S A F E H A V E N { One } • o2

0 0 0
                                    

/ C H A P T E R T W O /

* * *

"MAY SAKIT ka ba ineng? Ang tamlay-tamlay mo naman 'ata ngayon?"

Muling nagbalik sa kaniyang kamalayan si Fatima. Binalingan niya ng nagtatanong na tingin ang katiwala nilang nagsalita. "Ano po 'yun?"

Marahang tumawa ang ginang. "Mag-pahinga ka na muna. Tatawagin na lang kita kapag umuwi na ang Daddy mo."

Gusto pa sana niyang pa-bulaanan ang mga sinabi ng kanilang katiwala, at na sabihing hindi niya kailangan ng pahinga, ngunit alam rin naman niyang tama ito.

Sa tagal ng taon nito sa pagsisilbi sa pamilya nila, magmula pa sa pagka-bata ng kaniyang ina hanggang sa pagsilang sa kaniya, alam na alam na nito kung may kung anong mali sa pamamahay.

Bukod sa pamamahala ng buong bahay, ito rin ang nagpapanatili ng kaayusan ng buong bahay. Kung hindi kasi hating-gabi na, minsan nama'y ilang linggong nawawala ang haligi ng kanilang tahanan. Minsan nga'y buwan pa ang tinatagal.

Kaya kung may isang lubos na nakakakilala sa kaniya bukod sa matalik niyang kaibigan, iyon ay si Manang Flor. Si Manang Flor na rin kasi ang tumayo niyang ina nang iwan sila ng kaniyang tunay na ina.

Wala sa sariling bumuntong-hininga siya. Dati nama'y hindi niya ito nagagawa masyado ngunit ngayo'y nakakasanayan na niyang gawin.

Tunay ngang nakaka-ubos ng lakas ang mag-hapon niya. Kahit pa sabihing walong oras lang siyang naka-upo't nakikinig sa mga tinuturo ng mga guro, nakaka-pagod pa rin. Dumagdag pa ang mga alalahaning patuloy na binabagabag ang kaniyang isipan, hinihila siya patungo sa iba't-ibang mga senaryo.

Tumayo siya mula sa pagkaka-upo't walang-kibong tinahak ang daan patungo sa kaniyang silid.

Kaagad niyang hinubad ang kaniyang saplot, matapos mai-lock ang pinto ng kaniyang silid, hinayaang mahulog ito sa kung saan. Tinira lang niya ang kaniyang mga panloob.

Matapos mahubad ang kaniyang saplot, tinungo naman niya ang daan papunta sa palikuran. Pinihit niya pabukas ang shower, hinayaang padaanin ang rumaragasang malamig na tubig sa kaniyang katawan; kasabay ng kaniyang mga alalahanin.

Inabot siya ng ilang minuto bago niya ma-isipang lumabas. Tinuyo niyang maiigi ang kaniyang buhok sa pamamagitan ng tuwalya. Matapos no'n ay nag-bihis na siya ng damit pantulog.

Pabagsak niyang inihiga ang kaniyang sarili sa malambot na kama. Hindi pa naman siya dinadapuan ng antok kaya heto siya't naka-tingala lang, tinititigan ang kisame; blangkong parang puting papel ang isip.

Maya-maya pa'y naramdaman na lang niyang bumibigat na ang mga talukap ng kaniyang mata. Sa pag-aasam na makapag-pahinga pansamantala mula sa mga problema, hinayaan na lang niya ang sarili na magpati-anod sa nakaka-kalmang katahimikan ng paligid; tila ba siya'y hinehele sa pag-tulog.

* * *

HATING-GABI NA nang siya'y magising mula sa mahimbing na pagkaka-tulog, marahil dahil na rin sa pagkalam ng kaniyang sikmura.

Matapos makapag-inat-inat, bumangon siya ng kama't sinuot ang malambot niyang tsinelas.

Tahimik siyang lumabas at walang-ginagawang ingay na tinahak ang daan patungo sa kusina. Halos naka-patay na ang lahat ng mga ilaw ngunit may ilan pa namang naka-bukas, kaya hindi siya gaanong nahirapan.

Pagkarating sa kusina ay nanguha na kaagad siya ng biskwit, 'di na nag-abala pang mag-luto dahil 'di rin naman siya marunong.

Matapos maubos ang lahat ng biskwit, kaniya namang dinampot ang basong laman ay mainit na gatas. Nilagok niya iyon at pagkatapos ay pinunasan naman ang kaniyang labi.

The Safe Haven: One Hell of a CampTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon