Chapter 1

7 1 0
                                    


"Payat Payat"

"Panget"

"Absentis"

"Yan na naman si panget na wala namang magandang dulot sa eskwelahan na ito"

"Nerd yuck hahahaha napaka-kapal pa ang salamin hahaha sobrang hina na ba ng mata mo? Hahahaha"

"Panget na nga payat pa hahahahaha"

Ganyan palagi ang eksena sa tuwing papasok ako ng eskwelahan. Lagi nila akong tinutukso kahit na wala naman akong ginagawa.

Kasalanan ko bang maging ganito ang itsura ko? hindi naman diba? Pero kahit na ganyan sila diko parin sila pinapatulan dahil ayaw kong magkarecord sa eskwelahan na ito.

Yung tipong kapag narinig ko sa isang tenga ko ay palalabasin ko sa kabila para iwas away at gulo. Hangga't kaya kong iwasan ay iiwasan ko at isa pa hahabaan ko na lang ang pasensya ko para sa kanila ako na lang yung mag-aadjust ^__^

Dumiretso na ako sa aking classroom dahil malapit ng mag time. Pagkapasok ko pa lang sa classroom ay marami na akong naririnig na bulung bulungan pero diko na lang pinansin at nagpatuloy sa aking upuan sa may bandang unahan dahil sa likod ay okupado na kaya no choice ako.

"Good morning Sir", sabay-sabay naming bati ng dumating na ang aming guro.

"Good morning", tugon rin ng aming guro

"Im Sir Felix V. Tamayo your class adviser and teacher in Math", pagpapakilala niya sa amin. Sinabi rin ni Sir na wag na kaming mag introduce yourself kami ng bahala na magpakilala sa isa't-isa para kakaiba naman. And im so happy for that ^___^ kasi hindi na tatalbug ang aking heart :))

Diko ipagkakailang may itsura ang Sir namin. Di naman siya yung kagwapuhan pero nakakaattract siya kumbaga malakas ang karisma niya pagdating sa babae ♡__♡

Half day lang naman kami ngayon sa kadahilanang kulang ang classroom sa eskwelahan na ito. Pang-umaga kami kasi yun ang nakalagay sa sinusulat ni Sir for our new schedule in the end of the school year.

After ng discussion ay lumabas na ang Sir namin. Wala pa naman ang second subject namin so magpapakilala muna ako 'Im Princess Athena Zaine Castillo you can call me Athena for short. Napakahaba ng pangalan ko noh? Ewan ko ba kay mama kung bakit yan ang pinangalan sa akin. I'm 15 years of existence 2nd year high school ako. Sa public school lang ako nag aaral kasi kapos sa budget.

Since elementary ay lagi akong umaakyat ng stage at nasasabitan ng mga medalya walang taon na hindi ako nasasabitan ng medalya sapagka't ayaw kong maging dissapointment sa pamilya ko kaya ginagawa ko ang makakaya ko para sa aking pamilya. Hanggang dito na muna at darating na daw ang aming guro.

An hours past ay breaktime na namin wala naman kaming masyadong ginawa sa mga subject teacher namin kasi may pinagkakaabalahan sila.

Kumuha ako ng pera ko sa bag ko at pumunta na ng canteen. Pagkarating ko pa lang sa canteen ay halos matalisod na ako sa sobrang dami ng tao at siksikan pa. Pero ayos lang titiisin ko na lang magkalaman lang ang aking sikmura.

Napakahaba ng pila grabe hayss. Minutes pass ay ako na ang susunod bumili lang ako ng skyflakes at juice kasi pinagkakasya ko ang aking baon. After kong bumili ay pumunta na ako sa room para doon na kumain kasi wala na akong mauupuan pa dito.

Pumasok na ako at nagtuloy-tuloy na sa aking upuan nang makaramdam ako na parang basa ang aking inuupuan. Dahan-dahan akong tumayo at shems ano ito. May parang dugo at napakalagkit shems kagagawan ba ito ng mga classmates ko? Tinignan ko sila at tama nga ako sila nga kasi napuno ng tawanan ang buong classroom.

Hayss paano na ito? Wala akong dala na extra kong pamalit. Gusto ko ng maiyak at lamunin na lang ako ng inaapakan ko dahil sa sobrang kahihiyan.

Kumaripas na lang ako ng takbo papuntang cr at dala ang bag ko. Naglabas na lang ako ng mga papel at pinunas-punasan ito hayss wala naman akong ginagawa bakit ba nangyayari sa akin ito?

THAT SHOULD BE MEWhere stories live. Discover now