2

8 1 0
                                    

“Ba't dala mo 'yang mga gamit mo? Magkasama tayong dalawa kanina bakit 'di mo sinabi kanina na balak mo magsleep over dito?” Agad kong tanong sa kaniya nang mabuksan ko ang pinto, tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, maayos naman siya. Sinilip ko ang bag na dala niya, bakit may baggage pa? Magi-stay ba siya rito ng ilang araw?

“Sana nga sleep over lang, pinalayas ako roon sa apartment na tinutuluyan ko.” Sambit niya, agad na kumunot ang noo ko, alam ko naman na magulo ang buhay nitong si Lyra. Pero bakit dumating sa punto na papalayasin siya ng tenant niya?

“Ano ba ang nangyari?” Tanong ko sa kaniya.

“Hello? 'Di mo ba muna ako papapasukin? Nangangalay na kaya ako.” Sambit niya. I rolled my eyes, buti na lang nasanay na ako sa ugali nito, kung 'di kakaladkarin ko 'to palabas ng condominium.

Tinulungan ko siya sa baggage na dala niya. Nang makaupo kami sa sofa ay agad ko siyang hinarap habang hinihintay ang kwento niya.

“Atat na atat sa chismis, beh?” Tanong niya na ikinatango ko, she rolled her eyes. “S'yempre alam mo naman ako, mahilig ako maguwi sa apartment namin. E, ang kupal nagnakaw pala ng laptop saka ng cellphone.” Kwento niya.

Napailing na lang ako.

“Sinabihan na kita, a? 'Di ka ba nakikinig? Mag motel ka sabi!” Inis kong sambit sa kaniya, kapag pumupunya ako sa kwarto niya halos amoy lalaki ang buong kwarto niya, 'yong basurahan niya puno ng condoms and used na.

“Walang bayad sa apartment ko. Ano? Magbabayad pa ako sa room para lang sa isang gabi?” Sambit niya. “Pero seryoso wala na akong matutuluyan, p'wede bang dito muna ako pansamantala? Swear, 'di ko sisirain loving-loving ninyo ni Christopher.” Sambit niya, imbis na maawa sa kalagayan niya parang mas gusto ko na lang siyang saktan e.

“Oo na, aayusin ko na lang muna 'yong magiging kwarto mo. Kumain ka na lang muna, mayroong noodles diyan. Wala pa kaming stocks, need ko pa hintayin si Toph.” Sambit ko. Tumango naman siya habang nililibot ang paningin sa apartment namin.

Napailing na lang ako saka pinalitan ng bedsheet at punda ang mga unan. Winalisan ko na rin ito saka idinisenfect. Maarte pa naman 'yon.

“Okay na kwarto mo—Toph, narito ka na pala.” Agad na baling ko kay Toph nang makita ko ito sa sala habang kausap si Lyra. Nilapit ko ito saka hinalikan sa labi.

“Nakakawala naman ng pagod, babe.” Sambit niya habang sinisiksik ang mukha niya sa leeg ko, he planted small kisses on my neck that made me giggled.

“Ahem!” Napatingin kami kay Lyra na halos masira na ang mukha dahil sa amin. Natawa ako nang malakas, 'di dahil sa kunwaring ubo niya kundi sa mukha niya.

“Ayusin mo nga 'yang mukha mo, Ly. Anyway, ayos na kwarto mo. Ayusin mo na rin mga gamit mo.” Sambit ko, tumayo naman siya saka pumanhik sa kwarto pero bago pa siya pumasok ay nag-gesture ito na para bang nasusuka na ikinahalakhak ko ulit.

Baliw.

“Babe, magstay raw muna rito si Ly. May problem lang sa apartment nila.” Sambit ko. Tumango naman siya habang nakasiksik pa rin ang ulo sa leeg ko.

“Babe, I want you now.” Bulong niya.

“Baliw ka, narito si Ly. Baka magreklamo 'yon dahil sa ingay natin.” Sambit ko pero agad niya akong niyakap nang mahigpit.

“We'll do it quickly and silently. Trust me.”

Just A MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon