-Wella POV-
Napahinto naman ako sa paglalakad nang may humintong isang babae sa aking harapan.
Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa.
Mataba, manipis ang kilay, kulot ang hair na parang bulbol, matangos ang nose, red lips dahil puno ng lipstick, maliit siya mas matangkad pa ako, at higit sa lahat hindi siya nagmumukhang estudyante lalo na at iba ang uniform niya sa amin. I think nasa mid-30's or 40's siya.
"You're the transfer student right?" bigla naman akong nahinto sa pananaliksik sa kaniyang kabuuan, nang siya'y magsalita sa aking harapan.
"Yes po." magalang kong sagot.
Syempre magalang akong tao, laitera nga lang.
"I'm Teresita Alcantara." pagpapakilala naman niya, tsaka niya nilahad sa aking harapan ang kaniyang kanang kamay.
Tsk! As if I care?
Tinitigan ko naman ang kaniyang kamay.
Gash? Paano nalang kung may dirt ang hand niya? Argh! Ayaw ko pa namang ma-dirtyhan ang precious hand ko.
"I will be your adviser." Sambit naman ulit niya, habang nakalahad pa rin ang kanang kamay niya sa akin.
Agad ko namang inabot ang kaniyang kamay, tsaka ako nakipag-shake hands sa kaniya.
"I'm Wella Laitera, nice to meet you Ma'am." tugon ko.
Argh! Sana kanina pa niya sinabi, edi kanina ko pa sana inabot ang hand niya. Kahit magaspang, like ewww!
Binawi naman kaagad niya ang kaniyang kamay, tsaka siya tumingin ng deretso sa akin.
"Let's go, it's already 8:30. Simula na ng klase." sambit naman niya, bago naunang naglakad. Ngunit agad din naman siyang lumingon sa akin, "Follow me." pang-uutos pa niya.
Sinunod ko naman siya, dahil masunusin naman akong bata.
Grabe ha! 7:30 lang kanina, tapos 8:30 na? Ang bilis ng oras. Natagalan siguro ako sa pakiki-pagsumbatan sa lalakeng B E N E D I C T O ang apelyedo. Tsk! Ngayon lang ako nagsisi na pinatulan ko ang lalakeng iyon, nakaka-waste siya ng aking time. Time is gold pa naman.
"Ma'am saan po banda yung magiging classroom ko?" pambabasag ko naman sa katahimikan. Lalo na at kami lang ni Ma'am Alcantara ang naglalakad dito sa hagdanan. Syempre wala ng mga estudyante dahil nasa kaniya-kaniya na silang classroom.
"Nasa pangatlong palapag. Isang classroom lang ang naroon. Yun ay ang classroom ng mga STEM students katulad mo."
"Wow naman, special pala ang mga STEM students dito. Sa amin kasi noon, magkakatabi ang classroom ng STEM, HUMSS, GAS, at ABM. Magkakatabi ang mga Academic strands, tapos magkakatabi naman ang TVL strands." pagku-kwento ko naman kay Ma'am Alcantara habang naglalakad pa rin kami.
Hindi naman na siya nagsalita, hanggang sa makarating kami sa pangatlong palapag, at makatapat kami sa isang pintuan ng Classroom.
Nagulat naman ako ng lumingon siya sa akin, "Mauuna muna akong pumasok, papasok ka nalang pag tinawag ko na ang pangalan mo." sambit naman niya, tsaka siya pumasok sa magiging classroom ko.
"Class, you have a new classmate. Please be nice to her." rinig na rinig ko namang saad ni Ma'am Alcantara. Hindi rin nakaligtas sa aking pandinig ang mga bulungan ng mga estudyante.
Like...
"Sino naman kaya ang bagong classmate natin na sinasabi ni Ma'am?"
"Her daw, kaya paniguradong babae ang magiging new classmate natin."

BINABASA MO ANG
Wella Laitera
RomanceWella Laitera is the girl who lait-lait her kapwa. She can't stop her bunganga, until you're magmakaawa. But, what if? She will met Jayden Benedicto? Ang lalakeng laitero, like her? Magkakasundo kaya ang dalawa, dahil pareho silang mapanlait sa kap...