Chapter 3

27 2 0
                                        

"I don't know what you are talking about Mister." I said nervously. Sa mga panahong iyon ay gusto ko ng kainin ng lupa.

"I'll tell you then." Humakbang siya pa puntang sofa namin. Kailan pa ba 'to aalis?

"First, you hit me in the bar for a body shot. Second, we almost make out. Third, sinukahan mo ang damit ko. And lastly, I am the one who drove you home." Naka de kwadro n'yang sabi sa akin habang pumipikit. Pulang-pula na talaga ako sa kahihiyan. Hiling ko nalang na sana hindi na kami magkitang muli.

"Where's my mom and my sister?" I said while rolling my eyes pa as if na hindi ako tinablan ng kahihiyan.

"Ibinilin ka nila sakin. In fact, dito ako natulog dahil ayaw akong pauwiin ng mommy mo dahil nag-aalala s'ya."

"Eh, ano naman ngayon ha?" Pa singhal kong sabi. "Asan ba sila?" Dugtong ko.

"Went out for a groceries. You know what, I hate ungrateful people." Sabi niya at kinuha ang kanyang jacket saka umalis. Aba't nagdrama.

Umakyat ako pabalik sa aking kwarto ng may matanggap akong tawag kay mommy.

"Farah, how's our guest?" Bungad na tanong ni mommy.

"I dunno." I lied. Mas priority n'ya pa ang bisita kaysa sakin? Wow lang.

"Umalis na ba?" Tanong na naman n'ya.

"Wala akong naabutan my. Sino ba?" I lied again.

"No, nevermind. Anyway, have you eaten your brunch?"

"No my. Sunog 'yong kanin at walang ulam."

"Oh, I forget to turn it off! Nagmamadali kasi ako. Jusko sayang iyong kanin." Sigurado akong sapo ni mommy ang noo n'ya nganon.

"It's okay my. I'll just order." Pinutol na namin ang tawag dahil marami pang bibilhin sina mommy at Tina sa wet market. Mommy likes to buy a lot when it comes to celebration. Gusto n'ya lahat ay bongga para sa amin dahil pasasalamat n'ya daw sa amin dahil hindi namin s'ya binigo. Medyo kinakabahan ako dahil sa mismong graduation ceremony ilalabas ang mga estudyanteng may awards. Mommy already invited our relatives at syempre sa side lang n'ya iyon. Hindi namin alam sa kay daddy pero okay lang.

Maliit lang ang pamilya namin kaya nagtataka ako kung bakit ang daming handa para bukas.

Dahil friday ngayon, naligo na ako't nagbihis dahil pupunta pa ako sa university para kunin ang toga gown namin. Excited na talaga akong maisuot 'yon. Five years kong pinaghirapang makuha 'yon at heto na. Bukas na bukas isusuot ko na. I am an accounting student and yeah, I love numbers.

"Frenny, kumusta 'yong hot papi?" Bungad ni Calvin. Ang haliparot talaga ang mokong ito.

"Anong hot papi na pinagsasabi mo?" I raised my brow and crossed my arms.

"Si Marco girl. Kagabi ko palang napagtanto na siya iyong sikat na model ng isang bachelor magazine. Jusko kaya pala ang gwapo!" Tumatalon-talon pa ang bakla na parang nagdadasal habang nakapikit.

"Anyway, daks ba o jutay?" At talagang nagtanong pa.

"Ano ba, walang nangyari sa amin no. Isa pa, bakit ba curious ka d'yan eh meron ka naman?" Nagtaas ako ng kilay.

"Che! Kaya ka ganyan dahil hindi pa na didiligan ang pechay mo. Baka sa sobrang uhaw n'yan ako pa ang—" hindi n'ya natapos dahil ang baliw parang nasusuka.

Natawa nalang ako sa kabaliwan ng isang ito. Actually si Calvin lang talaga ang totoo kong kaibigan at 'yong iba ay hindi ko alam. Sumasama lang naman ako sa kanila dahil kay Calvin. Pumunta ako saglit sa cafeteria dahil hindi pa ako nakakain. Nalimutan ko talagang mag order dahil sa pagmamadali.

Bumili ako ng combo meal. Iyong may rice, porkchop at tsaka gulay. I don't eat light foods. Gusto ko iyong palaging mabigat sa t'yan. Pagkatapos kong kumain, pumunta ako sa building namin at kinuha ang pinunta ko dito. Napag pasyahan kong mag muni-muni muna sa isang mall malapit sa school. Nakita ko ang naka display na necklace sa isang kilalang jewelry store. Tinignan ko ang presyo at hindi na masama. May ipon na kasi ako at gusto kong regaluhan sina mommy at Tina sa araw ng graduation ko. Pasasalamat sa mga kabutihang ginawa nila lalong-lalo na sa kanilang pagiging supportive. They are my only treasures and I love them very much.

Bumili ako ng tatlong piraso at parehas din kami ng pendant. Heart iyon na napapaligiran ng swavarski crystals. I know they'll be happy kapag naibigay ko ito.

The day na graduation ko na, my family are all there. Naka tanggap din ako ng award kaya tuwang-tuwa si mommy. I invited Calvin sa bahay at saglit lang s'ya dahil may celebration din sa kanila.

"Mommy I have a gift for you." Nilabas ko ang box na nasa likuran ko. "And also for you Tin." Pareho silang nagulat.

"This is expensive!" Gulat na sabi ni Tina.

"Yeah, it's Pandora with swavarski crystals! Where did you get the money?"

"My, easy ka lang. I saved all my allowance and matagal ko na po kayong gustong bilhan ng gift but palagi nalang po akong out of budget." Palagi nalang kasi akong gumagastos sa bar and the drinks there are quite expensive kaya ayun.

"It's a locket necklace. I already put our family picture in there." Sabi ko sabay taas din sa akin.

They both hugged me and everything went very well.

Lumipas ang isang buwan at hindi na ako masyadong gumagala dahil review ko na for my license and masyado akong tense. Ang taas ng expectation ko sa sarili ko kaya kailangan kong magpursigi.

"Frenny may night out kami ngayon. Join us." Nasa kabilang linya si Calvin.

"No. Review girl. Busy ako."

"Ay, masyado namang inspired baka ma top notcher ka n'yan hindi sa board kundi sa ka laos ng pechay. Che!" Pinutol ko na ang tawag. Nag focus nalang ako sa pag aaral.

Araw ng exams na at para akong lutang matapos kong masagutan lahat. Hindi ako sure. Naglalakad ako sa daan ng may ma bunggo ako.

"Are you blind ha!" Sigaw ko sa kanya while wipping myself dahil nabuhusan lang naman ako ng napakainit na kape.

"I'm sorry po ma'am. Nagmamadali po kasi ako dahil mainit ang ulo ng boss ko." He tapped his tissue on my shirt. Nagmamadali siya and his hands are shaking badly.

"Ano ba!" Sigaw ko na naman ng diinan n'ya pagpupunas. Inagaw ko sa kanya ang panyo at ako na ang nagpunas.

"Sorry po talaga ma'am." Hindi na ako nagsalita. Sobrang badtrip ko na talaga.

"Sabihin mo sa boss mo na hindi ganyan ang pamamalakad ng mga empleyado na para bang lahat nalang minamadali dahil sa mainit ang ulo n'ya. Gaano na ba katanda iyang boss mo ha? Anyway, ganyan talaga pagtumatanda na." Mahabang litanya ko dahil hindi na ako nakapagpigil.

"Ganoon na nga po ma'am." mapayuko s'ya at hinilot-hilot ang kamay.

"What did you just say?" Napatalon ako dahil may biglang nagsalita sa aking likuran. Baritonong boses na medyo pamilyar.

"Sir, tapos na po kayo?" Gulat na tanong ng lalaki.

"What did you just say Miss?" Iritadong tanong ng lalaki sa aking likuran. Nilingon ko s'ya at magtataray na sana ng mapagtanto ko kung sino s'ya. Umawang ang aking bibig at hindi ako nakapagsalita agad.

"I hate people who speak too loud." Iyon lang ang sinabi n'ya at sumakay na sa kotseng naka park malapit sa tinatayuan ko.

Ang kapal talaga.

Patches and BurntsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon