/ C H A P T E R O N E /
* * *
| F A T I M A |
"FATIMA!" sigaw ng isang dalaga nang makalipas ang ilang sandaling paghihintay, pumasok na rin sa wakas ang kotseng nais niyang makita magmula pa kanina; lulan ang kaniyang kaibigan na tinawag niya sa pangalang- Fatima.
Kaagad na napukaw ang atensyon 'di lang ng kay Fatima kun'di pati na rin ang ilan pang mga estudyante sa parking lot ng dahil sa sigaw na iyon ng dalaga, ngunit kagyat din silang nagbalik sa dati nilang ginagawa nang malamang hindi sila ang tinutukoy ng dalaga.
"Sige na po manong, okay na po dito. Text ko na lang po kayo kung pauwi na 'ko," paalam ni Fatima, na sinuklian naman ng kutsero niya ng isang pabirong saludo, bagay na ikinatawa niya. "Manong talaga oh. 'Ge po ingat."
Tinanaw niya nang may ngiti sa mukha ang unti-unting paglaho ng pigura ng kotse nila. Nang masigurong matiwasay na nakaalis ang kanilang katiwala ay pumihit na patalikod si Fatima; hinarap ng may ngiti pa rin sa mukha ang kaniyang kaibigan.
"Fatima. I missed you!" bulalas ng dalaga at binigyan siya ng mahigpit na yakap, bahagya pa siyang nagulat nu'ng una ngunit mabilis din siyang nakabawi't niyakap pabalik ang kaibigan.Unang kumalas sa pagkakayakap ang dalaga't hinarap siya ng may nanliliit na mata. "Is it just me or pumayat ka talaga."
"Shunga. Ang OA mo ngayon Cossette Jubilee Mendiola. Ano'ng ganap at may payakap ka pa't pa-I miss you? At may consolation pa. Anong pumapayat? Eh kahapon lang tayo huling nagkita ah. 'Wag ka ngang ano d'yan," pabirong sambit ni Fatima habang nakahalukipkip at binigyan ang kaibigan ng pabirong irap. "Ikaw nga Cole ah. Magsabi ka nga sa'kin... Ikaw ba sumisinghot na naman ng usok ng bato?""Look how the tables have turned. Says the one who said that I'm over reacting," ani Cossette, at ngayon, siya naman ang nakapamewang at pinanliliitan ng mata ang kaibigan, ngunit kaagad din itong napalitan ng nag-aalalang tingin. "Anyway. What took you so long?"
"Para ka namang bago nang bago. Ano pa nga ba? S'yempre ang 'di maalis-alis na traffic, na naman." Bakas ang pagka-irita sa boses ni Fatima ngunit kaagad din iyong nawala nang may mapagtanto. "Eh, bakit ka nga ba nandito? Hindi ko naman sinabing hintayin mo 'ko ah."
Naging malikot ang mga mata ni Cossette kasabay ng pagiging mapag-laro ng kaniyang mga daliri. "Ah... Didn't you hear me a while ago? Na-miss kita. Isn't that enough?" nakangusong sambit niya. "And don't gave me that look as if you're interrogating me."
Sa halip na lumambot ang ekspresyon ng kaniyang mukha ay mas lalo lang 'atang pinadilim ng sagot ni Cossette ang mukha ni Fatima; 'di kumbinsido sa tinuran ng kaibigan.
"How many times do I have to tell you. Hindi na uubra sa 'kin 'yang palusot mong 'yan ah. Sobrang gasgas na n'yan, hindi lang ang mga words na ginagamit mo, pati na rin ang tenga ko kakapaulit mo n'yan. Wala na bang bago? I-record mo na lang kaya ang sarili mo sa phone habang sinasabi 'yan," mababakas ang pagiging sarkastiko sa tono ng boses ni Fatima.
Hindi nga maikakailang maayos naman ang paraan niya ng pagsasalita, ngunit kapag si Fatima talaga ang kaniyang pinagsi-sinungalingan ay nabubuking siya agad nito.
"Okay fine. Bukod sa na-miss kita- totoo 'yun ah 'di 'yun talkshit- kailangan ko rin ng kasama papasok." Tila ba nahihiya ang dalaga dahil sa bahagyang pagyuko niya na ikina-ngisi na lang ni Fatima.
BINABASA MO ANG
The Safe Haven: One Hell of a Camp
Misteri / ThrillerFatima's seeing life as a world full of unicorns and rainbows. All's well that ends well. Everything's fine as it seems. Then suddenly, in a blink of an eye, her only reason to see things in life more than anyone does, vanished. Everything spiralled...