Chapter 33

7.9K 174 43
                                    

Chapter 33: Back To Home

Naomi Trinidad P.O.V.

LUMABAS na ako sa cr nang naka sando at maikling short habang nagpupunas ng aking buhok. Wala akong nadatnan na Jake pagkalabas na pagkalabas ko.

Baka pumunta na naman sa Mica niya? Ginagamit niya ba talaga ako? Pampalipas oras ganon?! 

Inis na umupo na lang ako sa kama at pinagpatuloy ang pagpupunas ng buhok. Baka mamaya talaga na kay Mica na naman siya? Anong gagawin ko? Baka naman sinunod niya lang ang utos ko na lumabas siya? Aish!

Nakarinig ako ng tunog na pagbukas ng pinto kaya naman nilingon ko ito. Napangiti ako nang makita kung sino iyon. Bagong ligo suot ay kulay blue na shirt at maong pants na hanggang tuhod lang.

Hmp! Magtatampo na sana ako eh! kaso 'wag na lang pala tinamad ako bigla.

“Oh! Nakita mo lang ang gwapo mong asawa napangiti ka na. Kaya ayaw kong pinapakita ang kagwapuhan ko eh.” pagmamayabang niya habang lumalapit sa akin. Hmp! Kailangan ko nang kumapit, ang lakas ng hangin eh!

Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang pagpunas ng buhok. Umupo naman siya sa tabi ko at dinampian ng halik ang braso ko. Bakit sa braso lang?!

“Mamaya na ang uwi natin pagkatapos ng breakfast.” aniya. Tumango nalang ako namg hindi siya tinitignan. Niyakap niya ako kahit nakatagilid ako sakaniya at pinaghahalikan ang braso. Anyare dito? 

“Kain na tayo? O magkainan tayo?” eh? Mes bet ke yeng pengelewe hehe. Naomi bad! Siniko ko siya sa tiyan pero mahina lang. Ganiyan ako kiligin dapat nga pugot ulo kaso wag na lang, nakakahiya haha. 

“Mauna ka na, sunod na lang ako.” sagot ko. Ngumiti naman siya nang pagkalaki-laki kaya takang tumingin ako dito. Ano na naman ang nangyayari sa kaniya? 

“Unahan ko na ba? Sige hehe.” aniya at bigla na lang akong hiniga. Sinasabi ko na eh puro kabalastugan na lang ang nasa isip neto eh!

“Ano ba?! Wala ka talagang pinipiling oras sa pagkamanyak mo eh no?” Pang aasar ko. Ngumisi lang siya at hinalikan ako. Pumikit ako at tumugon sa halik niya. Ipinulupot ko ang aking kamay sa batok nito. 

Bigla na lang niyang itinigil ang ginagawa namin at tumingin sa akin ng nakakaloko. Oh ano na naman?! Aish! 

“Bakit ka tumugon? Gusto mo rin naman haha.” pang aasar niya. Inis na itinulak ko siya at tumayo na. Napilitan lang kaya ako diba?

“Ewan sayo! Mauna na nga ako!” Aniko at lumabas na ng kwarto. Naramdaman ko namang sumunod siya saakin hanggang sa nakapasok na kami sa elevator. 

Maraming tao sa elevator kaya nakisiksik kami at napunta sa likuran. Naramdaman ko na lang bigla ang kamay ni Jake sa pwetan ko. Tinignan ko siya ng masama pero ang loko kumagat labi pa na parang nang aakit.

Akala niya maaakit niya ako? Siguro konti lang hehe. 

Hinayaan ko na lang siya na lamutakin ang pwetan ko. Maya-maya ay tumigil na siya sa kaniyang ginagawa ng bumukas na ang elevator. Naglakad na kami papuntang dining area at nakitang nandoon na silang lahat.

“Ano ba Kiel?! Doon ka nga, nakakaloka ka grr.” maarteng sabi ni Mica kay Kiel. Nadatnan namin na inaaway nitong Mica na 'to si Kiel na halatang naguguluhan sa sinabi ni Mica. Anong nangyari sa dalawang ito? 

“Bakit? Ano bang ginawa ko sayo?” Takang tanong sakaniya ni Kiel. Tinarayan lang siya ni Mica at bumaling na sa amin este kay Jake lang pala. 

“Goodmorning mahlabs! Maupo ka dito sa tabi ko.” nakangiting sabi ni Mica kay Jake. Napayuko na lang ako. Hindi ko na naman siya makakatabi lagi na lang yang Mica niya ang inuuna niya hmp! 

“Baka magalit ang Naomi ko eh.” napatingin agad ako kay Jake ng sabihin niya iyon. Buti nalang at kaming tatlo lang ang nakarinig nung sinabi niya. Kasi busy lahat ng kaibigan ni Kiel sa pagkuha ng mga pagkain pati na rin si Kiel. 

“Naomi mo? Dzuh! Why naman yan magagalit?! Pagmamay ari ka ba niyang chaka na 'yan?” Aba?! Ako pa ang naging chaka ah! Ipalamon ko sa kaniya kagandahan ko eh, tutal mukha naman siyang nakain ng tao. Joke! Haha.

“Actually ye-“ hindi na pinatapos pa ni Mica sa pagsasalita si Jake at hinila na ito papaupo sa tabi niya. Malandede talaga hmp!

“Eto mahlabs oh alam kong paborito mo ito.” nakangiting inilagay ni Mica ang hipon sa platito ni Jake. Tumingin naman sa akin si Jake pero inirapan ko lang siya. Magsama sila hmp! 

Luminga-linga ako para maghanap ng mauupuan kaso wala na. Kung minamalas ka nga naman oh! Nagulat ako nang hatakin ni Jake ang kamay ko at inupo ako sa hita niya. 

Iniyakap niya ang isa niyang kamay sa bewang ko at ang isa naman ay ginamit niya sa pagkuha ng paborito kong adobo at inilagay iyon sa plato niya. 

“Jake?! Bakit diyan mo ’yan pinaupo? Yuck! Ang sagwa! Pwedeng me na lang ang umupo sa lap mo at here na lang yang chaka na 'yan sa upuan ko eh.” saad ni Mica.

Yuck daw amp! Inggitera! 

“Kumain ka na lang diyan.” sagot sa kaniya ni Jake at sinubuan ako ng kanin na may sabay ng adobo. Eng shweet nemen ng esewe ke hehe. 

“Tss!” Tanging nasabi na lang ni Mica at pinagpatuloy ang pagkain nang padabog. May saltik ba 'to sa utak?

“Good morning, Naomi.” nakangiting bati saakin ni Kiel. Tinanguan ko naman siya nang nakangiti rin. 

Hindi na nag abalang tanungin ng mga kasamahan namin kung bakit ganito kami ni Jake. Siguro dala na rin ng bagong gising?

“Huwag ka ngang ngumiti riyan!” Napatawa naman ako sa sinabi ni Jake. Anong masama sa pagngiti aber? Tsk. 

Nandito na kami sa bahay. Pagod na humiga ako sa sofa at pumikit. Grabe nakakapagod bumyahe. 

“Bumangon ka na diyan, babaita! Ipagluto mo ako ng masarap na Naomi nagutom ako sa byahe eh.” sinamaan ko lang siya ng tingin at pumikit ulit. 

Naramdaman ko ang biglang halik nito sa hita ko. Hindi na kasi ako nagpalit ng damit kaya eto pa rin ang damit ko. 

“Jake!” Saway ko sa kaniya. Narinig ko namang tumawa siya. Anong nakakatawa ro'n?

“Parang Naomi lang eh, ang damot! Sige hipon na lang iluto mo.” hindi ko siya pinansin dahil unti-unti ng bumibigat ang talukap ng mata ko.

“NAOMI!!!” Agad akong napabangon dahil sa pagsigaw niya sa akin. Inis na tinignan ko ang Jake na tawang tawa. Dahil siguro ang epic ng mukha ko kanina! Hmp! 

“Masasapak kita, lumayas ka sa harapan ko.” Aniko. Nakita kong napalunok siya at hinalikan muna ako bago tumakbo patungong kusina.

“Ako na pala magluluto hehe.” rinig kong sabi nito habang natakbo.

GoodDog! 

Sino ba kasi dyan ang nanggigising sa Naomi ko?! Ha?! Lumabas kayo ryan suntukan oh!dinig kong sabi nito sa kusina. Inaamok non?

Alam niyong ayaw na ayaw ng Naomi ko ginigising pag pagod eh." Ayaw pa rin paawat oh. Ang ingay eh!

“Abangan ko talaga sa gate yang kung sino mang nanggigising sa Naomi ko."

Hays siraulo...

My Maniac Gay BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon