Sinigurado kong matibay ang pagkakatali nang kumot sa isat isa bago ko maingat na inihakbang ang mga paa ko sa bintana na aking bababaan.
Sakto ang plano ko ngayon para sa oras na ito.Madilim na ang paligid dahilan para hindi ako masyadong makita.Isama pa ang kulay itim kong suot at talukbong.
Dahan-dahan akong bumaba .Binilisan ko Ang bawat kilos ko.Pero maingat upang di gumawa nang kahit na anong ingay.
'I can do this'"Roman hindi ba pwedeng itigil ang kasal"napatigil ako nang marinig ang boses ni Ina.
Saka ko lang napagtanto na nasa tapat ako ng bintana nang silid nang akin mga magulang.Tinotoo nga talaga ni ina na kakausapin Niya si ama.
"Alam mo naman na hindi umatras sa salita ang isang amorpous."napaikot ang mata ko sa katagang sinabi ni ama.
Of course dignity first before anything else.I should used to that.Parang di na ako nasanay.
Pinagpatuloy ko na ang pagbaba ko,baka makita pa nila ako.Wala akong balak magpahuli _not now-not-ever.
Dumaan ako sa likod nang palasyo.Medyo may katagalan bago ako makarating doon dahil sa mga bantay.Hanggat maaari iniiwasan ko ang mga Ito.
Hindi ko maiwasang Ang sarili Kong hindi kabahan.Ito Ang kauna-unahang sinubukan kong lumabas nang palasyo.
For all those years I was a dilicate princess following every rules and tying not to make mistake.But here I am.The one who's breaking the rule , because I don't want to make the biggest mistake of my life.daig ko pa Ang preso sa pag-takas.
Kabado man ay nagawa kong buksan ang pinto ng lagusan palabas.Tanging ako at ang kapatid ko lamang ang nakakaalam nito.Ang Lolo pa namin ang nagturo nito sa amin.
Paglabas ko nang pinto ay agad na bumungad sa akin Ang malawak na lupain.Alam ko ang lupaing ito.Madalas kami ditong mangabayo,madalas ding dito ako nagsasanay.
Agad kong inilinga ang paligid baka sakaling may bantay.Napalingon ako nang may maramdaman akong dumaan na anino.
Biglang bumilis ang tibok nang puso ko dahil sa kaba pero agad ding nawala nang makita ko ang isang kabayo.
Sinong nag-iwan nito rito?.Alam kong mahigpit na ipinagbabawal ni Ama ang iwanan ang kabayo kung saan saan.Aside from us.he treat the horse like his children.Buti nga di pa kami nagseselos sa kabayo ehh.
Binalewala ko ang iniisip ko,ang mahalaga ay may masasakyan ako.Himdi maaring maglakad lang ako dahil paniguradong malayo iyon.At ilang saglit na lang siguradong may nakakaalam nang wala ako sa palasyo.May mata pa naman sa lahat nang lugar ang hari.
Dali Dali akong sumakay dito dala ang mga gamit na dinala ko.
Sa huling pagkakataon ay tumingin akong muli sa aming palasyo.
"Ama,Ina,kapatid patawad.Alam kong hindi ninyo magugustuhan ang aking ginawa ngunit ito na lamang ang tanging paraan ko para hindi mangyari ang gusto niyo.Babalik ako pangako,pag handa ko nang harapin ang responsibilidad ko bilang prinsesa"
Mas lalo ko pang binilisan Ang pagpapatakbo nang kabayo.
***
Nakarating ako sa bayan.Maraming tao rito at nakapalibot ang mga tindahan na kung saan ka man magpunta ay naroroon.
Nag-libot ako sa buong bayan kahit na di ko pa alam Ang pasikot-sikot,nagtanong na lang ako sa bawat madadaanan ko
Nais ko munang bumili ng aking mga gagamitin bilang isang simpleng naninirahan sa lupaing ito..Mabuti na lamang at nagdala ako ng 10 pirasong ginto at pilak kaya may pambili ako sa mga nais kong bilhin.Idagdag pa ang pinagbilhan ng kabayo na sampong gintong salapi.
Sana lang hindi magalit si ama pag nalaman niya ito.
YOU ARE READING
The Runaway Princess
Fiksi UmumSi Mia Zaiah Amorpous ay ang prinsesa ng kahariang Amoros,ang pinakakilala,at tanyag na kaharian sila Ang nangunguna Sa lahat ng kaharian.Itinakda siyang ikasal Sa di niya nakikilalang prinsipe.Tutol siya Sa planong iyon ngunit wala siyang magawa...