Chapter 1.
"I've heard the news about the Guillieaes' latest business, grabe talaga ang kakayahan ng pamilyang 'yon sa business 'no? No doubt that they are so powerful when it comes to business."
Isa iyon sa mga naririnig ko habang nakasakay sa jeep papunta sa kabilang bayan upang bilhin ang pinapabili ni Mama para sa darating na party ng mga Guillieaes sa susunod ng linggo.
Hangang dito ay laganap ang pag-uusap tungkol sa pagbubukas ng panibagong pinto ng mga Guillieaes patungkol sa pagpapatayo ng paggawaan ng mga accessories at damit na siyang pangunahing trabaho ng mga taga sa amin.
Our place is surrounded by water at malaki ang taniman ng pinya ng mga Guillieaes at pamilya Olliveros kaya hindi na ako magtataka kung pati ganong business ay pasukin nila.
"I've heard na para sa bunsong anak daw nila 'yon, fashion designing kasi ang kinuha sa Europe!"
"Grabe naman, pagka-uwi niya agad kilala na ang brand niya. I wish I was born a Guillieaes, imagine they have everything!"
Pumara na ako bago pa lumagpas ang driver sa shop na pupuntahan ko. I took my umbrella and opened it, marahan kong hinila ang bag ko saka iyon linagay sa harapan.
I started to walk and took a glimpse on the small paper I was holding, the list of things I have to buy were written on it.
Hindi mainit ngayon, June na kasi kaya tag-ulan na. Hindi ko lang alam kung bakit nataon ngayon ang yearly celebration ng mga Guillieaes, samantalang kadalasang July kung ganapin ang handaan.
Hindi ko napigilan na pagmasdan ang paligid habang aligaga ang ilan na tumakbo para sumilong. Buti nalang at may mga waiting shed na pwedeng silungan para hindi sila mabasa.
It's still morning but the sky was already dark, palakas na rin ng palakas ang patak ng ulan.
Sinasayaw ng hangin ang nagtataasang puno habang ang ilang mga tindera naman ay nagliligpit na ng kanya-kanya nilang mga paninda.
Pumasok ako sa isang shop saka hinanap lahat ang kailangan. Ilang minuto rin ang ginugol ko para mabili ang lahat bago binayaran ng eksaktong halaga.
Kinuha ko pa ang isang papel kung saan isasabay ko na ang pagbili ng mga gamit na kailangan ko para sa susunod na semester. Mahirap na baka magkasabay-sabay ang gastusin.
I walked inside a med supply shop, I bought hair cap, latex hand gloves, tubes for phleb, slides, and the other necessities for my course. I'm currently a third year student, next school year ay intern na ako.
"Long po ba o short?" Tanong ng tindera para sa folder na binibili ko sa kabilang shop.
"Long po." I need it sa tuwing may quiz, I also bought coloring materials dahil narinig ko sa seniors namin na may pa drawing sa subject na mycology and virology.
Hinintay ko siyang iplastik ang lahat bago magbayad at lisanin na ang lugar na iyon.
Palakas ng palakas ang ulan kaya medyo binibilisan ko na ang paglalakad. Wala na din halos mga sasakyan ang dumadaan, marahil malaki ang tubig sa may main road.
Pumara ako ng tricycle saka nagpahatid sa may sakayan ng jeep, though mas matatagalan dito mas mahihirapan naman akong sumakay sa kaninang binabaan ko. Baka tumirik lang ang mata ko sa kahihintay.
Tahimik ako sa gilid habang bitbit lahat ng mga pinamili ko. There's no table where I can put my things, hindi naman pwedeng ibaba dahil paper bag ang balot nito.
Nang may dumating na jeep, una akong sumakay saka lumugar sa may gilid kung saan walang gaanong makakapansin sakin. I am patiently waiting patiently hangang mapuno ang sasakyan habang tinatanggap ang iilang mga tingin ng mga kasabayan ko.
BINABASA MO ANG
Unconscious Love (Under Revision)
RomanceLoving someone is never easy, iyon ang laging nasa isipan ni Hurt simula nang mag-dalaga siya. Kaya kahit ano pang gawin ng panganay ng mga amo niyang Guillieaes na si Yvans sakanya ay puro pagtataboy lang ang alam nitong gawin. She always push him...