KYUNGSOO’s POV
TSK. Pinagalitan lang ako ni Dad sa office nya.
“Dapat maging maayos ang pakikitungo mo sa kanya.” Dad.
“Bakit ko naman gagawin yun?” pag-angal ko kay Dad.
“Anak sya ng business partner natin, Si Mr.Kim , kaya huwag mo akong ipahiya Kyungsoo!”
Tss.Anu naman??
“Oo na tumigil na kayo.”Akala ko pa naman mapapatalsik ko na yung babaeng yun dito.
Kumuha muna ako ng inumin at uminom syempre.
“Hahaha,akala ko pa naman nagpapakilala kanina ng girlfriend mo kanina, anak, mas maganda sana kung sya nga ang girlfriend mo !” nasamid ako sa inumin bigla :I
“May gf ako,Dad..”
“Sino? Si Seohyun? Kalokohan, alam kong kunwari lang iyan.”
Ano? Pano naman nalaman yun ni Dad??
“Psh!Sige na , Dad,papasok na ako sa klase ko. ”
Bumalik na ako at nanahimik muna
Umiyak kasi yung babae kanina, sa sobrang badtrip…
Hindi ko naman akalain yun..
Uwian na, nakita ko si Sehun kausap yung babae,
Tas pag-alis nung babae, si Sese parang mapupunit yung labi sa sobrang pagkakangiti -__-
“Oy.” Sabi ko sa kanya.
“Uy, Pare!” Sehun, hawak ang cellphone.
“Ba’t ka masaya?”usiasa ko.
“Nakuha ko ang number nya!”Wow.
“Ayus ah..easy to get pala.”
“Sira! Ayaw pa nga nya ibigay kanina eh.. mabuti may idinahilan ako.”
“Anu namang idinahilan mo??”
“Secret!! Haha!!” Tas iniwan ako?? Ayus to ah!
*Ring ring*
May tumatawag sa akin.. Si Seohyun!! Teka, pano nito nakuha yung number ko???
“Hi babe!! Tara uwi na tayo!”
“Mauna ka na, kasama ko si Sehun!”
“Pero Bab---------”
Tas ibinaba ko na.Grabe lang huh -_- kinacareer na nyang landiin ako. Iww.
Hinabol ko si Sehun.
MIYOUNG’s POV
Papasok na ako sa school :)
Nagpractice na ko sa bahay ng assignment.
Haha!! Excited na ako sa gagawin!!!
Good Morning Miyoung, Sehun to. Wala namang binabalak na pantitrip si Kyungsoo sa iyo :)
Text to nung Sehun. Buti naman.
Pumasok na ako sa room andun na din yung teacher.
“Class, pupunta tayo sa T.H.E. room, magbabake tayo, pumili kayong partner ninyo.”
Eto na nga ba, dahil bago lang ako dito edi wala akong ka-close dito! -_-