MiYoung’s POV
WHAT A GOOD MORNING >_<
Kai made my breakfast ^^ Ayiee♥
Good mood ako ngayon, sana lang walang manira. -_-
Oh well, just entered this noisy room again, ganun pa din chismisan kapag dumadating ako.
Kesyo makati, malandi at kung ano ano pa yung bansag nila sakin. Ewan ko sa kanila.
ABA. Nandito na si Kyungsoo.Hindi sya tulog.
Nilapag ko sa mesa yung bag ko. Nagtaka ako kung bakit sya tumayo at hinawakan yung upuan ko!
“Hoy, huwag mong kunin yung upuan ko.” Sabi ko sa kanya, nagsisimula na naman ata itong mang-inis eh!
“Hinila ko lang para makaupo ka. Sige na upo na.” sabi nya.
“Anong nakain mo.” Sarkastiko kong tanong sa kanya.
“Ayaw mo namang tanggapin yung sorry ko kaya eto, bumabawi ako sayo.”
“…” Wala na kong naisagot sa kanya.
Ewan ko dito, may sapi ba ito? Tinamaan na ng pagpapakabait -_-
Biruin mo ba naman nung nagrerecitation, sinasabi nya sakin yung sagot! Tapos nung essay binigyan nya ako ng papel! May exam namn kami mamaya, so nagrereview na ako.
Lumapit si SeoHyun kay Kyung, nangungulit na naman. Ang ingay nila -_-
“Bumalik ka na sa upuan mo Seohyun, dun ka na magreview!” Kyungsoo.
“Ayoko babe! Dito lang ako!” SeoHyun.
“Wag ka dito, nagrereview si Miyoung oh! Nakakaistorbo ka sa kanya! Pati na rin sakin!”
Aba’t dinamay pa ako? LOL Labas ako jan.
“Pakialam ko jan! Bitch naman yan eh.”
NAGPANTING YUNG TENGA KO SA SINABI NYA.
PERO NAGTITIMPI LANG TALAGA AKO TULAD NG DATI.
Sasabunutan ko to eh.
Leshe. Review na ulit.
“SHUT UP, SEOHYUN! BUMALIK KA NA NGA SA UPUAN MO SABI!”
Sigaw ni Kyung! Napatahimik naman si Seohyun at bumalik kaagad sa upuan nya. Inirapan pa nga ako ni Seohyun pero nginitian ko sya :P bleh buti nga.
Nung quiz, binigyan na naman ako ni Kyungsoo ng papel!, anu ba ‘to, may sarili kaya akong papel!?
Kulang na lang isulat nya rin pati mga sagot sa sobrang corny ng pagbawi nya LOL XD.
Uwian na :) Maaga kaming pinalabas dahil quiz lang.
Naupo muna ako dun sa bench at hinintay ko yung boyfriend ko hihihihi ♥
Maya-maya, may naglapat ng malamig na bagay sa pisngi ko!
“Hoy, anu ba.. Kyungsoo?” Inabutan nya ako ng inumin.
“Hinihintay mo sya?” Tanong nya. Kinuha ko naman yung inumin.
“Oo, ba’t ka naman nandito?”
Umupo sya sa tabi ko. Dumistansya naman ako ng konti, mahirap na.
“Gusto ko lang itanong kung galit ka pa rin sa’kin?”