Chapter 35

8K 176 53
                                    

Chapter 35: Jeep

Naomi Trinidad P.O.V.

KASALUKUYAN kaming naka sakay ngayon sa kotse ni Jake. Ngayon na kasi ang araw na mag gro-grocery kami. 

“Doon tayo sa mall?” Napairap na lang ako sa tanong niya. Malamang! Malapit lang naman yung mall dito eh, saan niya ba gustong mag grocery?

“Oo.” sagot ko na lang. Ayoko munang makipagtalo ngayon, nakaka bored. Takang tinignan ko si Jake. Dahil bigla nalang huminto ang sasakyan.

“Bakit mo hininto?” Ano na namang problema niya? Nasa gilid kami ng kalsada. Nasa kalagitnaan na ng daan na ito ang mall. 

“N-Nawalan ata ng gas?” Grabe naman! Hindi niya ba pinagasan to? Syempre Naomi! Kaya nga nawalan ng gas diba?! 

Aish! Inis na bumaba na lang ako. Nakita ko naman siyang kakamot-kamot ng ulo habang nababa sa kotse niya. 

May tinawagan si Jake na sa tingin ko ay ipapakuha niya ang kotse niya dito sa driver nila galing don sa mansion ng pamilya niya. Naririnig ko.

“Ano nang gagawin natin ngayon?” Tanong niya matapos ibaba ang cellphone nito. Kasalanan niya to eh! Kabadtrip naman oh! Bigla na lang akong may nakitang mga jeep.

Napangiti ako sa naisip ko. Noong bata pa ako, lagi kaming nasakay ni nanay sa mga jeep. Kaya naman basic na lang to sakin hehe.

“Mag jeep tayo.” aniko. Tinaas ko ang aking kamay para pumara. Ganto kasi nun si nanay eh. 

“Kuya para!” Sigaw ko. Isa din yang nalaman ko sa aking ina. Huminto naman yung jeep. Tinanong ko ito kung daretso ba sa mall, tumango naman si manong. 

Kaya hinila ko na si Jake papasok sa jeep. Naghanap ako ng mauupuan dahil sobrang siksikan talaga dito. Umupo na ako nang may mahanap na at umupo naman sa tabi ko si Jake. Nasa gitna kami ng upuan kaya may pasahero sa gilid ko at gilid niya. 

“Ang sikip naman dito!” Pag aangal ni Jake. Pinandilatan ko siya ng mata. Ang lakas kasi ng boses eh. Sabi kasi saakin ni nanay noon, huwag daw maingay kapag nasa jeep. 

“Kuya bayad po.” saad ng pangalawa sa tabi ni Jake. Inirapan siya ni Jake at nag cross arm. 

“Mukha ba akong driver?! Duh! Doon ka sa driver magbayad!” Singhal niya sa babaeng sa tingin ko'y nasa 20 na. Halata namang nagpipigil ng mga tawa ang mga nakasakay dito. Mygad nakakahiya!

“Iaabot mo lang naman eh! Gwapo gwapo ang sungit sungit.” Angal naman ng babae. Aba! Pinapagalitan niya ba si Jake?! Pigilan niyo ko! Masasabunutan ko 'to! 

“Iabot mo sa iba! Sasakay-sakay ka dito pero hindi ka marunong mag-abot ng bayad sa driver! Tamad!” sagot ni Jake at humarap na saakin. Hindi na umimik yung babae at inabot sa iba yung bayad niya. Oo nga pala! Kailangang magbayad dito.

“Uy Jake! Kailangan nating magbayad, akin na ang pambayad dali” sabi ko at nilahad ang kamay sa harap niya. May dinukot naman siya sa wallet nito at binigay saakin ang kaniyang atm. Ganito ba ang pinambabayad? Nakalimutan ko. Kinuha ko na lang ito. Eto nga yata. 

“Kuya bayad po!” Aniko at inabot sakaniya ang atm. Nagtawanan na naman bigla ang mga pasahero dito. Anong nakakatawa? Mga baliw siguro sila. Tsk kawawa. 

“Miss, hindi atm ang pambayad dito.” ani kuyang driver. Ibinalik ko ang atm kay Jake. Ano bang pambayad dito? Nakalimutan ko kasi eh!

“Barya lang po sa umaga.” dugtong pa ni kuyang driver.

Eh? “Anong barya?” Takang tanong saakin ni Jake. Candy ba iyon?

“Hindi ko rin alam eh, ano ba 'yon?” Sagot ko. Kasalanan to ni Jake eh! Sinanay niya ako sa pagiging mayaman niya! 

“Oh, eto nalang ibigay mo. Daming arte!” Ani Jake at inabot sa akin ang isang libo. Barya ba 'to? Aish! Barya nga yata ito. 

“Eto kuya oh.” abot ko sakaniya ng isang libo. 

“Barya, yung ganito oh!” Ay galet na galet? Ustong manaket? Ipinakita niya saakin ang bilog na parang silver at may gold sa gitna.

Ah! Yan pala yung barya! Meron ako niyan dito hehe. Binalik ko kay Jake yung isang libo. Inis naman niyang kinuha ito. Siguro badtrip na siya haha. 

Kinuha ko saaking wallet yung dalawang ‘barya’ at inabot sakaniya ito. May binalik siya saakin na maliliit na barya. Bakit apat na ito? Dalawa lang yung kanina ah? Inilagay ko na lang ito sa wallet ko at umupo na ng maayos. Yumakap saakin si Jake at pinatong ang kaniyang baba sa balikat ko. 

“Anong problema?” Tanong ko sakaniya. Sumimangot naman siya at hinigpitan ang pagyakap sa akin. 

“Juice ko, lampo!” 

“Mga batang ito oh.”

“Lalande.” 

“Sana all.” 

Biglaang komento ng mga pasahero dito. Ano na namang problema nila? mabubugbog ko 'tong mga to eh.

“Ang init dito. Wala bang aircon dito? Ang baho pa ng usok maygad!” Pag iinarte niya. Pinitik ko naman ang noo niya. Napa pout naman siya sa ginawa ko.

“Ikaw may kasalanan nito eh!” siya naman talaga kasi may kasalanan! Hmp! 

“Sa susunod magpapa gas na ako oras-oras! Ayoko ng maubusan ng gas! Kalerki dito!” Grabe naman yung oras-oras haha.

“Ewan sayo!”

My Maniac Gay BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon