Chapter 3

1K 41 0
                                    

Chapter 3.

"Hindi ako pupunta." Iyon ang huli kong sagot kay Angie nang puntahan niya ako sa bahay.

She bid her goodbye after that and left our house, pinasabi ko nalang sakanya ang dahilan ko kay Mama dahil sa kagustuhan kong manatili sa bahay kaisa pumunta sa Mansion ng mga Guillieaes para sa welcome party para kay Yvans.

And speaking of Yvans, he left at three o'clock in the afternoon when Donya Rebecca called him through phone.

Malaki ang pagpapasalamat ko sa Donya at pina-uwi niya ang anak niya dahil kung hindi baka napatay ko na ang panganay nila dahil sa kakalapit nito sakin.

I thought he will stop after gardening our crops pero hindi, he forced me to talk to him kahit na ayaw ko.

Buong oras na nandito siya sa bahay ay salubong ang kilay ko. Sa lahat ng segundo ay nakatingin siya sa bawat ginagawa ko.

I locked all the windows and our main gate bago isinarado ang pintuan.

Alam kong sa Mansion na ng mga Guillieaes magpapalipas ng gabi si Mama kaya hindi na ako nag-abala pang matulog sa sala para hintayin siya.

Nakagawian niya na kasi iyon dahil hindi narin siya pinauuwi ng mga Guillieaeas dahil delikado na sa daan.

I was awaken by a loud sound coming from outside. Alam kong hindi si Mama iyon dahil hindi naman siya ganon kung kumatok.

Isang tao lang ang kilala kong ganon kung manggising, and that's Angie.

When I opened the door, I was right. It was my best friend wearing green lace dress paired with white pumps.

Ngumiwi siya nang makita niya ang suot kong damit saka maarte niya akong binungo saka pumasok sa bahay.

Dumeretso siya agad sa kwarto ko at nakasunod ako sakanya habang hinahalungkat niya ang mga damit ko.

"Yung dress na regalo ko sayo nung birthday mo nasaan?" She asked.

Inayos ko ang magulo kong buhok habang nakatakip ang isa kong kamay sa aking bibig.

"Anong gagawin mo doon?"

"Just tell me!" Saad niya.

Nawiwirduhan kong itunuro ang cabinet na nasa dulo saka hinayaan siyang gawin ang gusto niya.

"Ang aga-aga, Angie. Ano bang gagawin mo talaga at nakabihis ka ng ganyan?"

She gave me a quick glance before she opened the cabinet, agad niyang nakita ang sky blue backless dress.

"We'll go to to Aguantes."

"Nang ganya ang suot?" Gulat kong tanong, napamaang ako.

Ngumisi siya saka ako linapitan at tinulak palabas ng kwarto papunta sa banyo. Hindi ako makapaniwala sa trip niya ngayong umaga.

"May dala akong swimsuits para sa ating dalawa. Palabas lang ang dress na 'to para hindi magtanong sila Kuya Tan kung saan tayo pupunta." She pushed me inside our bathroom.

"And, galing na ako sa Mansion ng mga Guillieaes before I headed here, I already talked to Tita Almira and napagpa-alam na kita bago sila pumunta sa kabilang bayan kasama si Donya Rebecca."

"Anong..." Seryoso ba siya? "Angie, sana sinabi mo kagabi ang plano mo hindi yung biglaan---"

Malakas niyang sinarado ang pintuan ng banyo saka kinatok ang pinto ng tatlong beses.

"Naghihintay na sila Ate sa Aguantes." Sigaw niya mula sa labas at hindi na pinansin ang sinabi ko.

"Ano bang gagawin natin sa Aguantes at kailangan pang sa ganitong araw pumunta?" Unti-unti ko ng inalis ang damit ko kahit na ayaw kong sumama kay Angie sa lakad niya. "At ayaw kong magsuot ng swimsuit!"

Unconscious Love (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon