion pero malaki s'ya. Bunga ito sa lahat ng pagsisikap ni mommy. Nang namatay si daddy hindi n'ya ito pinalitan. She loves him dearly.

Nakatulog ako dahil sa matinding stress. Tanghali na akong gumising at ramdam na ramdam ko na ang matinding gutom sa aking tiyan.

"My!" Sigaw ko habang bumababa sa hagdan. Hindi siya sumagot.

"My?"

"My?"

Nagulantang ako dahil bigla siyang sumulpot sa harapan ko na naka face mask. Anong trip nito?

"From now on don't call me mommy. Masyado s'yang oldies kung pakinggan. Call me mama." Sabi niya habang nagpa paypay sa kanyang mukha. Seriously?

"Are you serious?" Tanong ko.

"Of course! I already told Cristina kahapon and she agreed." At ngayon ko lang napansin na naka roba lang siya.

"Ba't naman?" Nakataas ang aking kilay.

"Because I say so." Sabi niya. Minsan si mommy ganito kasi dahil sa friends n'ya or baka sa napanood n'ya. Minsan na siyang nagpakulay ng blonde dahil nakakabata daw sabi ng mga kaibigan n'ya.

Ginugol ko sa pagtatrabaho ang oras ko. Tumutulong kami ni Tina sa factory kaya gumagaan nalang ang mga trabaho ni mama. Yes, mama na talaga. I do the paperworks with Tina and sometimes I supervised. I made sure that our products meet the standard quality of the market.

Hindi ko namalayan ang mga araw.

"Frenny, results are out!" Bungad sa akin ni Calvin sa kabilang linya. Kinabahan talaga ako at nagpanic.

"What should I do now?" My voice is shaking and I am panicking badly.

"Shunga! Tignan mo dali." Sabi n'ya.

I went to my mama's office at hiniram ang computer n'ya. I searched it at halos hindi na ako marunong mag spelling dahil sa kaba.

"Flores, Danica Cabada"

"Flores, Ericka Suson"

Kinabahan na akong talaga.

"Flores, Farah Letecia" Yes! I passed. Sumigaw ako sa kasiyahan. Thank you Lord. Thank you po talaga!

"This calls for a celebration!" Sigaw ni mommy.

Nagpakain kami sa lahat ng tauhan namin at lahat sila ay binati ako. Ang saya-saya ko. Matapos ang oath taking na namin ay nag apply kaagad ako sa isang bangko.

"Del Fred National Bank" basa ko habang hawak-hawak ang folder na bigay sa akin ng secretary ng boss. Isa ito sa mga pinakamalaking bangko sa Pilipinas. First day ko ngayon sa trabaho. Gusto kong ma impress ang boss ko kaya pinagbutihan ko ang trabaho ko. I am assigned sa front desk as a cashier. Hindi naman mahirap ang trabaho medyo kailangan mo lang mag ingat dahil baka ma deposit mo sa ibang account ang pera kapag may isang numero kang mali.

"Ms. Flores, I really appreciate your dedication sa trabaho. Pagbutihan mo pa 'yan." Isang araw sabi sa akin ng manager namin. May edad na siya ngunit makikita po talaga na maganda siya at desente.

"Thank you po."

"May favor lang sana ako. Pwede bang ikaw nalang ang maghatid ng data analysis kay Mr. Del Fred? Medyo masakit kasi ang tuhod ko."

"Sure po." Wala akong pag-alinlangan. I waited at the elevator and pressed the 30th floor. Malaki talaga ang DFNB. Marami silang beaches sa buong Pilipinas at ito ang main branch plus office nila.

I knocked three times sa CEO's office at pinagbuksan ako ng secretary.

"Good morning ma'am. Nandito po ba si Mr. Del Fred? May ibibigay lang po sana ako." Tukoy ko sa folders na dala ko. Medyo mabigat.

"Oh, Mr. Del Fred Sr. is not here but you can leave it to me. Si Architect lang kasi ang nandito and—" naputol ang pagpapaliwanag ng secretary nang magsalita ang tinutukoy niyang Architect yata.

"Who's there?" Kaunting rinig ko.

"Ah taga front desk cashier po Mr. Del Fred at may ipapabigay galing sa accounting department." Paliwanag niya.

"Come in." Iyang ang narinig ko.

Binuksan niya ng maluwag ang pinto at nakita ko ang sinasabi niyang Architect. He must be the son. Nakatalikod ito at hindi ko kita ang mukha. The moment he turned around ay para akong nalusaw.

I saw him smirk and starred at me darkly. Hindi man lang na shock na ako ito. Sa dinami daming pwedeng maging anak ni boss bakit siya pa?

"You can leave us now Ms. Gomez." Iyan ang sabi niya sa secretary at lumabas kaagad ito. Takot ba?

"Ah... I... ahm..." Nauutal kong sabi.

"What?" Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakayuko ako at pinisil-pisil ang aking mga daliri.

"So you work here huh?" Patuloy niya.

"Yes sir." Sagot ko kaagad habang nakayuko parin.

"Can you join me for a lunch?" Tanong niya at nagulat ako. Akala ko kasi ipapamukha niya naman ang kahihiyan ko sa bar.

"I'm already—"

"I don't accept rejection Ms. Flores." Mas nagulat pa talaga ako dahil he knew my surname.

"So you knew me. I wonder if you planned it all kaya ako nandito ngayon." Hindi ko na napigilang magtaray.

"Of course not. Your credentials are the reason why you're here." He said while crossing his arms and starring at me.

"What I mean is that ikaw ang nag utos kay Ms. Sy na papuntahin ako dito." Tukoy ko sa manager namin.

"It's for you to find out. Come let's eat." Doon ko lang nakita ang maraming pagkain sa table malapit sa kanya."

"Why are you doing this?" Confused kong tanong.

"I want to claim what you offered." Diretsong sagot niya.

Wala akong naisagot at kung nakamamatay lang ang kahihiyan kanina pa ako hindi humihinga. Nang hihina ang tuhod ko habang naglalakad patungo sa kanya.

"Calm down. I'm just joking." Natatawa niyang sabi.

"Sir, may trabaho pa po ako." Iyan ang unang lumabas sa bibig ko.

"Pinaalam na kita. Sit down." Utos niya habang nag pe-prepare ng pagkain.

"Now you're my stalker." Sabi ko habang matalim na tingin ang iginawad ko sa kanya.

"I just saw you standing near the entrance today Miss. I am not a stalker and I never was. I don't know that you work in here." Paliwanag niya.

"Hindi ako naniniwala. Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Akusa ko na naman.

"You have your name plate with you." Confused niyang sagot habang nakataas ang isang kilay.

Bakit hindi ko ba naisip iyon? Jusko naman para na akong assuming nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Patches and BurntsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon