5

5 1 0
                                    

“Nakakamiss naman si Lyra!” Sambit ko nang maabutan ko si Toph sa ala habang nanonood ng TV at busy sa pagscroll sa kaniyang cellphone.

“Yeah.” Sambit niya. I looked at him he looked troubled.

“May problem ba, babe? Hectic schedule?” Tanong ko sa kaniya, imbis na sagutin ako ay tumango lang siya.

Agad kong inilabas ang laptop ko. “Babe, magbakasyon naman tayo. Nang makalanghap naman tayo ng sariwang hangin.” Sambit ko. I looked for the places na magugustuhan ni Toph. I know pagod siya palagi, so I want him to refresh his mind for awhile.

“Sure.” Sagot niya, 'di man lang ako tinatapunan ng tingin.

“Saan ba maganda, babe? Mag beach na lang ba tayo? Or?” Tanong ko.

“Ikaw bahala, babe.” Sambit niya.

I bit my lower lip. “Sa Palawan or sa Laguna na lang?” Tanong ko ulit.

“Ikaw bahala—”

“Nakakapagod ka naman, Christopher!” I raised my voice. He looked at me, suprised. “Nakakasawa ka namang intindihin, lahat ginagawa ko. Wala ka bang balak maglaan ng oras para sa'tin?” Sambit ko.

“Pagod ako, Almira.” Sagot niya.

“Ako na lang ba lagi magwo-workout ng relationship natin?” I chuckled bitterly. “Pagod din naman ako, Toph. Pero nakakasawa na kase. Ikaw lang ba lagi kong iintindihin? Intindihin mo rin side ko. Ginagawa ko lahat para kahit papaano may time ako sa'yo kahit na pagod ako galing trabaho.” Tears started to fall down onto my cheeks.

“Kung ganito na lang din pala tayo palagi. Mas mabuti nang maghiwalay na lang tayo.”

Just A MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon