Chapter 39

6.1K 147 2
                                    

Chapter 39: Gawin ang dapat gawin

Naomi Trinidad P.O.V.

“A-AYOKO yata?” naguguluhan kong sagot sakaniya. Landiin si Jake sa harap ng Micang yun? Baka kung ano pang mangyari eh.

“Ano bang kinakatakot mo? Eh asawa ka naman duh!” grabe naman to, takot agad? Inaano ko lang naman yung mangyayari eh. Pero? Aish! 

“Sige na nga,” pag sang-ayon ko at tumayo na. Tumayo na rin siya at pinat ng dalawang beses ang balikat ko bago siya mag laho na parang bula, charot. 

Huminga ako ng malalim bago humakbang papunta sa kinaroroonan nila Jake. Habang nahakbang ako ay dinig na dinig ko na dito ang megaphone este ang boses ni Mica. 

“Kailan tayo mag da-date mahlabs?” dinig kong tanong ni Mica kay Jake. Huminto ako sa paghakbang at hinintay ang isasagot sakaniya ni Jake.

Mag da-date sila? Kailangan ko na itong unahang malandi na ’to! 

“Hubby!” malambing pero pasigaw na tawag ko kay Jake. Akala mong malandi ka mauunahan mo 'ko? Tsk. Napatingin naman silang tatlo saakin, nagtataka. Maliban kay Malyah na nakangiti. 

“Hubby? May hubby ka ba? Ha ha ha nakakatawa ka girl,” mapang asar na sambit ni Mica at tumawa. Ngumiti ako sakaniya at lumapit kay Jake at umupo sa lap nito. Mukhang nagulat naman si Jake sa ginawa ko. 

“Hoy bruha! Lumayas ka nga sakaniya! Malandi ka!” naiirita niyang utos. Mairita ka lang haha di pa ako tapos. Pinulupot ko ang aking kamay sa leeg ni Jake at ipinatong ko ang ulo ko sa balikat nito. 

“Hubby nagugutom na ako,” malambing kong ani at tumingin kay Mica na nang aasar. Masamang tingin naman ang iginanti niya saakin. Galet na galet haha. 

“Tell me Jake, mag jowa na ba kayong dalawa?!” inis na tanong ni Mica pero hindi pa rin tiinatanggal ang masasama niyang tingin sakin. 

“Nope,” agarang sagot sakaniya ni Jake. Gusto kong umiyak dahil sa pagsasawalang bahala niyang sagot. Eto na’nga ba sinasabi ko eh, masama ang mangyayari. Ngumiti naman nang pagkalaki laki si Mica. 

Aalisin ko na sana ang ulo ko sa balikat ni Jake nang bigla niya itong ibalik gamit ang kanan niyang kamay. Hinagod niya ang buhok ko at naramdaman kong hinalikan niya iyon. 

“Because she’s my wife,” dugtong ni Jake na nagpa kunot ng noo ni Mica. Hehe kenekeleg eke Jeke enebe? Inis na tumayo si Mica at nag cross arm. 

“Totoo?” hindi makapaniwala niyang tanong. Kakasabi lang girl! Gigil moko? Ngudngod kita sa sahig eh.

“Yes,” sagot sakaniya ni Jake. Ekey mehehemetey eke se keleg hehe. 

“W-What the?! Hindi pa tayo tapos Naomi! Alis na ko!” Inis siyang naglakad papaalis at nilakasan pa ang pag sarado ng pintuan. Galet talaga siya haha. 

1 point for you, Naomi. Hahahahaha.

“Alis na rin ako Naomi, ano kase tumawag yung mama ko may iuutos hehe. Mauna na ako, gawin niyo na ang dapat gawin bye.” mapang asar niyang sabi at takbong umalis. 

“Malyah!” tawag ko sakaniya pero ang gaga mapang asar na tumawa lang. 

“Gawin na daw natin ang dapat gawin,” malambing na saad ni Jake at inamoy amoy yung leeg ko. Eto na naman po siya, sinasaniban na naman siya ng manyak na espirito.

“M-Magtigil ka Jake!” saway ko sakaniya. Pero gusto ko rin yata gawin yung dapat gawin ah? Aish Naomi! 

“Halika na,” aniya at binuhat ako na parang bagong kasal.

Wahhh gusto ko 'to! 

My Maniac Gay BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon