“Akong bahala sa’yo, tara na!” sabi nya -_-
“Saglit lang tayo ha!”
“Oo na.” mahina nyang sabi.
Nakahawak sya sa braso ko, sya yung walang pakundangang dumadagil sa mga dinaanan naming maraming sosyaleras
LIKE A BOSS …
Mainit yung kamay nya, natural dahil buhay sya! XP
Bakit papunta kaming parking lot?
“Sakay na.” sabi nya sakin?
“Bakit?” san naman ako dadalhin nito?
“Wag ka ng magtanong, saglit lang tayo.”
Pinagbuksan nya ko ng pinto at sumakay ako, kahit di ko naman alam kung san pupunta? Kinakabahan ako dito !
Nag dadrive na sya, tinitignan ko kung san kami pupunta, di nya naman kasi sinasabi!
Maya-maya nakikita kong hinihimas nya yung noo nya, tas papikit-pikit a sya.
“Huy, okay ka lang ?” tanong ko.
“Oo, okay lang ako.” Sagot nya naman? Pero parang hindi ako naniniwala eh!
Humarap ako sa daan O_O
“KYUNGSOO! MABABANGGA TAYO! YUNG PRENO!”
Mabuti at natapakan nya SH*T!
“ANU BA! KUNG MAGAPAKAMATAY KA, WAG MO KONG IDAMAY!”
TSK TSK.Grabe! Napaka reckless nya naman!
“Ssorry.. sorry na, hindi ko sinasadya!”
Nakita kong yumukod sya sa manibela at yung kamay nya nakataki sa mukha nya.
Galit ako sa kanya bwisit! Muntikan na kanina!
“Mag-drive ka na ulit oy.” Utos ko sa kanya. Alangang dito lang kami.
Bakit di sya nagsasalita?
Hinawakan ko yung kamay nya, ang init! Hindi lang dahil sa buhay sya, may lagnat tsong.
Tinatablan pala to ng sakit? LOL. Pinakiramdaman ko din yung leeg nya.
CONFIRMED. May sakit nga. =__=
“Tara tawagan natin parents mo ng maiuwi ka na.”
“Ayokong umuwi.” Anu daw? Nasisiraan na ba to? Bakit naman ayaw nya?
“May sakit ka kailangan mo ng pahinga oy.”
Kinukuha ko yung cp nya peor nagulat ako sa ginawa nya!
Binuksan nya yung bintana ng kotse tapos hinagis nya sa labas! Sakto may dumaang truck, ayun barag.
“Ang lakas din ng trip mo ano?Ngayon, san tayo hihingi ng tulong! San kita dadalhin!”
TSK, naiistress ako ng di oras!
“Sa hotel dyan, basta wag mo lang akong pauwiin samin.”
Anu daw, HOTEL? The HELL.
Kung wala lang talaga syang sakit, baka inisip ko na ba trip trip nya lang to -_-
“Eh pano ako? Paano ako uuwi, hindi ko kabisado itong lugar!”
“Samahan mo muna ako..” nakikita kong nanghihina na sya kaya di ko na kinulit.
Oh well.. tinulungan ko syang lumabas ng kotse nya, nakaakbay sya sakin habang inaalalayan ko sya