-Wella POV-
Dahan-dahan kong minumulat ang aking mga mata, habang nararamdaman ko naman ang sakit sa aking katawan.
Agad namang bumungad sa aking paningin ang purong puti sa aking paligid.
What happened?
Nasa hospital ba ako?
Argh! Bakit?
Why ako nakahiga rito sa bed?
Why ako narito?
Why masakit ang body ko?
Baki-----
"Gising ka na pala." napalingon ako sa taong nagsalita.
Agad namang kumunot ang aking noo nang nakita ko ang mukha ni Benedicto!
"Ahhhhh!" sigaw ko, nang maramdaman ko ang pananakit ng aking pwet at likuran. Kaya naman nanatili nalang akong nakahiga rito sa kamang kinahihigaan ko.
Fudge!
Pumalakpak naman siya, "Ang galing mo namang umungol." sambit niya, habang siya ay naglalakad palapit sa akin.
"Anong nangyari sa akin? As long as I remember, you kiss---- Oh no!" napatakip naman ako sa aking bibig gamit ang dalawa kong palad.
"Uhhh." Lumapit naman siya sa akin, tsaka umupo sa aking kinahihigaan ngayon.
"Akala ko nakalimutan mo na ang paghalik ko sa'yo. Buti nalang talaga at ginalingan ko, kaya ngayon ay nakatatak pa rin sa iyong isipan. Gano'n ako kagaling Miss Laitera."
Kunot noo ako habang hinahampas ko siya sa kaniyang braso upang umalis sa kinahihigaan ko.
"Umalis ka nga! You're so nakakainis! Like ghad! Umalis ka na lang sa front ko, nang gigigil ako sa'yo!"
Hinawakan naman niya ang aking dalawang kamay. Mahigpit ang pagkakahawak niya, buti nalang at hindi magaspang ang kaniyang palad.
"Dami mo pangsinabi! Sabihin mo nalang na nasarapan ka sa paghalik ko sa'yo. Gusto mo isa pa?"
"Yucks!" Umakto naman ako na parang nasusuka sa kaniyang harapan, "Never akong masasarapan sa halik mo! Ang baho kaya ng hininga mo!" pagsisinungaling ko.
No way! I will never admit that I like his kisses! Mas lalo lang siyang yayabang!
Kaya Manigas siya!
Tigasan siya!
"Hindi ka nasarapan? Kaya pala nahimatay ka dahil lang sa paghalik ko sa'yo. Halik ko palang nanghihina ka na."
"Yeah! I admit! Nanghina talaga ako ng hinalikan mo ako, Sinong hindi manghihina kung napakabaho ng iyong hininga? Hininga mo palang, pamatay na!" sumbat ko sa kaniya.
Don't me! Mali siya ng kinalaban!
"Hininga ko? For your Information, Miss Laitera. Nag toothbrush ako at amoy colgate pa ang hininga ko nang hinalikan kita. Sigurado ako roon dahil sinigurado ko munang mabango ang bunganga ko bago kita halikan."
Natahimik naman ako sa kaniya sinabi.
Yeah! He's right! Hanggang ngayon kasi ay nalalasahan ko pa rin ang Colgate sa aking dila. Hinalikan kasi niya ako, kaya nag transfer na sa aking precious mouth ang colgate na naka stock sa ngipin niya.
Yucksyyy! Kaderderrrr!
"Oh, na tahimik ka? Napagtanto mo na ba na masarap akong humalik?"
"Never! Mas masarap pang humalik ang mga naging ex ko kaysa sa'yo!" pagsisinungaling ko, kahit wala naman akong ex.

BINABASA MO ANG
Wella Laitera
RomanceWella Laitera is the girl who lait-lait her kapwa. She can't stop her bunganga, until you're magmakaawa. But, what if? She will met Jayden Benedicto? Ang lalakeng laitero, like her? Magkakasundo kaya ang dalawa, dahil pareho silang mapanlait sa kap...